Keira's POV
"Kei. May transferee daw?" Tanong ni Frances sa akin habang nakakawit ang braso niya sa akin.
Napangiti naman ako nang maalala ang transferee. Palabas na kami ng room kasi lunch break na.
"Natibo ka na rin sa transferee? Hala. Sabagay, maganda naman daw kasi iyong transferee. Pinagkaguluhan nga daw eh," kwento niya habang naglalakad kami pababa ng building.
"Maganda naman kasi talaga siya. Mabait pa," sabi ko habang nakangiti.
"Kilala mo siya? Ipakilala mo ako. Please?" Sabi niya at nag-puppy eyes pa habang nakakawit pa rin ang braso niya sa akin.
"Sige," sabi ko habang nakangiti pa rin.
"OMG! Kei!"
Napatingin kami sa sumigaw. Napangiti naman ako nang makita siya.
"Shems. Ang ganda nga niya," bulong ng katabi kong koala sa sarili niya.
"Yey! Nakita rin kita. Sabay tayong maglunch," sabi niya at kinawit din ang braso niya sa kabilang braso ko naman.
Napatingin siya sa katabi ko na nakatulala pa rin sa kanya. Natibo na yata,
"Oh hi! May I know your name?"
Natauhan naman si Frances at ngumiti.
"Hello! I'm Frances," Sabi niya.
"Nice name. I'm Chelsea Kane Scott. Just call me CK," sabi ni CK at nakipag-shake hands kay Frances na mukhang nagulat.
"S-Scott?" Tanong niya.
"Ah oo. I'm the twin sister of Kade. Sikat pala talaga ang yelong iyon dito," sabi niya.
Naramdaman ko naman ang matatalim na mga titig ng iba sa paligid pero binalewala nalang namin iyon. Dahil siguro kasama namin ang kakambal ng prinsipe nila.
Naglakad kami na magkakakawit ang mga braso. Mukha tuloy kaming magwewelga.
At mukhang may dadagdag pang isa.
"Bakit kayo lang ha?!" Sabi ni Aki at kumawit sa braso ni CK.
"Namiss kitang bruha ka!" Sabi ni CK at inalis ang pagkakakawit sa braso ko at yumakap kay Aki.
"Namiss din kitang dagat ka!" Sabi naman ni Aki at gumanti ng yakap.
"Tara na! Gutom na ako!" Sabi ni CK at humiwalay na sa yakap at kumawit na ulit sa braso ko. Kumawit naman si Aki kay CK.
Nakarating na kaming cafeteria. Nagkatawanan pa kami pagdating namin sa pinto ng cafeteria dahil muntikan pa kaming hindi magkasya. Kinailangan pa naming pumasok nang patagilid. Si Frances ang unang pumasok at huling pumasok si Aki.
"Ang taba kasi ni Aki!" Sabi ni Frances.
Nakaupo na kami sa isa sa mga table dahil nakaorder na kami.
"Hoy! Hindi kaya! Sexy kaya ako!" Sabi ni Aki habang tinuturo pa ng tinidor si Frances.
"Wow! Eh anong tawag mo dyan sa kinakain mo? Puro meat kaya!" Sabi ni CK.
"Ah ganon? Pinagkakaisahan niyo ako? Kei oh!" Parang batang sumbong sa akin ni Aki. Napatawa nalang ako.
Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan buong lunch break. Matagal na palang magkakilala sina Aki at CK. Elementary palang.
Natapos na rin ang lunch break. Mabilis ring lumipas ang oras at uwian na. Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Isasabay pa nga ako ni CK pero sabi ko huwag na. Baka kasi magka-issue pa eh.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...