CHAPTER SEVENTEEN

36 2 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN (LOTS OF INFORMATION)


Pagpasok ko sa loob ng coffee shop ay pumwesto ako doon sa may likuran ni mommy para mas malapit at mas marinig ko ang pinag-uusapan nila. Umorder lang ako ng cappuccino para naman hindi ako mapaghalataan na tumatambay lang and since hindi pa naman ako kumakain.


"Madame Coleen, nagawa ko na po ang pinapagawa niyo" saad ng lalaki

"Magaling Zairus, hindi ba nahalata ni Mr. Watson na iba na ang pinirmahan niya?" tanong ni mommy

"Sinigurado ko po iyon Madame kaya wala na kayong dapat na problemahin pa dahil sigurado na rin na lahat ng shares niya sa company niyo ay hindi niya na makukuha pa" what? Anong ginagawa nila? Paanong hindi niya na makukuha yung shares gayong kanya naman iyon?

"Good job, eto ang bayad ko sayo" pasimple akong sumilip sa kanila at nakita kong binigyan ni mommy ang lalaking iyon ng sobre

"Madame, bakit ba ginawa niyo iyon kay Mr. Watson?" 

"I just teach him a lesson for blocking my way and I think nagustuhan niya naman ang ginawa ko para sa kanya" 

"Ganoon ba, basta madame sa susunod na may ipatrabaho ka tawagan mo lang ako"

"Speaking of that may ipapatrabaho ulit ako sayo tungkol naman ito sa maliit na business ng mga Javier, gusto kong paikutin mo ang mag-asawa hanggang sa ibenta nila sa akin ang company nila, do whatever you can to make this possible Zairus" baliw na talaga siya bakit ba gusto niyang manira ng buhay ng may buhay?

"If the price is right I will do everything madame"

"Name your price and I'll give it to you"

"Then I'll do it,"

"Okay, hindi ako pwedeng magtagal dito tawagan mo na lang ako 'pag may magandang balita kana"

"Sure madame, It's a pleasure to work with you"

"I'll go ahead"


Napayuko ako ng maramdaman kong tumayo si mommy. Inilabas ko agad ang cellphone ko at kunwaring nakikipagtext habang umiinom ng cappuccino na binili ko.


"Excuse me miss yung panyo mo nahulog" nilingon ko siya at mabilis na kinuha yung panyo

"You're weird" tipid lang akong ngumiti 


Napahinga ako ng malalim ng makita ko siyang maglakad na palabas. Grabe kinabahan ako doon. Hinintay kong umalis muna yung lalaki bago ako lumabas ng coffee shop. Pagkabalik ko sa sasakyan ay napahinga ulit ako ng malalim at tinanggal yung mga ginamit kong pang disguise.


"Anong nangyari Gina? Bakit ang bilis mo?" tanong ni Jin

"Patapos na silang mag-usap ng dumating ako kaya kaunti lang ang narinig ko pero worth it naman," sagot ko

"Anong nalaman mo? Anong plano nila? Sino ang kasama niya?" sunod-sunod na tanong ni Van

"Hindi ko kilala yung kasama niya pero ayon sa narinig ko Zairus ang pangalan ng lalaki at narinig ko rin na may niloko silang tao Mr. Watson ang pangalan. Sabi nung lalaki sigurado siyang lahat ng share ng lalaking iyon sa company namin ay hindi niya na makukuha pa at sabi ni mommy na tinuruan niya lang ng leksyon ang Mr. Watson na iyon pero sa palagay ko ginusto niya ring mangyari iyon dahil gahaman siya at sabi isusunod niya na ang company niyo pipilitin nila ang magulang mo na ibenta yung company niyo at inutos niya iyon sa lalaki.  Mukhang gagawin nung lalaki ang lahat mapapayag lang ang magulang mo," anas ko at umiwas ng tingin sa kanya

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon