EPILOGUE
(I'M STILL IN LOVE WITH MY EX FINALE)Napatingin ako dito kay Van habang patuloy kami sa paglalakad. Hindi siya nagbago at lalo lang siyang naging gwapo. I'm sure na sobrang swerte ng mapapangasawa niya
Napangiti na lang ako at naunang maglakad sa kanya. Ang ganda ng panahon ngayon kaya nandito kami sa may park at naglalakad-lakad lang
Actually hindi pa siya nagsasalita simula kanina kaya hinahayaan ko lang siya
"Gia..." lihim akong napangiti at hindi lumingon sa kanya
"Hmmm.." Ani ko
"Nasabi ko na bang ang ganda mo ngayon?"
"Ngayon lang? Araw-araw akong maganda noh!" Lumingon na ako sa kanya at nakita ko lang siyang ngumiti
"I see! Nagugutom ka ba? Kumain tayo" umiling ako at kumapit lang sa braso niya na ikinagulat ko
"Gusto kong makausap ka! Limang taon na rin ng huli tayong nag-usap at hindi ko akalain na mangyayari iyon" ani ko
"Bumili na lang tayo ng pagkain. Nagugutom na ako" napatango na lang ako sa kanya
"Buti pa umupo ka muna doon ako na lang ang bibili hintayin mo na lang ako" dahil hindi naman ako nananalo sa kanya pumayag na lang ako at hinintay siya sa bench na tinuro niya
Napatingin ako sa paligid at nakita ko yung ibang tao na nandito. May mga pamilya na nandito, magkakaibigan, magkasintahan at kahit ang mga gusto lang ng tahimik na lugar. Ito talaga ang magandang tambayan.
Sa hindi kalayuan ay nakikita ko naman yung ferris wheel. Sigurado akong ayun na ang kinalabasan ng lumang park na tinatambayan namin
Gusto ko nang makita ang kinalabasan nun kung pati ba yung tree house nawala na din doon. Ang dami naming ala-ala doon
Maya-maya lang ay may nag-abot sa akin ng waffle kaya kinuha ko na lang iyon at kinain habang si Van ay tumabi lang sa akin
"Ang sarap nito! Salamat" anas ko
"Ang laki na nang pinagbago ng lugar dito, napansin mo ba?" Tumango lang ako
"Gusto kong puntahan ang amusement park na iyon" sabay turo doon sa may ferris wheel
"Pupuntahan talaga natin iyan! Pero mamaya na" ani niya
*SILENCE*
"Van, okay ka lang ba? Nabalitaan ko kasi na hindi natuloy yung kasal niyo ni Kiela" basag ko sa katahimikan
"Hindi ba mas maganda iyon? Hindi ko siya kayang mahalin kaya nakipaghiwalay na ako" napatango lang ako
"Van... Dapat bang hinintay natin ang oras na ito?" Nagkatitigan kami nun kaya awkward akong tumawa at umiwas ng tingin
"Hahahaha... Naisip ko lang naman iyon"
"Masyado tayong nagpadala sa sitwasyon natin noon dapat ngang naghintay tayo. Siguro kung hinabaan lang natin ang pasensya natin tayo pa rin ngayon" seryoso niyang saad
"Hindi madaling kalimutan ka! Alam mo ba yun? Kulang na lang maubos na ang luha ko kakaiyak kapag naaalala ka" ani ko
"Sa tuwing tinataboy mo ako nasasaktan ako at iiyak na naman. Sa tuwing umaasta kang hindi mo ako kilala nasasaktan ako. Sa totoo lang hindi naging maganda ang nangyari sa atin at lalo lang akong nasasaktan kapag naaalala yun" dagdag ko
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...