Keira's POV
"And blueberry cheesecake po for desert," pag-uulit ko sa sinabi ng customer at tumango naman siya kaya umalis na ako.
"Kei. Tapos na ako. Ikaw naman mag-break," sabi ni ate Dana kaya tumango ako at nginitian siya. Katrabaho ko rin siya. Nagpapalitan kasi kami ng break at kanina, napagkasunduan namin na kami ang magpalitan.
Inayos ko na lahat ng dapat ayusin bago mag-break. Kinuha ko na iyong baon kong biscuit at umupo sa may labas para magpahangin. Tingin ko itong bench na magiging tambayan ko dito.
Iyong sticky note, pamilyar iyong penmanship. Pero ayoko muna pakasigurado. Ayokong umasa at masaktan ulit. Nakakapagod na rin kasi. Iyong akala mong magiging ayos na ang lahat at masaya, kabaligtaran naman pala. Hindi natin sigurado ang mga mangyayari. Pwedeng ngayon masaya tayo, mamaya may mangyayari naman palang malungkot.
"Hi."
Napatingala ako nang biglang may magsalita.
"Sir Geo? Umupo ka po," sabi ko at umurong ng kaunti para makaupo siya.
Ang gwapo niya talaga. Kaya hindi na ako nagtaka na napapatingin sa kanya ang mga customers at ang mga napapadaan. Naka-polo siya na maroon na nakatupi ang sleeves hanggang siko.
"Ang lalim ng iniisip mo ah," sabi niya at ngumiti sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. Nakakailang.
"Ah. Haha. Wala naman po," sabi ko at bahagyang napatawa at tumingin sa kinakain ko para maiwasan ang pagkailang.
"Hindi mo ako maloloko. C'mon. You can tell me. Baka mamaya makaapekto pa iyan sa trabaho mo. Sige ka," sabi niya at tumawa.
Ang gwapo. Help me. Kapag ako nanggigil iuuwi ko itong si sir. Gwapo na mabait pa. Hindi snob. Hindi katulad noong iba. Tss.
"Sir. Ano pong gagawin mo kung gusto mong umasa ulit pero natatakot kang masaktan?" Sabi ko at napatingin sa mga bituin. Maraming mga bituin ang kita ngayon. Wala kasi halos ulap. Breathtaking.
Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang napatahimik. Nakangiti siya ngayon ng tipid at napabuntong hininga. Nakatingin lang siya sa mga sapatos niya.
May nasabi ba akong mali?
"Uhm. Sir? Okay ka lang po? May nasabi po ba akong mali? Okay lang po kung hindi mo sagutin," sabi ko habang hindi na mapakali. Kasi naman. Bigla siyang tumahimik. Pakiramdam ko dahil sa akin.
"No. No. May naalala lang ako," sabi niya at tumingin habang nakangiti sa akin.
Wait lang. Iyong laway ko tumutulo na yata. Ang gwapo.
"Alam mo, okay lang naman umasa. Basta ba handa kang masaktan. Always remember, expectation leads to disappointment. Ang tanong lang naman dyan ay, handa ka bang magtiwala at umasa ulit, kahit pa hindi ka sigurado? Kahit pa hindi mo alam kung sasaya ka ba o masasaktan? Kei, it's up to you. Ikaw din ang pipili ng kapalaran mo kung magiging masaya ka ba o hindi, dahil sarili mo iyan.
"Think first, Kei. It's fine to be hurt and to feel down, it's part of our lives. It's part of being happy and contented. Just learn from the mistake you've made to avoid doing it again."
Diretso lang ang tingin ko sa mga bituin habang sinasabi niya iyong mga iyon. Maya-maya ay naramdaman kong tumayo na si sir at umalis.
Handa nga ba akong umasa ulit sa kanya? Magtiwala? Lalo na ngayong nagbibigay na naman siya ng motibo at nagpaparamdam. Pagod na ako. Pagod na akong masaktan ng paulit-ulit. These past few weeks, puro problema at sakit nalang ang nararamdaman ko. Napapagod na ako.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...