Keira's POV
Nasaan na ba kasi iyong engkantong iyon? Jusmiyo. Baka naman bumalik na sa mundo nila? Ang init naman kasi ngayon. Samahan mo pa ng paghahanap ng engkanto. Sino namang hindi mababaliw kung nasa kalagayan ko? Hindi ba naman kasi niya malagay itong lunch box niya sa bag niya? Tsaka bigla ba namang mawala pagkatapos ng game nila?
Pero infairness. Nakatulong itong short namin na jersey pangbawas sa init kahit medyo hindi ako komportable dahil medyo maiksi. Pero nakakainit pa rin iyong tela ng jersey. Nasaan na ba kasi siya?
Baka naman kasama si Kristine? Nasa park? Pero nanggaling na ako doon eh. Wala naman sila. Don't tell me nasa rooftop sila o kaya bakanteng room o saanmang tagong lugar tapos tapos tapos- Waah!
Hindi. Hindi. Imposible. Hindi imposible? Wait, what? Kung ano-ano na pumapasok sa isip mo Kei! Nalibot ko na halos ang buong campus. Bahala na nga siya! Magutom siya! Baka maheat stroke pa ako dito eh. O baka masunog ang flawless skin ko.
Wow Kei. As if. Saan? Saan ang flawless dyan? Anong tawag mo sa oily mong mukha? Nalagyan ng glitters kaya makislap? Sa pimples mo? Design?
Naman! Nababaliw na ako. Kinakausap ko na ang sarili ko. Makabalik na nga lang sa barracks. Bahala siya.
Naglakad na ako pabalik nang bigla akong mapahinto. Syempre joke lang iyong kanina. Baka mawalan pa ako ng trabaho eh. Mahirap na. Nag-isip muna ako kung saan siya pwedeng pumunta.
Ilalagay ko ang sarili ko sa kalagayan niya katulad ng ginagawa ni Taylor McAden na isang character sa nabasa kong nobela kapag naghahanap siya. Kung ako ay isang engkanto, saan ako pupunta?
Aha! Sa puno! Kulang nalang siguro ay may bumbilyang biglang lumabas sa ulo ko. Pero saang puno? Kahit saan ka tumingin may puno eh! Ano iyan, iisa-isahin ko? Baka naman kung sinong nuno sa punso makita ko dyan!
Nagugutom na ako! Dapat pala kumain muna ako eh! Pero syempre bilang responsable at napakabait na personal maid ng engkanto kong amo, uunahin ko dapat siya.
Naglakad-lakad ako nang mapunta ako sa medyo likod na nga campus. Kakaunti nalang rin halos ang nandito. Napangiti naman ako nang makita ang isang medyo tagong puno. Doon sa tambayan niya! Tama! Bakit hindi ko naisip iyon kanina?
Wait, tago? Waah! Baka kung ano makita ko! Nababaliw na talaga ako. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang naglakad papunta sa punong iyon. Dahan-dahan akong sumilip sa kabilang side ng puno nang biglang may magsalita sa likod ko.
"What are you looking at?"
"Ay engkanto!" Sigaw ko at nahampas ko siya.
Agad naman nanlaki ang mata ko nang makita ang isang engkantong nakataas ang kilay sa akin.
"S-sorry po sir. N-nagulat lang po ako. H-hindi po ikaw iyong engkantong sinasabi ko. Promise!" Sabi ko with matching taas pa ng kanang kamay para makatotohanan.
"Defensive, huh?" Sabi niya at nagsmirk at umupo na sa ilalim ng puno.
Masyado ba akong naging defensive? Hindi naman ah! Nagsasabi lang ako ng totoo!
"H-hindi po ah! Ito nga po pala iyong lunch box niyo. Say hi to Ken!" Sabi ko at inabot na sa kanya ang lunch box niyang si Ken ang design.
Napapokerface nalang siya at kinuha na ang lunch box niya. Inabot ko na rin sa kanya ang kutsara at tinidor na nakabalot sa tissue na kinuha niya rin naman agad.
Paalis na sana ako nang magsalita siya bigla. Pahakbang palang ako eh!
"Stay," sabi niya habang binubuksan ang lunch box niya.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Novela JuvenilHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...