Keira's POV
"Lopez, pumasok ka na sa loob. Kulang na talaga tayo ng isa," sabi ni coach. Magtatanong pa sana ako pero tinulak na ako ni coach papasok sa loob ng court. Wala na rin akong nagawa.
Nakita ko si Drake at Frances na nasa gilid at nanonood. Ngumiti sila sa akin. Sumenyas pa si Frances ng parang suntok sa ere at bumuka ang bibig niya na nagsasabing 'Fighting!'. Tumango lang ako at ngumiti ng tipid.
Nakita kong palapit sa kanila si Kade. Hindi ko na nagawang sundan pa siya ng tingin dahil narinig kong pumito na ang referee at nagserve na kaagad ang kalaban.
Kaya mo ito, Keira. Kaya niyo ito. Makakahabol pa kayo.
"Mine!" Sigaw ko at agad na sinalo ang bola. Sinet ito ng isa naming kateam at inispike ng isa pa. Nasalo ito ng kalaban. Sinet tapos inispike naman ni Kristine. Nasalo ng isa namin itong kateam at sinet. Tumakbo agad ako at tumalon. Hinampas ko ng malakas ang bola. Hindi ko naman sila binigo. 5-9.
Ngumiti ako at nagyakapan na kami. Sinerve na ng isa naming kateam ito. Nasalo nila, sinet, at inispike. Nakakapagtaka, bakit hindi si Kristine ang nagspike? Nakatingin lang siya sa isa naming kateam.
Don't tell me, natitibo na siya?
Napailing naman ako sa naisip ko. Puro ka kalokohan, Keira! Binalewala ko nalang iyon. Focus, Keira.
Napakunot naman ang noo ko nang mapunta sa kateam kong tinitignan ni Kristine ang bola. Wala ba siyang balak saluhin iyon? Tumakbo agad ako papunta sa harap niya at ako na ang sumalo. Napatingin naman siya sa akin na parang bumalik na siya sa realidad. Hindi kaya may hypnotization powers na si Kristine?! Naman, Keira. Focus!
Sinet na ito ng isa naming kateam at inispike ng isa pa. Nasalo nila ito. Sinet at si Kristine na ang nagspike. Nasalo ito ng isa naming kateam at sinet.
Hindi ko hahayaang matalo kami.
Tumakbo ako at tumalon at hinampas ng bola ng malakas. Sinubukang habulin ng isa nilang kateam ang bola dahil walang tao sa part na babagsak ang bola pero nabigo siya.
"WOOH! TROPA NAMIN IYAN!"
Napatingin naman ako sa sumigaw. Napatawa ako nang makita si Drake na tumatalon talon pa na parang nagchicheer at si Frances na napapakamot nalang ng ulo sa kanya. Pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanila, ngumiti sa akin si Frances at nagthumbs-up. Ngumiti lang ako.
Ramdam ko ang matatalim na tingin ng ibang babae sa akin. Pati ba naman kay Drake? Naman guys!
Napatingin ako kay Kade na nasa tabi nila. Nakacross-arms lang siya. Hindi cold ang itsura niya. Hindi rin naman pangmasaya. Parang normal lang. Himala eh?
Nagngitian kami ng mga kateam ko at nagyakapan. Nakatabi ko iyong si Garcia, iyong kateam na tinitignan ni Kristine kanina. Siya iyong muntikan nang hindi makasalo ng bola kanina.
"Sorry."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Naghiwalay na kami mula sa yakapan. Para saan naman ang sorry niya? Ah. Baka dahil muntikan na niyang hindi masalo ang bola kanina at ako pa ang sumalo.
Nagpatuloy lang ang laban. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ako halos ang nagsaspike. Nakakapagod! Bakit ba kasi nainjure si Georgia? 11-11 na ang score! Tie na. Mas lalo akong nabuhayan ng loob. Ako na ang magseserve.
Sinerve ko na ito at nasalo naman nila. Sinet nila at si Kristine ang nagspike. Sa akin papunta ang spike niya kaya sinalo ko ito. Kanina ko pa napapansin na sa akin lagi papunta ang spike niya. May galit talaga siya sa akin, ano?
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...