Chapter 2 - Meet Him

1.9K 118 81
                                    

Keira's POV

Uupo na sana ako pero tinawag ako ni ma'am.

"Ms. Lopez right?"

Tumango naman ako at ngumiti.

"Kindly introduce yourself," sabi ni ma'am sabay ngiti.

Pumunta ako sa harap at kabadong tumayo sa harapan. Makatingin naman itong mga kaklase parang papatay ng tao. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin baka kanina pa ako pinaglalamayan at iniiyakan ni Aki with matching himatay pa.

"H-hi. I'm Christine Keira Lopez. 17 years old. P-please be nice to me," sinabi ko pa rin yung huling sentence kahit alam kong hindi nila gagawin nila 'yun. Ang sama pa rin ng tingin sa akin.

"Go take a seat Ms. Lopez. Mr. Scott kindly introduce yourself also."

Umupo na rin ako sa last row. 2nd seat sa may tabi ng bintana. In short, sa tabi ni engkanto na nakaupo sa tabi ng bintana. Kaya  ang sama na naman ng tingin sa akin ng mga kaklase kong babae.

Anong magagawa ko? Ito na lang ang vacant seat. Alangan namang umupo ako sa sahig, hindi ba?

Tumayo na rin si engkanto at pumunta sa harap na parang tamad na tamad pa habang nakapasok sa loob ng bulsa ang mga kamay niya.

"Christopher Kade Scott. 17."

"KYAAAAHHHH!!!" Jusme. 'Yon lang ang sinabi niya tilian agad? Paano pa kaya kapag nag-SONA siya? Baka gumuho na ang mundo sa tilian nila.

Umupo na rin siya. Nagsuot ng earphones at sumubsob sa desk.

Naglecture na rin si ma'am. Umagang-umaga Physics agad.

~~~~~~~~~

Last subject na. Malapit na. Maglulunch break na rin. 5 minutes.

3 minutes....

1 minute and 38 seconds....

1 minute and 1 second

"Okay class dismiss."

"YESSS!!!" Hiyawan ng mga kaklase ko na parang nakawala sa hawla.

Papahuli ba ako? Naglabas na rin ako ng pompoms ko at sumayaw habang nakanta ng kanta ng Ariel.

Pero syempre sa isip ko lang 'yon. Saan naman ako kukuha ng pompoms 'di ba? Tsaka nakakahiya yun.

Naglabasan na silang lahat. Ako na lang ang natira dito kaya aalis na rin ako. Gutom na ako. Nagtatransform pa naman ako pag nagutom.

Tatayo na sana ako nang biglang kumirot ang mga paa ko. Kaya mo naman siguro pareng paa hanggang cafeteria hindi ba? Kaya ko 'to! Fighting!

5 minutes and 43 seconds later.....

Guess what? Pababa pa lang ako ng hagdan ngayon. Kung bakit ba naman kasi ang layo ng upuan ko sa pintuan ng room. Nasa last row ako tapos nasa harap yung pintuan.

Konting hakbang na lang ay nasa baba na ako. Yes! Bilis 'no? Hahakbang na sana ako nang makasalubong ko sina Margarette. Binunggo nila ang kanang balikat ko sabay nag-smirk.

Anong kinalabasan? Ayun... wait... MAHUHULOG NA AKO SA HAGDAN!! ANAK NG TOKWA'T BABOY!!!!

Pumikit na lang ako. Malapit na. Malapit ko na pakasalan 'yung floor.

Bakit wala akong maramdaman? Hindi kaya.... Natanggalan na ako ng mukha? Baka naman nasa heaven na ako? Wala na. Wala ng dyosa sa mundo. Pero seriously talking, bakit kaya wala?

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Muntikan na 'yon ah. Napatingin ako sa taong nakahawak sa braso ko para mapigilan ako sa pagkahulog. Si Kade lang pala. Teka, si Kade?!

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon