Hala! Makakasalubong ko sila. Buti na lang nakapagbasa ako ng Wattpad kagabi kahit paano.
"Look who's here," sabi ng isang palakang naglalakad na punong-puno ng make-up ang mukha.
"Yuck. May bagong nerd," sabi pa ng isa sa kasama niya.
"Oo nga eh. Nerd na, baduy pa. Walang kaclass- class," Dagdag pa ng isang palaka with matching eyeroll.
Nakwento na sila sa akin ng bestfriend ko na nag-aaral din dito. 'Yung nasa gitna, siya si Margarette Rivera, ang queenbee kuno ng school. Uso pa pala 'yun 'no?
Naiiyak na ako. Pero bawal umiyak. Kailangan kong lumaban. Sino ba sila para magpaapak ako?
"Alam niyo, wag na kayo magyabang kung 'yang kayabangan niyo lang naman ang maipagyayabang niyo," sabi ko. Buti na lang ay hindi nagcrack yung boses ko.
"How dare you!"
"Sino ka para sabihan kami ng ganyan?!"
"Christine Keira Lopez. 17 years old. 4th year student from Section B. Just call me Kei," Sabay pilit na ngiti. Huwag niyo ako sabunutan, please?
"Pilosopo!" Sabi nung isang palaka sabay higit sa buhok ko. Dapat talaga hindi ko na sila sinagot eh!
"Pagbabayaran mo ngayon pamimilosopo mo sa amin!" Hinigit niya ang buhok ko papunta sa likod ng building. Aray. Kung sa kanila ko kaya ito gawin, matutuwa ba sila?
Binitawan niya 'yung buhok ko nang padabog kaya napaupo ako sa sahig. Sakit ng pwet ko! Natapilok pa ako.
Naluluha na talaga ako. Aaminin ko, hanggang salita lang naman ako. Hindi ko kaya kapag pisikalan na. 'Yung mga salita pa na binibitawan ko, nanggaling sa Wattpad. Ang galing ko talaga.
"Nerd ka lang dito kaya 'wag kang umasta-asta na akala mo kung sino ka!" Sumosobra na sila. Naaapakan na nila ang pagkatao ko! Tuluyan nang lumagpak yung mga luha ko.
"Duwag ka naman pala eh!" Sabi ng isa sa kanila habang nakangisi.
"Can't you just shut your mouths and get out of here?!" Napatingin kaming lahat sa may puno. Uh-oh. May tao pala dito. Halatang-halata na bad mood 'yung lalaki. Scary.
Nakita ko 'yung pagkabigla ng tatlong palaka. Takot na takot sila. 'Yung boses naman kasi talaga ni kuya nakakatakot.
"Hindi pa kami tapos sa'yo," bulong sa akin ni Margarette.
"I said get the hell out of here!" Nabigla kaming lahat nang bigla siyang sumigaw. Grabe! Feeling ko mamaya-maya magtatransform na siya into a dragon na bumubuga ng apoy.
Mabilis namang umalis 'yung tatlong palaka. 'Buti naman. Patayo na sana ako nang bigla akong napaupo ulit. Biglang kumirot yung paa ko.
Napatingin ako sa engkanto na halimaw na dragon na ewan. Hybrid yata siya.
Wow lang ha! Walang siyang pake. Sitting pretty sa puno. Mukha tuloy talaga siyang engkanto .
Pilit akong tumayo at success! Nakatayo ako! Kinuha ko na 'yung bag ko. Oo, dala-dala ko 'yung bag ko habang kinakaladkad nila ako.
Pilit akong naglakad kahit iika-ika.
Naglalakad ako nang biglang nag-bell na. Wala na. Late na ako. Kaya ko ba namang tumakbo sa lagay na 'to? Syempre hindi! 4th floor pa naman 'yung room ko base sa schedule ko. Transferee nga pala ako dito sa Academy Of St. Francis.
Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman ko na tumayo na 'yung engkanto. Naglakad siya habang nakalagay yung kamay niya sa bulsa niya. Napatingin siya sa'kin saglit habang naglalakad.
Sa kasamaang palad, nilagpasan lang ako.
"Hindi gentleman. Tss," Bulong ko sa sarili ko.
Naglakad na lang ako kahit kumikirot-kirot pa ang mga paa ko. Ang sakit! Pati likod ko at anit ko ang sakit pa rin. Habang naglalakad ako ay sinuklayan ko 'yung buhok ko gamit 'yung daliri ko at 'yung isang kamay ko naman ay pang-alalay sa pader.
May biglang tumakbo papalapit sa akin at halata mo sa mukha niya na alalang-alala siya.
"Kei!! Anong nangyari sayo?! Ang gulo ng buhok mo!" Sabi niya habang inaayos yung buhok ko.
"Wala. Wala 'to," Sabi ko sabay ngiti. Siya nga pala si Akira Jade Torres. Childhood bestfriend ko.
"Anong wala lang?! Iika-ika ka ngang maglakad eh! Mamaya ikekwento mo sa akin kung sino may gawa nito at lagot sa akin 'yang mga 'yan. Kade!" Sabi ni Aki sabay kulbit kay engkanto?! Kilala niya 'yung kumag na depungal na engkanto na 'yon?!
"Oh?" Sabi nung Kade yata 'yon in an arrogant way. Tss. Akala mo kung sino. Akala mo naman gwapo. I mean, oo, gwapo naman talaga siya pero 'yung budhi niya hindi!
"Pwede bang buhatin mo si Kei paakyat sa 4th floor tutal naman pareho lang kayo ng room eh. Please? Nahihirapan na siya," Anak ng engkanto! Bakit niya kinakausap 'yon?! Tapos magkaklase kami ng kumag na 'yon?!
"Tss. I don't care," sabi ni engkanto sabay irap.
Kung hindi lang talaga ako injured kanina ko pa siya nasipa.
"Gusto mo bang ulitin ko ulit 'yung ginawa ko dati? Hmm?" Napaangat ang kilay agad ni engkanto sa sinabi ni Aki at napabuntong hininga. Umupo siya bigla sa harap ko nang patalikod.
Ha?
"Huh?" Sabi ko. Anong ginagawa niya?
"Piggy back ride. Hihihi," Bulong sa akin ni Aki.
"Ayoko nga! Kaya ko sarili ko ano!" Sabi ko sabay lakad. Kaya lang sa kasamaang palad, napaupo ako. Sabi ko nga, hindi ko kaya!
"Tss," Sabi ni engkanto sabay kuha sa kamay ko at pinulupot niya yun sa leeg niya at tadah! Piggy backride. Ang saya. Ang saya saya talaga.
Hindi bagay sa'kin 'to, promise! Payatot ako tapos piggy backride?
'Yung totoo. 'Tss' siguro 'yung una niyang natutunan na salita.
Kinindatan naman ako ni Aki. Sa sobrang inis ko ay nairapan ko siya. Grr.
Nakapunta naman kami ng room nang matiwasay kaya lang, start na ng klase. Ang galing, grabe. First day na first day kaaway na ang sumalubong sa akin, nasabunutan at sumakit ang katawan at late pa ako. Ang tindi! Ano 'to, kape?! 3-in-1?!
Binaba na ako ni engkanto tapos pumasok na siya. Sumabay na ako sa kanya. Atleast may kadamay ako. Kaya lang wrong move yata. Ang sama ng tingin sa akin ng mga babae. Ganon ba talaga kasikat 'tong engkanto na 'to dito?
"Welcome," Sabi niya sabay smirk.
Anak ng marshmallow to! Yabang ah. Sabagay magte-thank you rin naman ako sa kanya. Kaya lang kailangan talaga mauna siya?!
'Di ko aamining ang gwapo niya sa pagkakangisi niya ha. 'Di talaga. 'Di naman talaga.
At sa kasamaang palad, andito rin pala 'yung mga palaka na sobrang talim ang tingin sa akin. 'Yung iba ring babae.
Pero nagsaya pa rin naman ang kalooban ko habang nagsasayaw ng Nae Nae with matching pompoms kasi nakangiti pa rin sa akin, I mean sa amin ni engkanto, 'yung teacher. 'Buti na lang ay mukhang mabait 'yung adviser namin.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...