Keira's POV
"Omg. Beshy, sino siya? Ang ganda niya. Parang ngayon ko lang siya nakita."
"Parang pamilyar siya beshy."
"Mga buang! Si Keira 'yan!"
Napangiti naman ako nang may makakilala sa akin.
"Oy Chrissy. Mag-CR lang ako ah. Kanina pa ako nagpipigil eh," sabi ni Rica na nasa tabi ko habang naglalakad kami. Nasa likod lang namin si Trey.
"Kaya pala ang tahimik mong bruha ka kanina," sabi ko habang natatawa. Tinuro ko nalang sa kanya iyong daan at umalis na rin siya.
Kaming dalawa nalang ni Trey ang natira na naglalakad papuntang sa mga barracks. Ang dami kong naririnig na mga bulung-bulongan. Iyong iba nakikilala ako. May mga nagsasabi pa ngang baka daw nagparetoke ako. Amp. Ang hard nila ah! Pero marami rin akong naririnig na positive.
"You look really beautiful," out of nowhere na sabi ng katabi ko.
"Ang siopao mo," sabi ko sa kanya habang natatawa.
"Siopao? Tao ako 'no! Ang gwapo ko namang siopao kung ganoon," sabi ni Trey. Binatukan ko nga. Ang hangin eh.
"Pre, bagong chicks ah."
Napatingin kami sa dalawang lalaking nasa harap namin nang biglang may magsalita. Don't tell me hindi ako nakikilala nitong dalawang unggoy na 'to?!
"Ang lakas mo naman pre," sabi naman ni Meiko. Ampo. Hindi talaga nila ako nakikilala.
"Hoy! Ano bang pinagsasabi niyo dyan ha?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Woah. Easy lang miss ganda," sabi ni Drake.
"Alam niyo pag-uuntugin ko na talaga kayong dalawa eh. Sasabihin ko talagang bastedin ka ni Frances, ikaw kalaykay ka. Ikaw naman Meiko ka, sasabihin ko talagang 'wag kang sagutin ni Aki," sabi ko. Siguro naman makikilala na nila ako?
"P-paano mo nalaman 'yung mga iyon?" Gulat na tanong ni Meiko. Nagkatinginan silang dalawa habang nanglalaki ang mga mata.
"MANGHUHULA KA BA?!" Biglang sigaw ni Drake.
"PAHULA KUNG SASAGUTIN BA AKO NI AKI! Ay teka, hindi na pala kailangan. Hindi naman niya matitiis charms ko eh," sabi naman ni Meiko.
Napafacepalm naman ako. Akala ko pa naman nakilala na nila ako. Aish. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Trey sa gilid ko.
"Kayong dalawa hindi niyo ba talaga ako nakilala ha?! Mabuti pa iyong iba nakilala ako eh ha," sabi ko at piningot silang dalawa.
"A-aray naman Kei eh. Nahahawa ka na yata sa pagkaamazona ni Aki eh. Huwag ka na kaya magsasama doon? Aray. Tama na Kei," sabi ni Meiko.
"Aray naman Kei. Masisira ang gwapo kong image. Tama na Kei. Ang ganda mo nga eh," sabi naman ni Drake.
Akala ko hindi pa rin ako nakilala eh. Binitawan ko na sila at kunwaring pinagpag pa ang kamay ko. Napatawa naman ako nang makitang namumula ang tenga nila at hinihimas pa nila iyon.
"Tignan mo iyang si Keira na iyan. Gumanda lang nagawa nang pingut-pingutin lang sina Drake at Meiko. Hmp," rinig kong sabi noong isang babae.
"Oo nga. Retokada naman. Psh," sabi pa noong kasama niya.
Hindi ko nalang sila pinansin. Masayang lang oras at effort ko kung iintindihin ko pa sila. Marami pang ibang mas importanteng bagay ang dapat paglaanan ng pansin at oras kaysa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Roman pour AdolescentsHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...