Keira's POV
"Para po!"
Huminto na ang jeep sa tapat ng school namin. Nauna akong umalis kay Kade. Nagbibihis pa lang kasi. Bagal eh. Bumaba na rin ako ng jeep.
"Good morning kuya guard!" Bati ko kay manong guard at nginitian niya ako.
In good terms kami ng mga teachers dahil nga matataas ang grades ko at lagi nila akong inuutusan na sinusunod ko naman. Pati na rin sa mga guard at sa iba pa. Sa mga estudyante lang talaga hindi. Ang saklap.
Ini-swipe ko na ang I.D ko doon sa may machine at kusang tumaas ang bakal na nakaharang sa daan. Sosyal 'no? Ganun talaga. Exclusive school eh. Feeling ko tuloy talaga hindi ako bagay dito.
Naglalakad ako sa hallway nang mapansin ko na kanina pa nakatingin ang mga estudyante dito at nagbubulungan. Hindi siya iyong ordinaryong bulungan na madalas na nangyayari sa akin. Para bang galit at muhing-muhi sila sa akin? Ewan. Baka paranoid lang talaga ako.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. May nag-text? Himala yata 'to ah. Kahapon pang may nangyayaring himala. Magpapamisa na ba talaga ako?
~~~~~~~
From: AkiBeshy, punta ka dito sa freedom wall. ASAP.
~~~~~~~Eh? Anong meron? May ASAP talaga?
Mabilis akong naglakad papuntang freedom wall malapit sa may gym. Hindi ko na pinansin ang mga nagbubulungan sa paligid ko. Bahala sila dyan.
Bakit may nagkukumpulang tao sa freedom wall? Ano meron?
Napalingon ang ilan sa kanila sa akin. Napalingon na rin ang iba. Nagbulungan din sila katulad ng mga bubuyog na puno ng make-up na nagmana yata sa grupo nina Margarette.
Humawi sila kaya nakadaan ako papunta sa freedom wall. Nakita ko si Aki na nasa gilid sa kanan at nakatingin sa akin.
"Here comes Ms. Flirt. Akala mo anghel sa labas, pero ngayon, lumabas na rin ang baho niya."
Napalingon ako sa likod ko at nakita ang grupo nina Margarette. Napayukom ako ng kamay nang makita sila at marinig ang mga sinabi nila. Ano na naman bang nagawa kong kasalanan sa kanila?!
Tinignan ko ang freedom wall. May mga pictures ito ng lalake at babae na magkasamang nakaupo sa damuhan.
Nilapitan ko ito para mas makita kung sino iyon. Nanlumo ako nang makita kung sino iyon. Paano? May ilan ding pictures na kasama namin si Ji Eun. Oo, pictures namin ito ni Kade sa park kahapon. Ang daming pictures. Puro kami.
"How dare you be with him?! Transferee ka lang dito tapos ganyan ka kung umasta?! Such a flirt!" Sabi ni Margarette.
Lalapitan ko na sana siya at sasampalin nang may biglang nauna sa akin at sinampal siya.
"Don't you dare mess with my bestfriend or else, you'll regret everything you've done," sabi ni Aki pagkasampal niya.
"Oh. I'm so scared," sabi ni Margarette at nagtawanan naman ang mga kasama niyang palaka sa likod.
Akmang sasampalin ulit siya ni Aki pero mabilis akong lumapit at pinigilan siya.
"Aki, stop," sabi ko.
Dahil sa akin may nakakaaway ang bestfriend ko. Ayokong may nag-aaway dahil sa akin. Niyakap niya ako bigla.
"Please don't cry beshy," sabi niya sa akin at hinimas-himas ang likod ko.Naiyak na pala ako?
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...