Keira's POV
It's been a month. Hindi ko pa rin kilala kung sino iyong childhood bestfriend ni Kade. Wala pa ring nangyayari sa investigation kuno ko.
Bumaba na ako ng jeep. Pumasok na ako at nginitian ako ni kuya guard. Close kami ni kuya eh.
"Kei!"
Napatingin naman ako kung saan nangggaling ang boses na iyon. Si sir Matt. Papalapit siya sa akin ngayon.
"Kei! Journalist ka sa dati mong school 'di ba?" Sabi ni sir. Tumango ako.
"Pwede ka bang humabol ngayon sa contest? Kulang kasi tayo ng representative. Dapat kasi dalawa. Isa lang napadala ko sa news writing. Pwede ka ba? 8 pa naman ang start eh," sabi ni sir.
"Ngayon na po sir?! As in?!" Sabi ko habang nanglalaki ang mata ko. Nahihiya na siguro ang tarsier sa akin.
"Oo. May service naman eh. Sige na Kei. Maganda ka naman eh. Matalino pa," sabi ni sir.
"Sige na nga po," sabi ko. Namimiss ko na rin naman ang journalism eh.
"Sige. Sumakay ka na dun sa service. Kasama mo na rin doon iyong iba ko pang pinahabol na contestants. Sabihin mo kay kuya Kabs, umalis na kayo. Susunod na lang ako doon. Ito nga pala iyong listahan ng rooms niyo," sabi ni sir at may inabot na papel.
Tumango ako at tumakbo na papuntang service. Pero nagulat ako nang makita ang dalawa sa mga estudyante sa loob ng service.
"Frances?! Drake?!"
"Kei! Omg. Nandito ka rin!" Sabi ni Frances.
"Naks! Hi Kei!" Sabi naman ni Drake.
Sinabi ko na rin kay kuya Kabs na umalis na. Si kuya Kabs nga pala iyong driver ng service namin. Marami-rami rin kami ngayon sa service. Pinakita ko na rin sa kanila iyong papel para malaman nila iyong room nila.
Maya-maya ay nakarating na rin kami sa school na paggaganapan. Infairness, malaki rin siya. Pero mas malaki pa rin ang ASF.
Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa.
"Bye Kei! Kita nalang tayo mamaya!" Sabi ni Frances. Tumango nalang rin sa akin si Drake. Editorial writing si Frances at editorial cartooning naman si Drake.
Umakyat na ako sa taas ng isang building. 2nd floor pa ang room ko eh. Hindi pa naman ako late.
Room 210, nasaan ka na?
Ayun! Huminga muna ako ng malalim. Kaya ko 'to! Hindi pa naman ako magaling makipagkaibigan. Sana lang may kakilala ako sa loob.
Binuksan ko nang malaki ang pinto. Pumasok ako at sumayaw ng isa sa mga sayaw sa commercial na napapanood ko sa tv.
"HELP BEAT ENERGY ENERGY GAP!~ BEAT ENERGY GAP!~" Kanta ko habang nasayaw.
Pero syempre joke lang iyon. Ayaw ko namang maging agaw-eksena. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Inilibot ko ang tingin sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan.
Dalawa nalang ang bakanteng upuan. Isa sa may 3rd row, at isa sa 2nd row. Kung sa 2nd row naman ako uupo, mukhang mataray iyong babae na makakatabi ko. Ang sama makatingin eh.
Sa 3rd row na ngalang. Ang makakatabi ko doon ay isang lalaking nakabow lang ang ulo sa may desk niya habang may earphones sa tenga. Iyong lalaking iyon ay katabi ng pader. Sa kabila naman ay isang babae na mukha namang mabait.
Pumunta na ako doon at umupo. Tumingin sa akin iyong babae sa kaliwa ko at ngumiti. Ngumiti nalang din ako.
Maya-maya ay may pumasok na babae. Umupo siya doon sa upuan sa 2nd row. Kaya pala ayaw akong paupuin doon noong babae at ang sama ng tingin sa akin, sinave niya para sa bestfriend niya iyong upuan.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...