Chapter 17 - Quizbee

993 60 14
                                    

Keira's POV

A week had passed at ngayong araw na gaganapin ang science quizbee na sasalihan namin ni Kade. Nirereview kami ng coach namin na si sir Matt every afternoon hanggang 5 pm. Nagrereview rin syempre ako minsan sa library.

Nandito na ako sa school at kasalukuyang hinihintay ang service na maghahatid sa amin papunta sa venue. Si Kade? Nakain pa siya noong umalis ako sa mansion eh. Baka papunta na rin siya. Every grade level ang kasali from elementary hanggang highshool kaya marami-rami kami.

"KEI!"

"Waaaaahhh. Mamimiss ka namin Kei. Huhubells. Mag-iingat ka doon ha?"

"Oo nga. Kakain ka doon ha? Wag kang sasama kung kanino. Kapag inalok ka ng marshmallow o bagay na kulay blue wag kang sasama ha? Wag kang magpapauto!"

"ARAY!" Binatukan ko nga sila.

"Ang OA niyo naman Frances at Aki eh! Malaki na ako ano! Ano ako bata na kapag inalok ng marshmallow sasama agad?" Sabi ko ng naiinis kaunti.

"Oo kaya! Dati nga nung bata tayo niloloko kang inalok ng kuya ko ng marshmallow para sumama ka sa kan-"

Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Aki. Ang daldal talaga ng babaita na 'to! Aish!

"Past is past Akira! Move-on! Ang ingay mo! Tsaka isa pa bata pa ako noon ano!" Sabi ko at binitawan na ang bibig niya.

Dumating na rin ang service sa wakas. Baka kung ano pa ang maibuking ni Aki eh. Tch.

"Sige Kei! Bye! Ingat ka ha! Goodluck! God bless!" Sabi ni Frances.

"Kei! Peace na tayo ha! Ingat! Bring home the bacon arasseo?" Sabi ni Aki. Tumango naman ako at kumaway na sa kanila.

Pasakay na sana ako sa service nang may humablot sa braso ko at hinila ako palabas ng school.

"Kade? Saan tayo pupunta? Andoon iyong service oh! Baka maiwan tayo!" Sabi ko at tinuro ang service.

"The service will surely be full so I brought my car," sabi niya at natanaw ko ang sasakyan niya sa may labas ng school. Naks naman.

Sumakay na kami sa sasakyan niyang mamahalin at sinimulan na niya itong paandarin. Teka, alam niya ba kung saan ang venue?

"Teka nga Kade. Alam mo ba kung saan ang venue?" Sabi ko at humarap sa kanya.

"Dadalhin ko ba ang sasakyan at maglalakas-loob mauna sa service kung hindi?" Sabi niya at diretso pa rin ang tingin sa daan.

Sabi ko nga diba? Naninigurado lang. Baka kung saan kami mapunta eh. Hehe.

Maya-maya ay natanaw ko na ang tarpaulin ng quizbee. Mas lalo akong kinabahan. Myghad.

Lumabas na rin kami pagka-park ni Kade at pumunta na sa loob ng venue. Gymnasium siya na malaki na maraming bleachers at sobrang daming contestants. Siomai.

Pumunta na rin kami sa designated seats para sa Grade 10. May designated seats kasi para sa bawat grade level. Magkatabi kami ni Kade. Nilabas ko rin ang reviewer ko para magreview habang may oras pa. Nakaka-pressure iyong itsura ng mga katabi namin. Ang tatalino ng mga itsura. Mga english-speaking pa iyong iba at nakasalamin.

Natanaw ko na rin ang iba naming schoolmate na pumasok sa gymnasium. Iyong coach namin mukhang hinahanap kami. Nagawi ang tingin niya dito sa part namin kaya kumaway ako at mukha namang nakita na niya kami.

"Myghad. Kinakabahan ako," bulong ko.

"Don't be. Dahil kung papairalin mo iyang kaba mo, walang mangyayari sa atin. Sarili mo ang kalaban mo dito," sabi ni Kade ng nakatingin pa rin sa harap. Hindi manlang magreview. Sayang oras. Tss.

"The elimination round will start in 5 minutes," announce ng emcee.

Ang magiging flow nga pala ng contest ay mag-eelimination round muna. Ang elimination round ay written phase. Magsasagot kami individually at pagsasamahin ang magiging score ng bawat magpartner. Kukuhanin nila ang top 10 pairs na may highest score sa written phase at ang top 10 na iyon ay pasok na sa oral phase. Sa oral phase, magkasama na ang mag-partner. Provided nila ang whiteboard at whiteboard marker na gagamitin sa oral phase.

Anak ng tinapa naman. Kinakabahan talaga ako. Siomai, siopao, suman naman eh.

"Okay guys. Pakitago na po ang mga cellphones, reviewers at iba pang gamit niyo. All you need is a No. 2 pencil. Uulitin ko, No. 2 pencil. Dahil kapag hindi iyon ang ginamit niyo, the machine will not be able to check you answer sheets. At isa pa, bawal magkatabi ang magkapartner. Iaarrange namin kayo so don't worry," sabi ng proctor na naka-assign sa amin.

Tatlong proctor ang nagbabantay sa amin at sinimulan na nila ang pag-arrange. Ako ang pinatayo at pinalipat sa bandang ibaba ng bleachers. Sinulyapan ko ng huling beses si Kade at ginoodluck siya.

"Are you ready guys?" Nakangiting sabi ng babaeng proctor sa amin. Buti at rinig pa rin namin siya kahit maingay ang paligid.

"Ready!" Sigaw naman namin.

"We will distribute first the answer sheets. Write your name and your school."
Sinimulan na nila ang pag-distribute.

"Get one and pass."

Nasa tabing aisle ako kaya sa akin binigay ng proctor ang isang tumpok ng answer sheet. Pinasa ko na sa katabi kong babae ang answer sheet. Sinulat ko na rin ang pangalan at school ko.

"Nakasulat na ba ang lahat?" Sigaw ng proctor namin. Unti-unti na rin kasing umiingay ang paligid. Mga parents na ginugoodluck ang anak nila. Mga proctors na nag-uusap dahil kulang ang answer sheet sa ibang grade level at marami pang iba.

"Opo," sabay-sabay naming sabi.

"Okay. So we will now distribute the questionnaire. By the time that you got your questionnaire, you can start answering. Goodluck guys!" Sabi ng proctor sa amin with smiling face. Infairness, ang ganda niya. Nakalimutan ko nga palang sabihin na babae siya.

Binigay na sa amin isa-isa ang mga questionnaire. Ang iba ay umupo sa lapag dahil nga nasa bleachers kami at walang table. Ginawa nilang patungan ang upuan. Iyan din ang sinabi ng coach namin sa amin para daw hindi magusot ang answer sheet dahil once na magusot ang answer sheet, malaki ang tsansa na hindi basahin iyong ng machine. Sayang ang pinaghirapan mga bes.

Nabigyan na rin ako ng quetionnaire kaya umupo na ako sa lapag at humarap sa bleachers na gagawin kong patungan. Nakita ko ang likod ni Kade na nakaupo na rin sa lapag at nagsastart nang sumagot.

Goodluck sa atin, Kade.

Sabi ko sa isip ko at nag-pray muna. Nagsagot na rin ako.

This is it pansit! Kaya ko ito. Fighting!



Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon