Keira's POV
"What are you doing here?" Tanong ni Kade pagkapasok ng witch.
"Visiting you. Mukhang bad mood ka ah," sabi ni Kristine habang nakangiti.
"Oh. Hi Kei!" bigla niya namang sabi nang lumingon siya sa akin.
Pwede nga siyang pangbest-actress. Kung hindi mo pa siya lubusang kilala, madali kang maloloko ng mga ngiti niya. Akala ko pa naman, kilala na siya ni Kade.
"Hello." Sabi ko nalang.
"Good morning!" Pang-bungad na bati ni Kristine nang makita si nanay. Nagpapalakas? Nginitian nalang siya ni nanay.
Walang good sa morning lalo na kapag ikaw ang nag-umpisa. Pekeng ngumiti nalang ako at lumabas na muna ng mansion. Makapagdilig muna ng mga halaman.
"Pangalawang beses ko na siya nakikita rito ah. Sino ba iyon?" Tanong ni nanay habang sumunod sa akin papunta sa garden.
"Childhood bestfriend po ni Kade at schoolmate namin," sagot ko naman.
Teka, hindi niya kilala si Kristine? Akala ko ba childhood bestfriend ni Kade si Kristine? Dapat kilala ni nanay si Kristine kung ganoon.
Baka naman nakalimutan nalang rin nanay sa tagal ng panahon na lumipas. Baka nga.
Mabilis na lumipas ang oras at magtatanghalian na kaya naman pumunta na akong kusina para magluto dahil sabi ni nanay ako muna ang magluto.
Napagpasyahan kong sinigang nalang ang iluto dahil sarap na sarap sila sa recipe ko ng sinigang. Si mama nagturo sa akin noon kaya talaga masarap iyon.
Napabuntong-hininga naman ako sa naisip ko. Kamusta na kaya sila ni papa? Hindi naman ako galit sa kanila. Alam kong may dahilan sila.
"Are you reminiscing your sad memories with Kade? Oh, wait. I wonder if you have happy memories together. "
Muntikan kong mahiwa ang daliri ko sa pagkabigla dahil sa biglang pagsulpot na parang kabute ng isang pugita.
"Hindi pa tapos ang niluluto ko. Doon ka muna sa sala," sabi ko habang diretso ang tingin sa hinihiwa ko. Mahirap na. Baka kapag tinignan ko siya, baka siya ang mahiwa ko.
"I just want to watch you cooking. Baka lagyan mo ng lason ang pagkain ko. And I'm planning to cook something for Kade too," sagot niya habang nakasandal sa may lababo at nakacross-arms.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagluluto. Kumuha na rin siya ng ilang utensils at ingredients. Nagsimula na rin siya magluto. Bahala siya dyan. May separate stove naman eh.
Pagkatapos kong magluto ay sinerve ko na rin ito sa table. Tapos na rin magluto si Kristine at inihain niya na rin ito. Muntikan naman ako mapatawa sa niluto niya.
Pusit? Allergic si Kade sa pusit. Hindi ko napansin agad na iyon ang niluto niya. Sorry not sorry.
Hindi ko nalang iyon pinansin at umakyat na para tawagin ang kambal. Bumaba na rin naman agad sila at tinawag ko na rin si nanay sa garden.
Umupo si Kristine sa tabi ni Kade at nasa tapat ko naman si Kade. Napatawa ako nang makitang naparoll-eyes si CK habang nakatingin kay Kristine. Inagawan siya ng upuan eh. Nasa kanan ko naman si nanay.
Nagdasal muna kami at magsisimula na sanang kumain nang magsalita si Kristine.
"Tikman niyo po itong luto ko. Specialty po ito ng pamilya namin. Lalo ka na Kade. Masarap 'to," buong pagmamalaki niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...