Keira's POV
"Why are you here?"
Pwede bang magpalamon nalang sa lupa?
Kapag sineswerte ka nga naman oh.
"Don't you know that what you're doing is trespassing?"
"Yabang mo ah! Trespassing agad? Eh pinapasok pa nga ako ni nanay. Trespassing daw."
Yabang talaga nitong engkantong 'to! Oo, si Kade ang magiging amo ko. Makapag-backout nga. Ayoko dito. Bakit ba kasi siya pa ang naging amo ko?! Anak ng tokwa naman oh!
"Is that true nay?" Sabi niya.
"Oo, KD. Nag-apply kasi siya bilang maid. Sabi rin naman ng parents mo kumuha ako ng bago kaya tinanggap ko na siya," tugon ni nanay.
"WHAT?! Bakit mo siya tinanggap nay?! Napaka-clumsy niya, nay. Kung alam mo lang. Baka mabasag o masira lang niya mga gamit dito," sabi niya habang nakakunot ang noo. Umakyat na rin siya ng hagdan.
"Aba! Arte mo naman! Akala mo ba gusto kong maging amo ka?! Ayoko rin ano! Ayokong magka-amo na ENGKANTO!" Sigaw ko emphasizing the word 'engkanto'.
"Nay I'm sorry but I quit," mahinahon kong sabi kay nanay na nanonood lang sa aming dalawa.
"P-pero sayang naman, Kei. Nakapirma ka na oh. Isa pa, mabait naman 'yan si KD. Masungit lang talaga. Gusto pa naman sana kita," sabi ni nanay at hinawak mga kamay ko.
Naisip ko rin 'yung sweldo dito. Sapat na sapat na 'yon para sa amin ng kapatid ko. Isa pa, bakit ako aayaw dahil lang siya ang amo ko? Aba. Sino ba siya? Hmp. Sayang 'tong trabaho.
"Sige na, iha," sabi ni nanay at nginitian ako. Galing mangumbinsi ni nanay. Ang effective.
Tiis tiis nalang Kei. Kaya mo iyan! Fighting! Kung pasaway, masungit at mapang-asar, hindi ako magpapatalo.
"Sige na nga po nay. Pumapayag na po ako. Kailan po ba ako mag-uumpisa?"
"Talaga pumapayag ka na ija? Sa wakas! Nakahanap na rin kami. Bukas, pwede ka na mag-umpisa," sabi niya na biglang nagliwanag ang mukha at halatang excited.
"Sige po."
Nagpaalam na rin ako kay nanay at umuwi na. Grabe. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o maiinis eh. Hindi talaga sumagi kahit kailan na si Kade ang magiging amo ko.
"Oh? Anong nangyari dyan sa mukha mo at parang nalugi ka sa negosyo?" Bungad sa akin ni Kris habang nanonood ng basketball sa tv.
"Wala. Nakakatuwa lang kasi iyong magiging amo ko. Napakabait niya tapos ang masayahin pa," sabi ko. Kung alam mo lang Kris.
"Mabuti naman. Kailan ka daw magsisimula?"
"Bukas daw. Sige na. Magluluto pa ako ng hapunan," sabi ko sa kanya.
Nagprito nalang ako ng isda at nagluto ng kaunting gulay.
Naghain na ako at dali-dali rin namang dumating si Kris at kumain. Akala mo naman hindi pinakain ng 1 taon kung makasubo.
Umakyat na rin ako at nagbihis. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa na 'yung engkantong 'yon ang magiging amo ko.
Napabuntong hininga nalang ako at pinilit matulog.
~~~~~~~~~
Linggo na at papunta na ako sa bahay nina Kade. Umattend muna ako ng misa bago pumunta doon. Ipinagdasal ko muna na sana maging maayos itong trabaho ko. Sana naman matino siyang amo.
"Kuya, nagugutom na ako."
"Ako rin eh. Huwag ka mag-alala, maghahanap ako ng pagkain natin. Dyan ka lang ha? Babalikan kita. Pagbalik ko may dala na akong pagkain. Promise."
Napalingon ako sa kanan ko nang marinig akong may nag-uusap na dalawang bata. Sa tingin ko ay magkapatid silang dalawa.
Napatingin ako sa supot na hawak ko na may lamang pagkain na kakainin ko sana habang nasa daan kasi hindi ako nag-umagahan dahil sa pagmamadali. Agad naman akong napangiti.
Lumapit ako sa dalawang bata na nasa may park at nakaupo sa swing.
"Bata? Sa inyo nalang ito oh. Busog din naman ako eh," sabi ko sabay upo sa harap nila habang inaabot sa kanilang dalawa ang hawak kong pagkain at bigla naman silang napatingin sa akin na may halong pagtataka at saya.
"Talaga po? Sa amin nalang 'yan? Maraming salamat po!" Sabi nila habang tuwang-tuwa.
Napangiti ako nang makita ang mukha nilang nagliwanag habang nakatingin sa hawak nilang pagkain.
"Mag-iingat kayo lagi ha? Kahit hirap kayo sa buhay 'wag dapat kayo gumawa ng bagay na masama. Magdasal lang kayo palagi okay? Dahil pagdating sa Kanya, walang imposible," sabi ko sa kanilang dalawa.
'Yon ang tinuro sa amin ni Kris ng mga magulang namin dati. Kada may nakikita akong mga katulad nila ay parang may nag-uudyok sa akin na tulungan sila. Pero namimili pa rin naman ako ng tutulungan. Kadalasan ay pagkain ang binibigay ko sa kanila.
"Opo. Maraming salamat po ulit dito," sabi nilang dalawa habang nakangiti.
Ngumiti ako sa kanila at pinat ang ulo nilang dalawa. Ang cute nilang magkapatid. Hula ko ay nasa bandang 12 years old 'yung lalaki at ang babae naman ay 8 years old.
Napalingon ako sa likod ko nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. Nakita ko ang isang nakatalikod na lalaking naka-kulay puti na t-shirt at black na pantalon. Naka-kulay blue rin siya na sneakers na limited edition. Bakit ko alam na limited edition? Pinangarap ko na rin na magkaroon ng ganyan kaya lang mahal.
Pumasok siya sa isang pamilyar na kotse. Parang nakita ko na ang kotseng 'yon dati.
Hinayaan ko nalang ang nakita ko at nagpaalam na sa dalawang bata dahil baka hinihintay na ako ni nanay.
Nakarating na rin ako sa Scott's Residences.
This is it Kei. First day mo na. Kaya mo 'yan. Fighting!
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...