Chapter 9 - Revealed

1K 74 5
                                    

Keira's POV

"Kapag bubuksan mo iyong wifi, swipe mo lang pababa ito tapos pindutin mo na ito," sabi ni Frances.

Tinuturuan kasi ako ni Frances kung paano gamitin yung bago kong cellphone. Hindi ko pa nga alam kung kanino galing yun eh.

"Aki! Ano ba tinitignan mo dyan sa card? Mukha kang ewan dyan. Titig na titig. Tsk," sabi ni Frances kay Aki.

"Oo nga. Kanina ka pa dyan ah," sabi ko sabay subo ng macaroni.

"Eh kasi familiar talaga yung penmanship eh. Parang nakita ko na," sabi niya habang hawak pa rin yung card na nakadikit sa bag na pinaglagyan nung cellphone.

"Hi girls! Hi France!"

Napalingon kami sa mga lalakeng nakatayo sa table namin ngayon. Here we go again. Tsk tsk tsk.

"Tch," sabi ni Frances at inirapan nalang si Drake.

"Halo Ja-de! Hello girls!"

"Tss," inirapan lang din ni Aki si Meiko.

Nagkatinginan naman kami ni Kade. Hindi ba siya babati? Sabagay, ano nga ba namang aasahan mo sa isang 'Cold Guy'?

Umupo na silang tatlo sa harap namin. Kaharap ko si Kade. Nagbangayan lang yung apat habang kami ni Kade tahimik na kumakain.

"Akin na nga kasi yan! Ako bumili nyan eh tapos hihingi ka lang?!"

"Kaunti lang naman hinihingi ko eh. Damot mo naman! Meiko oh!"

"Nako Drake huwag mo akong isali dyan . Ang bait bait ko dito eh!"

"Anong mabait ka dyan?! Akala mo hindi ko napapansin yung palihim mong pagkuha sa pagkain ko?! Hindi ko pa nga nakakain uubusin mo na?!"

"Konti lang naman kinukuha ko eh! Ang damot mo naman Ja-de!"

Hay nako. Sarap pag-uuntugin eh. Magpapamisa talaga ako kapag dumaan ang isang araw na hindi nagbangayan itong apat na ito.

Nung natapos na kami kumain, pumunta na rin kami sa mga room namin. Isang mahabang discussion na naman. Hay buhay parang life. Tsk.

After 10,000 years, natapos na rin ang mahabang discussion. Buti nalang. Sakit sa ulo eh.

"Guys parang may hinala na ako kung sino nagbigay nung cellphone sayo Kei," bungad sa amin ni Aki pagkalabas namin ni Frances ng room. Hindi naman siya masyadong excited sabihin ano? Inabangan pa talaga kami sa labas.

"Sino?" Sabay na sabi namin ni Frances

"May plano ako. Halika sumunod kayo sa akin," sabi sa amin ni Aki.

Pumunta kami sa first floor sa may hagdan. Ano naman kayang plano sinasabi nito? Para kaming spy dito eh. Baka naman may inaabangan siya yapos nanakawan niya? Kaya niya kami sinama para may katulong siya.

"Ah eh Aki. Ano. Kung ano man iyang plano mo hindi ko kaya gawin iyan. Kahit mahirap kami may dangal kami at kailanman ay hindi pumasok sa isip namin ang gumawa ng gani- Aray! Para saan yun?!" Batukan ba naman ako nitong dalawa ng sabay?

"Sira! Ano ba iyang nasa isip mo ha?! Masyado ka na yatang maraming napapanood na movies at nababasang nobela!" Sigaw sa akin ni Aki. Napa-pout naman ako sa sinabi niya.

"Sabi ko nga hehe."

"Ayan na sila!" Nagulat naman kami ni Frances nang biglang sumigaw si Aki.
Napasunod kami ng tingin sa tinitignan niya sa may hagdan. Luh? Napakusot ako ng mata ko nang makita kung sino ang inaabangan niya. Ang 3B? May himala bang nangyayari?

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon