Chapter 44 - Hoping

900 45 19
                                    

Keira's POV

Lakas loob kong tinaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko at kita ko sa mga mukha ng manunuod ang pagkagulat. Ang iba ay para bang naaawa, samantalang ang iba ay natatawa.

Ano ba naman kasing ginawa mo, Kei? Kahihiyan na naman ang nangyari sa'yo.

Ano nang gagawin ko? Sigurado ay malaking kabawasan ito sa points ko. Napakalaki ng tyansang matalo na ako.

"Go Kei! Goodluck. Kaya mo iyan. Isipin mo lang na parang volleyball lang iyan. Kayang-kaya ipanalo kahit muntikan nang matalo."

Malaki pa rin ang tyansang manalo, kahit muntikan nang matalo? Tama. Umpisa palang 'to. Matagal pa at marami pang oras para bumawi. Walang imposible, Kei. Fighting.

Dahan-dahan akong tumayo. Pagkatayo ko ay ngumiti ako ng napakatamis at nagpose. Oha!

Rinig ko ang malakas na hiyawan ng mga audience.

"WOOOOOHH. BARKADA NAMIN IYAN!"

"PAK GANERN!"

"BUUUUURN!"

Mas lalo akong napangiti sa rinig kong hiyawan ng mga tropa ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya eh.

Maya-maya ay tumigil na ako at si Kade naman ang lumabas para rumampa. Mas lalong lumakas ang hiyawan dahil sa paglabas niya. Ang lakas talaga ng hatak niya. Tsk.

Ang gwapo. Easy ka lang, Kei. Pero, ang gwapo niya talaga eh.

Pagkatapos niyang rumampa ay tumabi na siya sa akin at sabay na kaming rumampa. Pagdating namin sa pinakaharap ay ay magpapakilala na kami.

"I am Christine Keira Lopez. 17. Representative of Lions."

"Christopher Kade Scott. 17. Lions."

Hanggang dito ba naman ang ikli niya magsalita? Aba. Pero nasaan ang hustisya? Ang lakas pa rin ng tilian sa kanya kahit ganoon lang kaikli ang sinabi niya. Unfair.

Bumalik na kami sa backstage pero habang rumarampa kami pabalik ay may narinig akong sinabi siya.

"You did great, Keira."

Napangiti naman ako ng sobrang lapad dahil doon. Hindi na naman niya makikita iyong ngiti ko dahil naghiwalay na kami dahil nga sa kaliwa ako lalabas.

"Pak na pak ka Keira! Ang galing ng ginawa mo doon! Pang-Miss Universe!" Pang-bungad na sa akin ni Rica pagsalubong niya sa akin sa backstage. Napatawa nalang ako sa kanya.

Kasali nga rin pala si Kristine. Last contestant siya. May advantage siya sa pagiging last contestant kasi siya halos ang tatatak sa isip ng judges. Malakas din ang hiyawan paglabas niya.

Rarampa pa kami ulit doon pagkatapos ng last contestant. By gender naman. Babae muna. Bale nakapila kami sa paglabas. Ganoon din sa lalaki.

Bago kami rumampa ulit, sinigurado ko munang nakasintas ng mahigpit sapatos ko. Aba. Baka sumubasob na naman ako sa gitna. Hindi ko na kakayanin iyon.

Pero sa pagkakaalala ko, nakasintas talaga iyong sapatos ko. Paano nangyaring naalis iyon eh hinigpitan ko pa nga? Di bale na nga. Nangyari na ang nangyari. Wala na akong magagawa.

Question and answer sunod. Tapos rampa na iyong huli.

Sa question and answer portion, magtatanong iyong judge. Alangan namang maglalaba kami hindi ba?

Biro lang. Pinapatawa ko lang kayo at ang sarili ko. Kinakabahan ako eh. Mas kinakabahan ako ngayon sa question and answer portion. Jusmiyo.

Nireretouch ako ngayon ni Rica sa barracks. Nagulat kami nang biglang may naghihiyawang pumasok sa barracks.

"KEIIIIIII!"

"Ang galing mo kanina!" Pasigaw na sabi ni Aki.

"Oo nga! Sunog na sunog mga kalaban mo! Burn!" Sabi naman ni CK.

Natatawa lang na nakasunod sina Trey at Meiko. Si Margarette naman ay tahimik lang na nakasunod. Ano pa nga ba? Si Marga iyan eh.

"Nakakagulat naman kayo! Mabuti na ngalang at hindi nasundot ang mata ko ng eyeliner," sabi ko. Nilalagyan kasi ako ng eyeliner ni Rica noong bigla silang pumasok.

"Nakakashook naman kayo mga bessy. Kaloka," maarteng sabi ni Rica. Sus. Kinikilig lang iyan kasi may mga 'papi' na naman.

"Sorry naman," sabi ni Aki.

"Tsaka bawal kayo dito ah?" Dagdag ko.

"Last day na naman ng intramurals. Wala na iyan," sabi ni Trey habang natatawa. Sabagay.

"Si Frances? Pinuntahan niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Oh yes. Ang ganda niya. Kinabog ako," sabi ni CK. Napangiti nalang ako.

Mabuti nga at napapayag siya eh. Mahinhin pa naman. Ayaw niya noong umpisa, pero pinilit namin. Ayun, pumayag. Siya kasi talaga gusto ng coach nila eh.

Maya-maya ay tinawag na rin kami para bumalik na daw sa backstage. Hoo. Kinakabahan na naman ako.

Dito daw sa question and answer portion, ang mga judges ang magtatanong. Sila ang bahala sa itatanong nila. As long as may connection sa sports.

"Goodluck Kei! Kinakabahan ako," nakapout na sabi ni Frances at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

"Ako rin naman. Goodluck sa atin. Kaya natin 'to. Fighting!" sabi ko at nginitian siya.

Mga babae ang unang tatanungin, pagkatapos ay ang mga lalaki naman.

Since si Frances ang 1st contestant, siya ang unang tinawag. Maganda ang naging sagot niya sa tinanong sa kanya.

Jusmiyo. Paano nalang ako? Baka wala akong maisip na isagot o kaya walang kwenta ang maisagot ko? Kahihiyan na naman iyon.

Lumabas na iyong 2nd contestant. Halatang-halata na kinakabahan siya. Nauutal pa siya.

Ganyan din kaya ang mangyayari sa akin?

"Miss Lopez from Lions, please come up on stage."

Huminga muna akong malalim bago tuluyang lumabas ng stage. Bumungad sa akin ang dami ng audience. Nagawi ang tingin ko sa may harapan na may nagtataas pa ng banner na may nakasulat ng pangalan ko.

Sino pa nga ba? Edi ang tropa.

"Miss Smith will be the one to ask you."

Smith? Kaano-ano niya si Kristine?

"Good evening. So here is your question. Ano ang gagawin mo kapag sa isang laro ay nadapa ka na posibleng maging dahilan ng pagkatalo ng team niyo?"

Teka, nananadya ba siya? Hindi ko gusto ang mga ngiti niya sa akin. May galit ba siya sa akin?

Hindi bale na nga. Iyan ang tanong niya eh. Sasagutin ko nalang. Nawala ang kaba ko at napalitan ito ng determinasyon para makabawi sa nangyari kanina.

"Good evening ma'am. Thank you for that wonderful question. Para po sa akin, kahit na ikaw ang posibleng maging dahilan ng pagkatalo niyo dahil sa nagawa mong mali, hindi pa naman huli ang lahat para bumawi. Hindi pa naman tapos ang laro, 'di ba? Instead of blaming yourself, make your mistake your determination to prove yourself that you can still win the game. Parang buhay lang din po natin iyan. Parang pagrampa din. If you fall, don't lose hope. Instead, stand up, strike a pose, and show them what you've got. That's all. Thank you."

Rinig ko ang malakas na palakpakan ng mga audience. Maging ang mga judges ay nakita kong napangiti sa naging sagot ko. Nangibabaw sa field ang palakpakan at hiyawan. Lalo na ang hiyawan ng teammates at tropa ko.

Napangiti naman ako dahil doon. Naglakad na ako pabalik sa hanay namin sa stage at sumunod na ang susunod na contestant.

May tsansa na kaya akong manalo?

I hope so.

~~~~~~~~~~

A/N: Sorry kung natagalan. Sorry talaga. May pasok na kasi ako eh. Sorry talagaaaaa. Thank you sa mga sumusuporta pa rin hanggang ngayon. Lovelots! ♥

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon