Chapter 42 - Getting Ready

855 47 8
                                    

Keira's POV

"Keira, for Pete's sake, rarampa ka! Hindi ka lang mamamalengke sa palengke!."

"Sorry naman," napa-pout nalang ako. Eh kasi naman eh. Hindi naman ako sanay sa mga ganto. Hindi ba pwedeng maglakad nalang? Kaasar ah!

"O sige na, sige na. Doon ka ulit sa dulo. Walk gracefully, okay? Sway your hands at the side. Chin up kasi, 'wag kang yuyuko," sabi ni Marga na halata mong medyo naiinis na. Hehe.

Tinuturuan niya kasi akong rumampa. Model nga pala siya. Bagay naman sa kanya eh. Matangkad siya tsaka maganda.

Bumalik na ako sa may bandang dulo ulit. Nandito nga pala kami sa mansyon. Si Kade? Nandoon sa taas. Tulog pa. Napagod yata kahapon.

Nakakaasar nga eh. Mukhang siya pa napagod! Ako nga pinagbuhat niya noong mga grocery na pinamili namin! Pati na rin iyong mga susuotin ko, no scratch that, namin pala, sa mamaya sa Mr. and Ms. Intramurals. Siya bumili eh.

Pinagbulungan tuloy kami. Kesyo daw bakit ako pinagbubuhat eh ako ang girlfriend niya. Hindi daw gentleman. Mabuti nga sa kanya. Ha! Kaya lang may naalala ako.

Wala nga palang kami.

Aray ko ah.

"Hoy! Earth to Keira! Mamayang gabi na iyong pageant, hindi ka pa marunong rumampa."

Nabalik naman ako sa realidad nang pitikin ako ni Marga sa ilong. Ang sakit ah! Hinimas ko iyong bahaging pinitik niya.

Rumampa na ako, kung rampa nga bang maitatawag 'to. Nanonood lang siya sa harap habang nakacrossarms.

Nang matapos ako ay nagulat ako nang umupo na siya sa sofa at nagbuntong-hininga. Mali na naman ba?

"Hay, salamat. Nakuha mo rin."

Napatingin naman ako sa kanya dahil doon habang nanglalaki ang mga mata.

"Talaga?!" Tanong ko.

"ARAY!" Napahiyaw ako sa sakit nang mahulog iyong mga encyclopedia na nasa ulo ko sa paa ko. Masakit!

"Oh? Ano tawag sa'yo?" Tanong niya sabay ininom iyong juice na hinanda ni nanay kanina.

"Oo na, oo na. Huwag mo na ituloy. Masakit ah," sabi ko habang hinihimas iyong paa ko.

"What happenend?"

Napatingin kami sa may hagdan nang may magsalita.

"Bilis natin, Kade ah," sabi ni Marga at nakakalokong ngumiti. Batukan ko siya eh.

"Nagising ako sa sigaw mo. Tsk," sabi niya habang papunta sa kusina.

Kita pa rin kasi ang kusina sa may sala dahil sa bar counter.

"W-wala yun. Sadyang clumsy lang ako. Sorry ah," sabi ko at awkward na tumawa.

"Katangahan kamo," sabi ni Marga.

Anak ng. Ang hard niya ah. Napapout naman ako dahil doon.

"Tss," sabi niya habang nagsasalin ng tubig sa baso. Saglit siya napatingin sa paa ko at sa mga encyclopedia na nasa lapag. Pagkatapos niyang uminom ay umakyat na rin siya pabalik sa kwarto niya.


Napatingin kami sa phone na nasa table nang tumunog ang ringtone nito. Sinagot naman ni Marga ang tumatawag.

Makalipas ng ilang segundo ay binaba na niya ito. Nilagay na niya ang phone niya sa purse na dala niya.

"Bye na pala Kei. Magkita daw kami ng manager ko eh. May sasabihin yata," sabi niya sabay tumayo.

"Ah ganun ba? Sige. Thank you, ha? Bye. Ingat!" sabi ko.

"Sige. See you later, dear. Goodluck," sabi niya at lumabas na ng mansion.

Napangiti naman ako at inayos na iyong baso ng juice na ininuman niya. Ayaw niya magbreakfast eh. Diet daw siya. Psh.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang may maalala.

Anak ng! Paano iyong talent portion?! Hindi niya pa ako natutulungan doon!

Mabilis akong lumabas ng mansion pero nanlumo ako nang makitang wala na ang kotse niya doon. Naman eh.

~~~~~~~~~~

Kasalukuyan akong inaayusan ni Rica ngayon. Oo, si Rica. Iyong baklang nag-ayos sa akin sa parlor.

"Ayan! Pak na pak ka na! Ang ganda mo talaga, girl. Talbog na sa beauty mo lahat ng kalaban mo for sure! Hihi," sabi niya habang inaayos kaunti ang buhok ko.

"Thank you," sabi ko habang nakatingin sa salamin. Nandito kami ngayon sa mansyon sa guest room. Alas-tres ng hapon ngayon at mamayang alas-singko ng hapon ang contest. Kinakabahan na ako. Mabuti nalang at nasolve ko na iyong problem ko pagdating sa talent.

Sasama rin siya mamaya sa school. Siya kasi ang magreretouch sa akin pati na rin mag-aayos ng buhok ko kung sakaling magulo man ito.

"Okay ka na Chrissy. 'Lika na. Punta na tayong school niyo," sabi niya at habang inaayos iyong make-up kit at iba pang ginamit niya. Nilagay na niya iyon sa isang bag at lumabas na rin kami.

Nagpaalam na rin kami kay nay.

"Sige nak. Napakaganda mo talaga ngayon. Galingan mo ah? Sigurado ay mananalo ka. Salamat din sa iyo, ganda," sabi ni nanay.

"Sige po nay. Thank you po," sabi ko.

"Ay nako. Wala po iyon. Salamat din po sa meryenda. Nabusog po ako. Sa susunod po ulit ah? Tsaka po hindi naman po ako masyadong maganda. Dyosa lang. Hihi," sabi ni Rica. Napatawa naman kami ni nanay dahil doon.

Lumabas na kami ng mansyon. Iniintay namin si Kade. Babalik daw siya eh. Pumunta lang siya ng school saglit kasi hinatid niya si CK na may gagawin daw sa school.

Napakunot ang noo ko nang may tumigil na Ford Everest sa harap namin. Kanino naman ito?

Nagulantang ang buong pagkatao ko nang makita si Trey na nakasakay sa passenger seat.

"Hop in," sabi niya. Nakadisguise pa rin siya as a nerd. Hindi siya kasali mamaya. Para na rin siguro sa kanya.

"Pero dadaanan daw kami ni Kade eh," sabi ko.

"Nagtext sa akin. Ako na daw ang sumundo sa inyo tutal naman ay nandyan lang din ako sa kabilang kanto," sabi niya at pinakita ang text.

"Sige. Thank you," sabi ko at sumakay na kami sa likod. Bale magkatabi kami ni Rica.

"Boyfriend mo ba 'yan? Papi ah. Hihi. Akin nalang. Buti siya hindi mukhang masungit hindi katulad sa amo mong parang may PMS araw-araw!" Bulong sa akin ni Rica.

Nakita kong napatawa si Trey sa harap kaya kinurot ko siya ng palihim sa tagiliran. Anak ng.

"Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko siya, okay?" bulong ko ding sagot.

"Ay pak. Sige. Akin nalang siya ah? Hihi," sabi niya ng pabulong kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumiti naman siya ng awkward at nagpeace sign at kunwaring zinip ang bibig niya.

Tahimik lang kami sa byahe. Naawkwardan din siguro si Rica tsaka si Trey. Iyong driver nga pala ni Trey ang nagdadrive ng sasakyan.

Nakarating na rin kami agad sa school. Pinasok na rin ng driver ang parking lot. Napapatingin sa amin ang ibang estudyante.

Paglabas ko sa kotse na ito, makikita na nila ang bagong itsura ko na well, sabi ni Kade ay walang pagbabago. Bola-bola. Psh. Para siyang siopao.

Pero, ano nga kayang magiging reaksyon nila?

~~~~~~~~

A/N: Sorry kung natagalan guys. Nagkasakit kasi ako eh. Mag-uupdate ako as soon as possible. Naeexcite na rin ako sa naiisip ko. Haha. Thank you guys~ Lovelots ^-^


Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon