CHAPTER FOUR (MY COUSIN)
A/N:Thank you sa mga nagbabasa nito sana patuloy lang na basahin kahit na minsan eh pangit talaga ang gawa ko thanks:)
**********************
GEORGINA POV
"Ate, gumising kana diyan mala-late ka na naman sa school. Sige ka matatanggal ka sa pagiging president mo," pangungulit ni Warren. Kanina ko pa sinasabi na ayokong pumasok pero hindi siya nakikinig.
"Bakit ba ang kulit mo? Ayoko ngang pumasok masakit ang ulo ko," iritang saad ko bago nagtulakbong ng kumot.
"HOY GEORGINA ALVAREZ HINDI KABA TALAGA BABANGON DIYAN?" sigaw ng isang familiar na boses, automatic na napaupo ako ng magsink-in sa utak ko iyon.
"Si Ate Marga lang pala ang magpapatayo sayo sana kanina ko pa siya tinawag," panghihinayang na saad ni Warren
"Anong ginagawa mo dito Marga?" tanong ko
Ang alam ko nasa States ang babaeng ito bakit nandito siya? Huwag niyang sabihin na dito na siya mananatili? Sinamaan ko siya ng tingin pero tinitigan niya lang ako. Kung sa pagbubunganga lang siguradong hindi ako mananalo sa kanya.
"Ganyan mo ba iwe-welcome ang pinsan mo Gina? Nakakadisappoint ka!" mataray na anas niya
"Tumayo kana diyan ng makapasok na tayo,"
"Anong tayo?" gulat na tanong ko
"Sa St. Luke na din ako mag-aaral," nang-aasar ba siya? Maayos na ang buhay niya sa States kaya bakit siya babalik dito?
"Ayokong pumasok Marga sa ayaw at ...."
"Pumasok ka Georgina kung ayaw mong isumbong kita kay tita, you know naman na mas pinagkakatiwalaan niya ako kaysa sayo, right?" tuta nga pala siya ng isang iyon at gagawin niyang panakot sa akin ang pagsusumbong, pagbubuhulin ko talaga sila.
Nakakainis talaga, alam ko naman na mas pinaniniwalaan siya ng babaeng iyon at mas close pa sila kaysa sa amin. Si Daddy lang naman ang kasundo ko at hindi ko gusto ang bruhang iyon. Kahit gumuho ang mundo ngayon wala akong pakialam sa kanya. Sabihin na nating siya ang number 1 enemy ko na hindi maaalis sa listahan ng hateful person para sa akin.
"Yeah I know, papasok na ako lumabas na kayong dalawa sa kwarto ko. Panira ng araw, layas na!" tumayo na ako at itinulak silang dalawa palabas ng kwarto. Narinig ko pa silang tumawa pero isinara ko na lang ang pinto, trip nila akong asarin hindi na nagbago.
Naligo na lang ako at after that ay nagbihis na rin, kaunting ayos then ready to leave na. Sa totoo lang ayoko talagang pumasok hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga linyang binitawan sa akin ni Van. Ang kapal ng mukha niya siya ang may kasalanan kung bakit ayoko ng magpakita sa School. Halos araw-araw ko siyang nakikitang may kalandian at sinasadya niya talagang makita ko iyon.
I'm the SC President pero dahil sa kanya hindi ko magawa ang trabaho ko, dahil sa mga linyang iyon. Nakakabwisit talaga. Feeling ko sinasadya niya nga lang lahat. Tina-timing niya talagang makikita ko ang paglalandian nila.
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Novela JuvenilThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...