Chapter 19 - Top 10

864 53 0
                                    

Keira's POV

Pabalik na ako sa gymnasium. Mag-isa. Sanay naman akong mag-isa. Walang kasama. Charot. Nagdadrama ka pa dyan Kei magsastart na nga ang awarding. Tsk.

Pagpasok ko ay nakita ko na agad iyong mga taga-ASF. Lumapit na rin ako sa kanila. Magsastart na rin ng announcement ng top 10 qualifiers. Shems. Kinakabahan ako.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko. Bakit parang puro elementary nandito? Nasaan ang highschool? Nandito na rin naman si sir Matt. Bahala na nga. Magkikita rin naman kami mamaya.

Nagsimula na ang announcement. Simula grade 1 hanggang 6 pasok ang representative namin. Nakakapressure. Paano kapag hindi kami pumasok? As in iyong kami lang? Hindi. Erase erase. Think positive Kei.

Nakapasok rin ang grade 7 hanggang grade 9. Una o pangalawa silang tinawag ibig sabihin mataas ang score nila. Kami kaya? Kami na susunod. Nasaan na ba iyon si Kade? Aish.

Unang qualifier. Hindi.

"Academy of Saint Francis." Sabi ng emcee ng pabitin. Nakalimutan ko yatang sabihin na may dalawang branches ng ASF ang kasali ngayon. Isa kami at may isa pa. Napakapabitin naman eh.

Kinakabahan talaga ako. Alam niyo iyong feeling na nanginginig ka tapos parang nahihilo ka na sa sobrang kaba? Akong-ako iyon. Siomai. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"YES! KEI AKYAT NA!"

"H-huh?" Teka, kami iyong pasok?

Hindi na ako sinagot ni sir Matt sa halip tinulak na ako papuntang stage. Kusa na rin naman akong naglakad. Takbo pala. PASOK KAMI! Shems. Ang saya.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Nasaan na si Kade? Wag naman sanang ako lang mag-isang aakyat. Forever alone, ganun?

Nagliwanag naman ako at kusang napangiti nang makita ko siya malapit sa stage. Kasama niya pala ang ibang highshool students.

Akala ko kasama niya na naman si Kristine.

Teka nga, eh ano naman kung kasama niya si Kristine? Kei naman.

Nakatayo na siya at nakatingin siya sa akin. Makikita mo rin ang saya sa mata niya kahit hindi siya nakatingin.

"PASOK TAYO! HALIKA NA BILIS!" Sabi ko sa kanya paglapit ko with matching talon pa. Tumakbo na agad kami paakyat sa stage.

Binigyan na kami ng certificate. Pangalawa kami sa tinawag ibig sabihin mataas ang score naming dalawa. Ang saya talaga. Abot-tenga ang ngiti ko the whole time.

Pagkatapos ibigay ang mga certificate sa top 10 ay pinababa na rin kami sa stage. Aayusin na rin kasi nila ang mga table para makapag-start na ng oral phase.

Pumunta kaming mga highschool sa likod ng stage. Umupo kami sa mga bleachers doon para magreview. Nilabas ko na rin ang mga reviewer ko para magreview.

Habang nagrereview ako ay nilabas ko na rin iyong fries na binili ko kanina. Hindi ko pa ito nakakain. Nawalan ako ng gana kanina eh.

Inalok ko si Kade pero pagtingin ko sa kanya ay nagcecellphone siya. Inalok ko rin iyong ibang schoolmate namin pero umiling lang din sila.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa cellphone ni Kade. Sino ang nakita kong katext niya? Sino pa ba? Si Kristine.

Sino ba talaga si Kristine sa kanya?

Tss. Makapag-review na nga lang. Kumakain ako ng fries habang nagrereview. Ang nakasalang ngayon sa oral phase ay ang grade 1 and 2. Iisa lang ang question sa dalawang magkasunod na grade level.

Napatingala ako nang makita ko ang katabi kong engkanto na tumayo.

"Comfort room," sabi niya at umalis na. Tss. Comfort room talaga? Hindi ba pwedeng C.R. o kaya kubeta? Sabagay mas magandang pakinggan ang comfort room.

Nagreview nalang ulit ako. Kaya lang hindi talaga ako makatutok. Iyong nagfofocus ka kaya lang napapatulala ka tapos mag-iisip ka ng kung ano-ano? Iyon 'yung nangyayari sa akin ngayon.

Maya-maya ay nakita ko na si Kade na papaakyat ng bleachers. At may dala-dalang ice cream sa magkabila niyang kamay?

Napalingon naman ako sa paligid. Sino ang posibleng pagbigyan niya ng ice cream?

Nakita ko si Kristine sa hindi kalayuan. Si Kristine siguro. Yumuko nalang ulit ako para magreview.

"Oh."

Napaangat ako ng tingin nang may makita akong strawberry ice cream sa harap ko.

"Sa akin?" Tanong ko sa kanya with matching turo pa sa sarili ko.

Kumunot naman ang noo niya. The usual Kade.

"Sabi ko nga akin," sabi ko at kinuha na iyong ice cream na isa at tumawa ng awkward. Aarte pa ba ako? Libre na kaya ito.

"Thanks," sabi ko at kinain na iyong ice cream. Tumango lang siya at kinuha na rin niya ang reviewer niya. Inalok ko siya ng fries at kumuha rin naman siya.

Hindi ko maiwasang marinig ang question na pang-elementary. Anak ng tinapa naman. Elementary palang ang hirap na ng questions. Alam ko iyong sagot pero para sa elementary ganun na agad ang mga tanong? Grabe sila. Paano pa kaya sa amin?

Nagkukulitan ang ibang highschool na schoolmate namin sa likod. Hindi ko maiwasang makisali. Ang kulit nila. Inaasar nila iyong magkapartner sa grade 9. May crush kasi iyong lalaki sa babae niyang kapartner. Ang cute.

Mabuti nga at hindi kami naaasar eh.

"Iyong dalawa dyan. Bumili ng ice cream para sa kanilang dalawa lang talaga. Pati iyong fries."

Anak ng. Kakasabi ko palang eh. Nangunguna pa talaga si sir Matt.

"Hala sir. Inalok ko kaya kayo," sabi ko at inabot sa kanila iyong fries. Dumakot si sir Matt ng marami. Grabe.

Tumingin lang si Kade sa amin at bumalik na ulit sa pagrereview. Mabuti naman at nagrereview na siya ngayon.

Mabilis na nagdaan ang oras. Grade 7 and 8 na ang nakasalang. Difficult na kaunti nalang talaga at kami na. Sobra iyong kaba ko. Maya-maya ay inannounce na iyong panalo sa grade 7 and 8 pero hindi pa binibigay ang medals and trophies. 2nd ang grade 7 namin at hindi naman pinalad ang grade 8.

Pagkatapos ay iaannounce na kung pang-ilan sa mga table ang uupuan ng bawat school kaya bumaba na kami. Napansin ko si Kade na nakangiti sa kawalan.

Anong trip nito? Ilang gramo ba nahithit nitong engkantong ito at ngumingiti sa kawalan?

Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Kristine na kumakaway at nagthuthumbs-up pa na ang ibig sabihin ay goodluck. Kaya pala nakangiti na naman si Kade.

Nagdasal muna kami ni Kade habang hindi pa tinatawag ang school namin.

Pagkatapos namin magdasal ay saktong natawag na rin ang school namin. Sa pangalawa kaming table. Umupo na rin kami doon.

Ito na. Ito na talaga. Kaya namin ito. Fighting!

~~~~~~~

A/N: As promised! Naka-update ako ngayong Saturday. Sorry for the typos and errors. Thankies! ^-^









Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon