Keira's P.O.V
Pumasok na rin ako sa loob ng bahay nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Kade.
"Kei!"
"Uy andito ka na pala Kris," siya nga pala si Kristoffer. Kapatid ko. 15 years old. Hindi ko nga alam kung anong trip nyan at hindi ako tinatawag na ate. Pero kahit ganyan yan, mabait 'yan. Hindi nga lang minsan halata.
"Ay wala. Wala pa ako dito. Hologram ko lang 'to," sabi niya.
Binatukan ko nga. Bakit ang tangkad nito? Kailangan ko pang tumingkayad para lang maabot siya. Nasaan ang hustisya?
Natawa lang siya. Inabot ko sa kanya ang plastic na may laman na pagkain.
"Kumain ka na ba? Oh ito oh."
"Eh? Ikaw?" Umiling ako bilang sagot.
"Tapos na ako. Nakakain na ako. Sayo na yan. Kainin mo na at magbibihis pa ako," sabi ko habang tinutulak siya papuntang kusina.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko kinain 'yon, kumain pa rin naman ako. Binilhan ulit kasi ako ni Aki ng pagkain. Kaya 'yung isa inuwi ko na lang.
Nagbihis na ako ng t-shirt at leggings. Nang bumaba ako, naabutan ko si Kris na kinakain na 'yung pagkain.
"Nga pala, napaano 'yang sugat mo sa mukha tsaka gasgas mo?" Sabi niya.
Natigilan ako bigla sa pagbaba ng hagdan.
"Ah a-ano nadapa ako kanina. Alam mo naman ako, clumsy hehe," sabi ko habang kabadong ngumiti.
"Tsk. Mag-ingat ka nga. Mas lalo ka pang pumanget dahil dyan sa band-aid sa mukha mo. Tsk."
Napangiti naman ako sa narinig ko. Alam ko namang nag-aalala siya sa akin. Hindi niya lang pinapahalata.
"Sir yes sir!" Sabi ko sabay salute habang ngiting-ngiti.
"Anong nginingiti mo dyan?" Sabi niya habang nakakunot ang noo niya at punong-puno ang bibig ng fries.
"Cute mo kasi," sabi ko habang natatawa-tawa pa sabay kurot sa pisngi niya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Daig ako. Aba. Mas mataray pa sa akin.
"Oh siya. Pupunta na ako sa karinderya. Dyan ka na ah," tumango lang siya habang tutok na tutok na nanonood ng basketball sa tv.
Sumakay na ako ng tricycle papuntang karinderya. Nagpapart time job kasi ako sa karinderya ni Aling Nena. Tumutulong ako dun. Bata pa lang kasi kami, naghiwalay na ang parents namin. Iniwan kami ni mama sa tita ko. Nang lumaki na kami at nakapag-ipon na kami ng sapat na pera ni Kris, napag-desisyunan namin na humiwalay na kay tita. Nakakapag-pabigat na kasi kami sa kanya.
Nangungupahan kami ngayon. Actually, hindi talaga kami nangungupahan ngayon. Pinapatira na kami nang libre ng may-ari ng apartment. Si Aling Helen. Naawa sa amin. Kailangan ko ring magtrabaho para sa pang-araw araw namin. Si Kris naman, hindi ko siya pinapayagang magtrabaho. Mas mabuti nang ako ang mahirapan kaysa siya. Pero sumasali siya sa liga ng baranggay namin. Kapag nanalo, 'yung napanalo niyang premyo ang ipinangbibili niya ng mga kailangan niya sa school para raw hindi na siya hihingi sa akin.
Bumaba na ako ng tricycle at nagbayad.
Nagulat ako nang makitang sinasara na ni Aling Nena ang karinderya niya.
"Ang aga niyo naman po yatang magsara?" Tanong ko sa kanya.
"Ah eh, iha. Nalulugi na kasi kami eh. Kaya napagpasyahan namin na isara na lamang ito."
"P-pero-"
"Kung inaalala mo iha kung saan ka magtatrabaho, kunin mo 'to. Calling card 'yan na bigay sa akin noong mag-aapply sana ako bilang katulong. Ito rin ang sweldo mo sa isang buwan," sabi niya sabay abot sa akin ng isang sobre at calling card.
"Huwag na po itong sweldo. Kahit itong calling card na lang po. Pero hindi naman po 'yon ang inaalala ko. Paano po kayo? Hindi ba po ito lang ang ikinabubuhay niyo? Ako naman po kasi pwede naman po akong mag-apply kahit saan. Paano po kayo?" Napangiti siya nang marinig ang mga sinabi ko.
"Nako. Ikaw talagang bata ka. Napakabait mo. Huwag mo akong intindihin. Tawagan mo na lang 'yang numero na nakalagay sa calling card. Sana lang ay nangangailangan pa sila. Kuhanin mo na rin itong sweldo mo," sabi niya sabay pilit na nilagay sa kamay ko yung sobre at pilit na isinakay doon sa tricycle sa paradahan sa tapat ng karinderya.
"Maraming salamat po! Mag-iingat po kayo lagi!" Sigaw ko habang tumatakbo paalis ang tricycle. Kumaway na lang siya sa akin habang nakangiti.
Nakauwi na rin ako ng bahay at nadatnan si Kris na nakatutok pa rin sa tv.
"Ang bilis mo yata bumalik, Kei?" Sabi ni Kris pagka-pasok ko ng bahay.
"Nagsara na po kasi 'yung karinderya ni Aling Nena. Nalulugi na raw. Binigay niya sa akin 'yung pang-isang buwan na sweldo ko tsaka binigyan niya rin ako ng calling card na pwede ko raw tawagan para mag-apply bilang katulog," sabi ko.
"Tsaka bakit parang ayaw mong umuuwi ako nang maaga? May inuuwi kang babae dito ano? May sinisikreto ka na ba sa akin kapatid?" Dagdag ko sabay akbay sa kanya. Ang tangkad talaga.
"Tsk. Baliw," sabi niya sabay pitik sa noo ko.
"Patingin ng calling card," dagdag pa niya. Inabot ko naman sa kanya.
"Scott's Residences?" Basa niya sa nakasulat sa calling card. Wait.
"Scott?"
Tumango naman siya.
Scott. Saan ko ba narinig 'yon? Familiar eh. Sabagay kung matanggap man ako dyan at kilala ko iyong magiging amo ko, ayos na ayos 'yon.
Hindi kaya maligno 'yang Scott na 'yan? Baka yung matangkad na may tabako na laging nakaupo sa puno? Baka engkanto?
Pero bakit may masamang kutob ako dyan sa Scott na 'yan? Baka naman paranoid lang ako. Sana lang talaga hindi masungit ang magiging amo ko. Sana mabait tsaka gwapo. Para sumusweldo na ako, nabubusog pa ang mata ko. Oh 'di ba?
Pero seriously talking, ang sama ng kutob ko dyan sa Scott na 'yan.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Roman pour AdolescentsHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...