Chapter 48 - Hurt

823 51 21
                                    

Keira's POV

"Where have you been last night?"

Pagkapasok ko ng mansion ay ang tanong na iyan agad ang bumungad sa akin.

"I'm sorry sir. "

Iyan na lang ang sinabi ko para matapos na. Aaminin ko, nasaktan ako sa mga sinabi niya kagabi. Nasaktan ako dahil si Kristine ang mas pinili niyang paniwalaan.

Nilagpasan ko na siya at dire-diretsong pumasok sa loob ng mansion. Nadatnan ko si nanay na naghahanda ng umagahan. Tinulungan ko na siya para mabaling na rin ang atensyon ko sa iba at huwag na kulitin pa ni Kade.

Nang maihanda na namin ang hapunan ay tinawag ko na sa itaas ang kambal. Nauna kong tawagin si CK at sabi niya ay susunod nalang siya. Nang tawagin ko si Kade ay nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papasok sa kwarto niya.

"Where have you been last night? I came to your house but you weren't there," Tanong niya.

"May pinuntahan lang ako saglit," sagot ko habang hindi makatingin sa kanya.

Kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung ano ang tunay na nangyari. Alam ko namang kahit na sabihin ko, hindi ka maniniwala. Simpleng pamamahiya nga sa akin ni Kristine, ayaw mo maniwala, ang i-abduct pa kaya niya ako?

"May pinuntahan? Nang ganoong klaseng oras? At saan naman?!" Tanong niya.

Napayuko naman ako sa pagsigaw niya. Hindi ko inaasahan iyon.

"Sa bahay ng kaklase ko," sagot ko habang nakayuko.

"Are you kidding me?" Tanong niya habang natatawa pa.

Naasar na ako sa inaasta niya. Hindi ko alam kung nag-alala ba siya o nagiging bossy lang eh.


Umaasa tuloy ako eh. Umaasang nag-aalala siya sa akin bilang kaibigan manlang. Umaasa na hinanap niya ako dahil nag-aalala siyang baka may nangyari nang masama sa akin.

"Bakit mo ba tinatanong iyang mga iyan? Why are you acting like you care for me when actually you're not? Bakit, Kade? Bakit?" Tanong ko at diretso siyang tinignan sa mata.

"I care for you because I am your boss! Tell me the truth. Answer my question, Keira," seryosong sabi niya at nakatingin ng diretso sa akin.

"Fine! I was abducted! Happy now?" Sabi ko habang diretso ring nakatingin sa kanya.

He was shocked. I can see it through his eyes. Napatigil siya. Hindi agad siya nakapagsalita.

"But, by who? Kaya ba may pasa ka sa pisngi? Kaya ba may sugat ka sa braso?" Sunod-sunod na tanong niya nang bumalik na siya sa huwisyo.

"Yes. And by who? Alam ko namang hindi ka maniniwala. Pero since tinanong mo, then fine. I was abducted by Kristine," sabi ko.

Napatigil siya bigla. Hindi ko na siya mabasa. Naniwala ba siya? Anong iniisip niya?

"Stop fooling around, Keira. Tell me the truth! Who abducted you?" Tanong niya habang natatawa pa.

"Iyan ang hirap sa iyo eh. When it comes to Kristine, kapag may nasabing masama sa kanya, you won't believe. Ganoon ba ka-anghel ang tingin mo sa kanya na kahit simpleng mali na gawin niya ay hindi ka maniniwala? Wake up Kade!" Napasigaw ako sa inis.

"Hindi na nakakatuwa," napakaseryosong sabi niya.

I was taken aback. Aaminin ko, natakot ako. But that wouldn't stop me from waking him up to reality.

"Hindi na nakakatuwa? Tingin mo ba nakakatuwa pa rin iyang pinaniniwalaan at ginagawa mo? Kade! Can you please wake up? Open up your eyes! Hindi lahat ng nakikita at sinasabi sa'yo, totoo! You're being fooled!" Sigaw ko.

"Yes. I'm being fooled. I'm being fooled by you," sabi niya.

Napatawa nalang ako ng mapait. Nakaglue-gun na ba ang mata niya at hindi niya magawang imulat ang sarili niyang mga mata?

"Bakit ka ba nagiging ganyan? Are you freaking jealous? May gusto ka ba sa akin?"

At sa tanong niyang iyon, napatigil ako.

Bumalik ako sa huwisyo nang maglakad na siya palabas ng kwarto.

"What if I say yes?"

Napatigil ako. Sinabi ko ba talaga iyon? Syete? Anak ng marshmallows, tinapay, tinapa, tipaklong, lahat na!

Napapikit ako nang maramdaman kong napatigil siya sa paglabas ng pintuan. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong sasabihin niya? May sasabihin ba siya? Anong gagawin niya? Anong nasa isip niya? Anong naramdaman niya?

"Sorry," mahina niyang sabi.

Mas lalong dumiin ang pagkakapikit ko sa sinabi niya. Narinig ko ang yabag niya palabas ng pintuan.

Sorry.

Umamin ako. Tumigil siya. Umasa ako. Sorry ang sinabi niya.

Ano nga bang dapat maramdaman ko ngayon? Sakit? Lungkot? Galit? Tingin ko lahat eh.

I was fooled. I was fooled by his sweet gestures. I was fooled by his flowery words. I was fooled because I thought he cared. I was fooled because I thought, he is also into me.

But I was wrong.

I was falling, but he's just there, standing and didn't even care to catch me,
because he's waiting to catch someone else.

Sakit 'no? But that's the inevitable effect of one-sided love.

Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Napatawa nalang ako nang mapait. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata ko.

Bababa ako, aarteng walang nangyari. Hindi ako maiilang. Hindi ako iiyak. Hindi ako magpapaapekto. Nasa trabaho ako ngayon at sa realidad. Wala ako sa telenobela.

Huminga muna ako ng malalim bago magpasyang lumabas na ng kwarto.

Palabas na sana ako nang maagaw ng isang litrato ang pansin ko. Isang batang lalaki at batang babae na magkaakbayan habang malaki ang mga ngiti at may mga tsokolate pa sa mukha.

Palapit na sana ako para tignan iyon nang magvibrate ang cellphone kong nasa bulsa ko.

From: 09*********

"Hurt? Get ready dear, the worst is yet to come ;) ."

Napakunot ang noo ko sa natanggap na text message. Sino naman ito?

Kumalabog bigla ang dibdib ko nang may magdoorbell.

Posible bang siya iyon? Ano na naman ba ito?

Mabilis akong bumaba para tignan kung sino iyon. Napanganga nalang ako nang pumasok ang isang witch sa mansion. Ano na naman bang kailangan niya? May gagawin na naman ba siya?

Nakat-shirt and jeans lang siya kaya naman magmumukha talagang siyang isang simpleng anghel.

Kaya lang, hindi lahat maloloko at mauuto mo. Mailalabas ko din ang tunay mong kulay,

Kristine.

~~~~~~~~~~

A/N: Thank you for the continuous support! Magsusunod-sunod na mga heavy scenes. Ready na ba? Hahahaha. Thank you ulit and I'm very sorry for the slow updates. Lovelots! ^-^



Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon