Chapter 33 - Who you?

917 51 6
                                    

Keira's POV


Naramdaman kong pumatak ang mga luha ko. Wala na. Tunaw na ang ice cream na hawak ko. Ang ice cream na dapat sana magbibigay ng saya sa akin. Akala ko pa naman isa na naman ito sa mga moment na tatatak sa isip ko na magpapakilig sa akin. Akala ko lang pala.


Tama pala. Tatatak nga ito sa isip ko. Iba nga lang ang mararamdaman ko kada maaalala ko ito. Hindi katulad ng mga nakaraan.


"Keira?"


Nagulat ako nang bigla niya akong tawagin. Kilala ko na agad ang boses niya. Mabilis kong pinunas ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko dahil nga may hawak ako sa magkabila kong kamay.


"Hmm?"


Lumingon ako sa kanila at ngumiti ng pilit.


"What are you doing here?" Sabi ni Kade.


Hindi na siya masyadong cold. Siguro nga sobrang saya niya. Napatingin ako sa katabi niyang si Kristine at nakangiti siya sa akin. Parang kanina lang nakasmirk siya sa akin ah? Ang bilis naman noon.


"Ah. A-ano. Ibibigay ko lang sana iyong vitamins mo tsaka bibigyan sana kita nitong ice cream," sabi ko at ngumiti.


"Oh. Okay. Thanks," sabi niya.


Inabot ko na kay Kade iyong isang ice cream at kinuha sa bulsa ko ang vitamins niya. Ininom na niya iyon at uminom ng tubig.


"Uh. Kristine, gusto mo?" Alok ko kay Kristine ng ice cream. Nakakahiya naman kung hindi ko siya aalukin hindi ba?


"Ah. Hindi na. Hindi ako mahilig sa strawberry," sabi niya at ngumiti sa akin.


Nagtaka naman ako nang mabilis na mapatingin sa kanya si Kade. Nakakunot ang noo niya at parang nagtataka.


"You sure?" Tanong ni Kade sa kanya ng puno ng pagtataka. Bakit naman kaya?


"Ah oo," sabi ni Kristine at ngumiti ng pagkatamis kay Kade.


Ibang-iba ang ngiti niya kay Kade kumpara sa ngiti niya sa akin. Iyong sa akin halatang parang pilit eh.


"Mauna na pala ako," sabi ko at umalis na.


Habang naglalakad ako paalis, hindi ko maiwasang maalala iyong nakita ko kanina. Si Kristine ang bestfriend niya. Si Kristine ang first love niya.


Kapag talaga sa love, hindi maaaring hindi ka masasaktan eh. Sabi nga nila, magkakambal ang love at pain. Hindi ka maaaring magmahal ng puro saya lang. Imposible iyon. Laging may sakit na kaakibat talaga.


Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Sa nangyari kanina, alam ko na ang mga mangyayari sa mga susunod pang mga araw.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon