CHAPTER TWENTY FOUR
(SACRIFICE)Time check: 7:18 p.m
"Couz, hindi ka ba kakain? Nakatitig ka lang sa pagkain mo hindi naman yan mauubos sa titig" sita ni Marga sa akin
"A-ah oo sabi ko nga kakain na ako" nag-umpisa na lang ulit akong kumain nun kahit na wala talaga akong gana
Simula yung nangyari kanina hindi na ako nakapagfocus sa mga sumunod pang activity to the point na ako ang laging nakakakuha ng mababang points sa kanilang lahat
Ano ba kasing ginagawa ko sa buhay ko? Nababaliw na ba ako?
"Ang ganda ng mga activity ngayon noh? Pero balita ko mas maganda daw sa last day ng camping" anas in Maila
"Maila, laging nasa huli ang thrill kaya anong bago doon?" sabat ni Janna
Gusto ko tuloy malaman agad iyon para naman makapagback-out na ako
Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin at paglingon ko ay nakita ko si Stealer
"Bakit parang gulat na gulat kayo? Hindi na ba ako pwedeng umupo dito ngayon" saad niya na ikinatawa nila Janna
"Ano ka ba Jace hindi noh!! Nakakagulat lang kasi na nandito ka para kasing umiiwas ka kay Ms. President ee" sabat ni Maila
"Bakit naman ako iiwas? Kumain na tayo" napayuko na lang ako nun alam ko naman na nagsisinungaling siya
Pagkatapos namin kumain doon ay magliligpit na sana ako ng biglang dumating si Jin
"Jin, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Marga
"Kakausapin ko lang si Gina okay lang ba?" ano na naman ang kailangan nila? Sisisihin na naman nila ako dahil sa palpak na plano namin
"Oo naman, Gina kami ng bahala dito" tumango lang ako at sumunod na lang kay Jin
"Jin bakit?" Tanong ko
"Bakit hindi ka sumunod sa plano? Nagagalit talaga si Van sayo ngayon"
"Alam ko kaya naghahanda na ako sa sigaw niya" ani ko
Nang makarating kami sa may dalampasigan doon pa rin sa mabatong bahagi ay nakita ko agad si Van na nakasandal sa may malaking bato
"Van, nandito na siya" lumingon siya sa pwesto namin kaya napayuko agad ako
"Sinira mo yung plano"
"Alam ko kaya sorry" ani ko
"Ayokong marinig ang sorry mo nagsasawa na ako diyan *sigh* alam mo isang paraan na lang ang naiisip ko harapin mo ang mommy mo ngayon" ngayon talaga? Seriously? Napatingin ako sa kanya nun pero seryoso din siyang tumingin sa akin
"Pagkatapos? Paano kung tumigil nga siya na bantayan ang bawat galaw natin dito? Hindi lang yun matatapos sa ganoon" saad ko
"Alam ko dahil baliw na ang mommy mo!! Hindi ko alam kung ano ang ikinatutuwa niya sa pagsira sa buhay ko. Ang gusto ko lang tigilan niya ako at ang pamilya ko" napahinga ako ng malalim nun at diretsong tumingin sa kanya
"Gagawin ko" huling nasabi ko bago umalis na doon
"Gina!!" rinig kong tawag ni Jin pero hindi ko na pinansin pa iyon at nagdiretso na lang
"Ms. President hinahanap ka ni ma'--"
"Joshua ikaw na munang bahala doon may kailangan lang akong asikasuhin" tipid lang akong ngumiti sa kanya
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Novela JuvenilThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...