Chapter 30 - Argument

895 56 4
                                    

Keira's POV

"I may not be that boy that can comfort you, but I could be the man whom you can tell your secrets and pain. I will be the man that will act as your soldier."

Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko iyong sinabi niya sa akin. Hindi ko sukat akalaing sasabihin niya iyon.

Nasa kotse na niya kami ngayon at ihahatid na niya ako sa bahay namin. Tahimik lang kaming dalawa.

"Kade."

Hindi siya sumagot. Diretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Kapag ganyan iyan, alam ko na ang ibig sabihin niya na ituloy ko lang ang sasabihin ko. Kailangan ko na bang gumawa ng manual para maintindihan ang mga ibig sabihin ng gestures nitong yelong ito?

"Can I ask you a favor?"

Hindi pa rin siya sumasagot.

"Pwede bang huwag mong sabihin ang nangyari sa akin kanina sa kapatid ko? Kahit kina Aki at kina Drake? Pwede bang sa ating tatlo nalang nina nanay ito?" Tanong ko.

"Why?" Mahinahon pero madiin niyang sabi.

"Ayaw kong mag-alala sila. Ayaw kong dumagdag pa sa mga iniisip nila," sabi ko at nakatingin lang sa bintana.

Nagulat ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan at hinampas nang malakas ang manibela.

"F*ck Keira! You're always there whenever they need you, but now that you need them you're asking me to keep this a secret?! Don't you think it's unfair?!" Sigaw niya at ramdam kong nakatingin siya sa akin.

Tahimik pa rin akong nakatingin sa bintana. Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. Ano na naman bang ginawa ko at sinisigawan niya ako? Ang babaw talaga ng luha ko. Buset. Lumuluha na naman ako nang tahimik.

"Especially to your brother! Don't you think it's unfair for him?! He's your brother! He's part of your family and he has the right to know it! F*ck!" Napagitla ako nang hampasin na naman niya ng malakas ang manibela ng sasakyan.

Hindi na ako nakatiis at humarap na sa kanya. Bigla namang lumambot ang mukha niya nang makita niya akong lumuluha.

"Ano na naman bang kinakagalit mo?! Ako naman ito ah! Sarili ko ito! So don't decide for me! Masama na ba ako kung hindi ko sasabihin sa kanila iyon?! Ayaw ko lang naman mag-alala sila! Ayaw ko nang dumagdag pa sa mga isipin nila," unti-unting humihina ang boses ko habang sinasabi iyon.

Mukhang hindi pa siya nakakarecover sa pagkagulat at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para lumabas ng sasakyan niya. Mabilis akong tumakbo papalayo. Dalawang kanto nalang rin naman ang layo sa apartment namin.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba siya nangingialam? Hindi naman para sa akin ito ah! Ayaw ko lang naman mag-alala ang iba! Ayaw ko nang maging pabigat sa kanila!

Kilala ko sila. Kapag nalaman nila ito, siguradong magiging over-protective na sila sa akin. Baka maya't-maya bantayan nila ako. Ayon ang ayaw ko. Ayaw kong may naabala akong tao. Ayaw kong mga nag-aalala sa akin.

Malaki ang chance na magalit sila sa akin lalo na ang kapatid ko kapag nalaman nila ito at hindi ko manlang sinabi ito sa kanila. Pero hindi naman nila iyon malalaman kung walang magsasabi. Ayaw ko lang naman na maabala pa sila sa akin.

Alam kong sa mga susunod na araw at gabi ay hindi na naman ako matatahimik dahil nagbalik na naman sa akin ang memory na iyon. Pero kaya ko na naman sigurong pasanin iyon lahat mag-isa. I know I'm already mature enough to conquer those.

Naglakad nalang ako nang makalayo-layo na ako. Malapit na rin ako makauwi. Dumaan muna ako sa isang convenient store para magpalamig. Bumili ako ng isang strawberry ice cream at umupo sa isa sa mga upuan sa labas.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon