Keira's POV
Sasakay ba ako o hindi? Oo o hindi? Aish! Makasakay na nga. Aarte pa ba ako? Si crush na nag-aaya eh. Ay anak ng. Ano ba itong mga pinagsasabi ko.
Sumakay na ako at napansin ko namang napa-smirk siya.
"Sasakay rin pala. Dami pang arte," rinig kong bulong niya.
"May sinasabi ka?!" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya kumibo at nagdrive na. Nagtataka talaga ako eh. Paano ba ito nakakapagdrive? 17 pa lang siya ah? May license na siya?
Muntikan ko nang makalimutan. Isa nga pala siyang Scott. Isa sa mga pinakamayamang angkan sa Pilipinas pati na rin sa mundo. Connections.
Tahimik lang kami sa buong biyahe nang may pumasok sa isip ko. Oh shems. Ano nalang sasabihin nila kapag nakita nila akong nakasakay sa kotse ng isang Christopher Kade Scott? Ako na nerd at siya na itinuturing nilang prinsipe. The fudge? Ottoke? (What to do?)
Labag man sa loob ko dahil baka masigawan na naman ako, hihingi na naman ako ng favor sa kanya. Aigoo.
"S-sir?"
No response.
"A-ano. Ano kasi. P-pwede bang humingi ng ano. Ng f-favor?"
Wala pa ring response.
"Pwede bang dyan nalang sa kanto mo ako ibaba? Baka kasi kung ano sabihin ng mga fangirls mo eh. Baka kung ano pa magawa nila sa akin. Wala naman akong laban sa kanila."
Makonsensya ka please?
"Why can't you fight?"
Napatingin naman ako sa kalmadong engkanto sa driver seat. Himala? Hindi siya sumigaw. Kalmado lang siya. Ano kaya nakain nito? Araw-araw ko na siyang papakainin nun.
"Ang dami kaya nila. Ang lalakas pa. Tsaka isa pa, ayokong makipag-away. What's the use of fighting and arguing with them if they can't understand me?" Sabi ko at tumingin na sa bintana.
Narinig kong bumuntong hininga siya. Tinigil niya ang sasakyan sa may kanto malapit sa academy.
"Thank you," sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Just call me if something bad happens," rinig kong sabi niya bago niya pinaandar ang sosyalin niyang sasakyan.
Napangiti naman ako dahil doon. Shems! Nag-aalala siya sa akin?! Enebe. Napatalon-talon ako. Yes! I won! Hindi siya nakapalag! Yes! Tapos nag-alala pa siya sa akin?! Hinatid niya pa ako?! At magiging araw-araw iyon?! Enebe!
Nanlaki naman ang mata ko nang makita kung anong oras na sa relo ko. Shems! Malelate na ako!
Napatakbo ako nang mabilis dahil doon. Keira naman kasi eh! May patalon-talon ka pang nalalalaman! Aish!
"Just call me if something bad happens."
Napangiti naman ako ng automatic nang maalala na naman ang sinabi niya. Shems. Para akong ewan na nakangiti habang natakbo. One of the best day ever!
Lakas na talaga ng tama ko sa'yo, Christopher Kade Scott.
Ginayuma yata ako ng lalaking iyon eh! Ang kapal ko na. Daig mo na ang dictionary Kei!
Pagpasok ko ng academy ay sinalubong ako ni kuya guard ng ngiti. Sinuklian ko rin iyon ng ngiti. Pwede na kaming model ng toothpaste ni kuya. Shining, shimmering, splendid!
Ang dami kong nakakasabay sa pagtakbo. Parang nasa marathon na tuloy kami. Sama-sama tayong mg early bird! Sugod!
Umakyat na ako 4th floor at para akong nabunutan ng tinik nang makitang wala pa si ma'am. Yes!
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Novela JuvenilHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...