Keira's POV
Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Teka, bakit puro puti? Nasa langit na ba ako? Bakit walang lalake na nakaabang na may kasamang manok at may susi sa beywang?
"Good afternoon Ms. Troublemaker."
Napalingon ako sa kanan ko at nakakita ako ng lalaking nakahiga sa kabilang kama.
"Pati ikaw? Nasa langit ka na rin? Pero ang galing ha. Nakahiga pa rin pala kapag nakapuntang langit. Hihi," sabi ko sa kanya at napakunot naman ang noo niya. May nasabi ba akong mali?
"No doubt. Magaling ka na nga. Tsk. One more thing, wala ka sa langit. Nasa clinic ka lang. Tss," sabi niya at pumikit na.
"Sabi ko nga. Joke ko lang kaya 'yun. Bakit ba kapag nagjojoke ako hindi ka natawa ha?" Sabi ko at napapout. Teka nga lang, bakit nakahiga din siya?
"Bakit ka nga pala nakahiga din dyan? Sinaktan ka rin ba nila? Binato ng itlog at kamatis? Pinaliguan ng harina? Ha? Sabihin mo!" Sabi ko at napaupo na sa kama.
Kapag talaga sinaktan din nila ang boss ko lagot sila sa akin! Mararamdaman nila ang galit ng isang personal maid! Ha!
"Masama na bang humiga sa kama ng clinic?" Sabi niya at humarap sa akin.
"Wala ka naman palang sakit eh! Pahiga-higa ka pa dyan!" Sabi ko at humiga na ulit at tumalikod sa kanya. Akala ko pa naman sinaktan din siya. Psh!
"Nag-aalala ka pala sa akin?" Sabi niya at tumunog ang kama niya. Siguro umupo siya.
"Eh ano naman? Boss kaya kita!" Sabi ko habang nakatalikod pa rin.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon sina Aki, Frances at Meiko. Wala si Drake?
"Gising ka na rin sa wakas Kei! Nag-alala kami sayo," sabi ni Aki at lumapit sa kama ko.
"Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Susugurin ko talaga iyong mga palaka na iyon!" Sabi ni Frances. Nginitian naman ako ni Meiko.
"Grabe kayo! Hayaan niyo na sila. At tsaka okay na ako ano! Ang lakas lakas ko na kaya ulit. Medyo masakit na lang ulo ko. As in kaunting-kaunti nalang," sabi ko at nginitian sila.
"Alam mo bang alas-dose na? Ang tagal mo natulog ha! Ang daya mo! Buti nga at lunch break natin ngayon kayo nadalaw ka namin," sabi ni Aki.
"ALAS-DOSE NA?! ANG DAMI KONG NA-SKIP NA KLASE!" Gulat kong sigaw at pababa na sana sa kama nang pigilan ako nina Aki at Frances.
"Matapos kang buhatin ni Kade papunta dito aalis ka lang rin pala? Tsaka in-excuse ka na ng mga teachers natin," sabi ni Aki habang widespread pa ang mga braso sa harap ko.
"Pero-"
"Wala nang pero pero! Humiga ka na ulit dyan at magpahinga! Frances pakitawagan nalang si Drake. Pabili ka pagkain," sabi ni Aki.
Natawa naman ako sa itsura ni Aki. Para siyang nakikipagpatintero habang nagsasalita. Ang cute.
Nilabas ni Frances ang phone niya at tinawagan si Drake.
"Hoy Rake!" Sabi ni Frances na parang napipilitan pa.
Sinenyasan ni Aki si Frances na i-loud speaker ang cellphone para marinig rin namin na sinunod naman ni Frances.
"Rake ka dyan?! Drake pangalan ko hoy! Miss mo na ako ano?!" Rinig kong sabi ni Drake sa kabilang linya. Napatawa naman kami kaya ayun, nakakuha kami ng masamang tingin galing kay Frances.
"Rake o Drake pareho lang iyon! Tsaka mas bagay kaya iyong Rake! Ang sarap kasing kalaykayin ng mukha mo!"
Napahagalpak kami ng tawa sa sinabi ni Frances. Ang lakas mang-asar eh. Siomai na iyan.
"Oy oy oy. Tama na iyang asaran! Gutom na iyong dalawa nating pasyente dito oh! Isa lang pala, feelingero lang iyong isa," sabi ni Meiko at nakakalokong tumingin kay Kade na tinapunan naman siya ng masamang tingin.
"Koko, bata ka pa. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay. Kaya please lang, umayos ka kung ayaw mong maagang paglamayan. Pero kung sakali man, ako na ang magpapa-sakla," sabi ni Aki kaya ayun, dalawa ang natanggap niyang matatalim na titig.
"Koko ka dyan? Saan mo naman nakuha iyon?"
"Meiko, ko, Koko," sabi ni Aki at humagalpak ng tawa.
"Meiko ko daw oh. Aminin mo na kasi, crush mo na ako dati pa. Hindi naman ako magagalit," sabi ni Meiko. Sasagot pa sana si Aki nang biglang nagsalita si Frances.
"Oy oy oy tama na iyan. Sayang load ko hoy! Ano na ba papabili?" Sabi ni Frances.
"6 na rice with ulam. Ikaw na bahala kung ano tinda dyan sa cafeteria. Samahan mo na rin ng ilang junk foods tsaka strawberry ice cream," sabi ni Aki.
"Ah eh. 4 na rice nalang tsaka ulam. Meron na kami ni Kade," sabi ko sa kanila. Pinabaunan kasi kami ni nanay. Sayang naman iyon. Tsaka hindi kumakain ng luto ng iba si engkanto hindi ba? Arte kasi. Tss.
"Sige sige. Narinig mo naman siguro iyon kasi may tenga ka hindi ba?" Sabi ni Frances.
"Ge. Ganyan ka naman eh. Ikaw na nga iyong may kailangan ikaw pa nagsusungit. Tss," sabi ni Drake at binaba na ang tawag. LQ sila. Tsk.
"Ayan kasi. Tsk tsk," sabi ni Meiko kay Frances.
"Bayaan mo siya. Tch. Maarte lang talaga iyon," sabi niya pero halata namang nababahala siya kay Drake.
Nagkwentuhan kami habang hinihintay namin si Drake. Sina Margarette daw ay napatawag sa principal's office at suspended daw for a week. Third offense na daw kasi iyon ng grupo nina Margarette.
Maya-maya ay dumating na rin si Drake na dala-dala ang mga pagkain. Syempre, pati na rin ang strawberry ice cream. Nagniningning na yata ang mga mata ko habang nakatingin sa ice cream.
"Mamaya na iyang ice cream. Kumain ka muna Kei. Tsk," paalala sa akin ni Aki. Napapout naman ako.
"Paabot nung bag ko," sabi ko kay Meiko kasi katabi niya iyong bag ko. Inabot niya naman sa akin.
Kinuha ko na iyong lunch box naming dalawa ni Kade at binigay iyong Spongebob na design sa kanya. Dora naman iyong akin.
"ARE YOU READY KIDS?!" Sigaw ni Drake. Tumingin siya sa amin na nagets naman namin agad.
"AYE AYE CAPTAIN!" Sigaw din namin. Natatawa na kami pero pinipigilan lang namin. Ramdam kong ang sama na ng tingin sa amin ni Kade.
"I CAN'T HEAR YOU!"
"AYE AYE CAPTAIN!"
"AWOOOOOO!" Sabay-sabay naming sigaw na mas lalong pang nagpatalim ng titig ni engkanto sa amin. Napahagalpak naman kami ng tawa.
"WHO LIVES IN A PINEAPPLE UNDER THE SEA?!" Sigaw naman ni Meiko.
"SPONGEBO-" Napatigil kami sa pagsigaw ng sumingit si Kade.
"Dora dora dora the explorer~"
Napahagalpak kami ng tawa kay Kade. Siomai na iyan. Imbis na mainis ako natuwa pa ako eh. Ang cute kasi.
"Swiper no swiping! Swiper no swiping!" Dugtong ni Aki.
"Oh men!" Sabay-sabay naming sigaw na nakisabay na rin si Kade.
"DORA THE EXPLORER!" Sabay-sabay ulit naming sigaw. Napahagalpak kami ng tawa sa mga kalokohan namin.
Kumulo bigla ang tiyan ni Drake kaya mas lalo kaming natawa. Ang sakit na tuloy ng tiyan ko kakatawa. Kahit si Kade hindi na mapigilang tumawa eh.
"Kain na nga tayo!" Sabi ni Drake at mabilis na kumuha ng pagkain sa plastik ng mga pinamili niya.
"Pero teka, bakit nga ba pareho kayong may baon ni Kade? Pareho pa kayo ng baunan tsaka dala mo pareho," Tanong ni Frances sa amin. Nakisang-ayon naman ang iba.
Uh-oh.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...