Keira's POV
Tahimik lang kami sa byahe papuntang mansion. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Hindi ko alam sasabihin ko. Ang daming tanong sa isip ko pero nahihiya ako magsalita.
Napangiti ako nang tipid nang makita ko na ang gate ng mansion nila. Namiss ko dito. Sobra. Nang dumaan kami sa guard nila ay napangiti ako nang magtama ang mata namin ni kuya Gardo. Nagulat pa siya saglit pero kumaway rin siya agad sa akin kaya kumaway ako pabalik.
Pinark na ni Kade ang kotse niya sa garahe. Inalis ko na ang seatbelt ko at sumulyap sa kanya saglit. Nakatingin lang siya sa harap habang mukhang may malalim na iniisip.
"Thank you," sabi ko at akmang lalabas na ng sasakyan nang bigla siyang magsalita.
"I watched the CCTV footage."
Napatigil ako at napatingin sa kanya.
"H-ha?"
"I saw that Kristine was the one who put my wallet in your bag," sabi niya habang diretso pa rin ang tingin sa harap.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Una pa lang naman ay may hinala na akong siya ang may pakana nitong lahat. I knew she could really go this far, to the point na mawawalan ako ng trabaho at makasisira siya ng buhay ng iba. She even managed to abduct me, right?
"I-i'm sorry. I was too blinded by the fact that she's my childhood bestfriend and she can't do such thing. I-i'm sorry if it took me so long before I reached out to you. I didn't know how to talk to you," sabi niya at sumulyap sa akin saglit at tumingin ult sa harap.
Napakurap ako nang ilang beses habang nakatingin sa kanya.
"U-uy. Okay lang 'yon. I understand. People can really change as time passes by. Ganoon talaga. What's more important is that you already know the truth," sabi ko at ngumiti nang bahagya.
I heard him sigh before finally getting out of the car. Lumabas na rin ako. Naglakad na kami papasok ng mansion. Nauuna si Kade at sumunod na rin ako.
"K-kei?!"
Napangiti ako nang malawak nang makita ko si manang.
"Nay!" Lumapit ako sa kanya habang nakangiti pa rin at niyakap ko siya. Napansin kong dire-diretso nang umakyat si Kade sa taas.
"Bumalik ka na! Namiss kita," sabi ni nanay nang bumitaw na kami sa yakap. Nakangiti siya nang malawak at inayos pa ang ilang hibla ng buhok ko.
"Ako rin po, nay! Namiss din po kita. Namiss ko po kayo dito."
Napatingin kami sa may hagdan nang may narinig kami na pababa.
"Kei!"
Natawa ako nang marinig ang boses ni CK. Tumatakbo siya pababa ng hagdan at agad lumapit sa akin.
"Nandito ka na nga ulit!" Sabi niya at niyakap ako."Parang hindi tayo nagkikita sa school ah," sabi ko habang natatawa pa at niyakap siya pabalik.
"Syempre iba pa rin 'yung nandito ka sa bahay," sabi niya habang naka-pout at humiwalay na sa yakap.
"Tara, kain na tayo. Nagluto ako ng meryenda," yaya ni nanay kaya um-oo naman kami kaagad.
Tinawag ni CK si Kade na bumaba na rin kaagad. Sama-sama kaming kumain sa dining table habang nagke-kwentuhan. Kinwento ko rin sa kanila ang naging trabaho ko sa restaurant.
"Nako, ang babait po ng mga tao doon. Parang mga naging ate at kuya ko na sila," sabi ko habang nakangiti nang malawak.
"Tapos po ang gwapo po ng boss namin! Para po siyang anghel na bumaba galing sa langit sa sobrang gwapo at bait," sabi ko habang parang kinikilig pa.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...