Chapter 24 - Curious

842 54 1
                                    

Keira's POV

"Tama na iyan mga anak. Halika, kumain na tayo. Tapos na magluto si Kei," sabi ni nanay.

Bumitaw na iyong CK kay Kade. Psh. Akala ko hindi pa bibitaw eh. Ano 'to? Yakapan session? Tuko? May superglue ganun?

Umupo na silang tatlo sa para kumain. Tatlo na ang nakalagay na mga plato sa lamesa. Sakto sa kanila. Kinuha ko nalang sila ng baso ng tubig.

"Oh Kei? Halika na. Sumabay ka na. Lagi naman tayong sabay-sabay 'di ba?" Sabi ni nanay sa akin na nakaupo na.

Napatingin naman sa akin si CK habang si Kade naman ay walang pake na sumasandok na ng kanin. Psh.

"Oo nga. Sabay ka na sa amin. Tara! Mukha pa namang masarap 'tong luto mo," sabi ni CK habang nakangiti. Mukha naman siyang mabait.

Ngumiti nalang ako at kumuha na ng plato at kutsara at tinidor. Kumuha na rin ako ng baso ng tubig at umupo sa tabi ni nanay. Magkakatapatan kami. Nakatapat ako kay Kade at katapat naman ni nanay si CK.

Mukha namang magkasing-tanda lang kami kaya CK lang ang tawag ko sa kanya.

Nagdasal muna kami saka kumain. Nagkekwentuhan sina nanay at CK samantalang kami ni Kade ay tahimik na kumakain. They seem so close. Para bang anak-anakan na rin ni nanay si CK.

"Ma'am, saan po namin ito ilalagay?"

Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na lalaking parang driver na may dalang maleta. Isang sky blue at isang pink. What the?

"Sa taas nalang kuya. Alam mo naman kung saan iyong kwarto ko 'di ba?" Sabi ni CK.

Tumango iyong lalaki at umakyat na sa taas.

Pero teka, kwarto NIYA? Dito siya titira? Kaano-ano ba niya sina Kade? Close friend? Bestfriend? O baka naman, girlfriend?

But wait, why do I feel sad? Heartbroken? What the fudge? Ano ba itong mga pinag-iisip ko? Aish. Malala na talaga ako.

Ano naman kung girlfriend niya si CK? Anong karapatan kong magreklamo manlang 'di ba? Maid lang naman ako.

Kumain nalang ako ng kumain. Bahala sila dyan.

"Yey! Magkakasama na ulit tayo! Namiss kita kambie!" Sabi ni CK.

Kambie? What kind of endearment is that?

"Kambie?! What the?! Saan mo naman nakuha iyon? I'm not a goat!" Sabi ni Kade na napatigil sa pagkain.

"What? Ang cute kaya. Kambie! Short for Kambal! Kambal naman kita eh! Bakit ba?!" Sabi ni CK.

Nasamid ako dahil sa sinabi niya. What the?! Kambal?! Kambal sila?!

Mabilis na inabot sa akin ni nanay iyong baso ko ng tubig na agad ko naman ininom.

"Kei? Are you okay?" Tanong ni CK. Napatingin naman sa akin si Kade habang nakataas ang kilay. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong ni CK.

"Oo nga pala! Hindi pa ako nakakapagpakilala 'no? Hindi ko natapos kanina. Annyeong! I'm Chelsea Kane Scott! 17 years old. Kakambal nitong yelong katabi ko. And I am confidently beautiful with a heart!" Sabi niya at tumawa.

Anak ng palaka! Bakit hindi ko naisip iyon?! CK! Parang initials ni Kade! Tapos magkamukha pa sila! Shunga mo talaga Kei! Nagdududa na tuloy ako kung dapat ba talaga akong maging scholar eh!

"You look surprised. Anong akala mo?" Tanong sa akin ni CK habang nakangiti pa rin.

Ngumiti nalang ako ng pilit at umiling.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon