CHAPTER THIRTY SEVEN
(CHILDHOOD MEMORIES)GIOVANNI POV
"Van, bakit hindi mo sinabi kay Gina ang totoo?" Anas ni Jin
"Malalaman niya rin iyon" napangiti na lang ako
"Pero, mahal mo si Gina ipagkakatiwala mo na lang ba siya sa lalaking iyon?" Tiningnan ko si Jin nun
"Jin, sinabi ko na sayo kung hindi magiging akin si Gina mabuti ng mapunta sa kanya and besides sila naman talaga dapat" saad ko at humiga na lang sa may kama
Nakakapagod ang araw na ito. Sana naman maging masaya sila. Ayun na lang ang kaya kong gawin
"Ano bang sinasabi mo? Anong sila naman talaga dapat?" Tanong ni Jin
"Jin, gusto ko nang matulog bukas na lang tayong mag-usap pwede ba?" Pag-iiba ko ng usapan
"Sige. Basta ipaliwanag mo sa akin ang sinabi mo ang alam ko lang magkaibigan kayong tatlo kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi mo" tumango-tango lang ako at hinintay siyang makalabas ng kwarto
*SIGH*
Halos walong taon na rin ang nakakalipas. Mukhang ako lang talaga ang nakakaalala sa kanila
Tumayo ako nun at kinuha yung photo album sa may drawer ko. Puro picture naming tatlo ito mula nung bata pa lang kami
Ang totoo niyan we are childhood friends since we are five years old, kindergarten kami ng unang magkakilala at sa totoo lang hindi kami magkakasundong tatlo pero naging close din kami
Kaso yung dalawang iyon laging nagtatalo kahit nung bata pa lang hindi sila magkasundo sa lahat ng bagay pero kahit ganoon napakacaring ni Henrick kay Gia at sa tingin ko mas close pa silang dalawa kaysa sa amin
Nung Grade school parehas pa rin kami ng school na pinasukan at magkakaklase pa rin kami. Ang totoo nga marami nang nagkakagusto kay Henrick lalo na yung Grade 5 kami lagi siyang nakakatanggap ng love letter na ikinakainis ni Gia
Lagi lang akong taga-awat sa kanila sa tuwing nagtatalo sila hanggang sa dumating yung araw na umamin sa akin si Henrick na gusto niya si Gia. I tried to hide my feelings for her and because we are still young that time I thought that it's just a puppy love and it will change sooner or later
Hanggang sa dumating yung time na napansin na rin pala ni Henrick iyon
*FLASHBACK*
Nandito kaming tatlo ngayon sa may park at nagpapalipas lang ng oras habang si Gia ay bumibili ng ice cream na kanina niya pa gusto
"Oh!" Napatingin ako sa nag-abot sa akin ng in can na softdrinks
"Salamat" ani ko bago siya umupo sa tabi ko
"Nakakapagod ang araw na ito hahahaha" napayuko lang ako nun
"Van, sabihin mo nga sa akin gusto mo ba si Gia?" Napatigil ako sa sanang pag-inom ng sabihin niya iyon
"Ano bang sinasabi mo? Kaibigan ko lang siya noh!" ngumiti lang ako sa kanya at uminom na lan
"Hindi pa ako nagkakamali sa mga nakikita ko and besides obvious naman sayo kapag magkasama kayong dalawa" hindi na lang ako umimik nun
He must really have a good observation skill. He never failed to do that
"Alam mo magbabago pa itong nararamdaman ko, mga bata pa naman tayo hindi ba?" Ani ko
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Roman pour AdolescentsThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...