Chapter 46 - No Mercy

764 39 37
                                    

Keira's POV

Nandito kami sa may corridor kung saan wala na halos tao dahil nag-uuwian na ang iba. Sumama si Kade dahil siguro ay curious din siya kung sino nga ba ang may pakana at ano ang totoong nangyari.

"Keira. Sinasabi ko sa iyo, hindi aksidente ang nangyari kanina. Habang naglalakad ako kanina, may narinig akong nag-uusap na dalawang babae kanina. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Hinihintay ko lang noon iyong kapartner ko. Pero napalingon ako sa likod kasi parang nagbabanta na iyong babae eh," sabi ni Xander habang nakatingin sa aming dalawa.

"Can't you just go straight to the point? Who are those girls?" Iritang sabi ni Kade. Napakamainipin talaga niya.

"Hindi ko alam kung maniniwala kayo, pero ang nakita ko talaga kanina ay sina Kristine Smith, at si Sandra, isa sa mga contestant din kanina," nag-aalangang sabi ni Kade.

Hindi naman sa nangbibintang na ako kanina pa, pero hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Kristine, hindi mo talaga ako tatantanan, huh?

"Inuutusan ni Kristine na alisin ni Sandra iyong sintas ng sapatos mo para mapatid ka. Pero umaayaw si Sandra. Hindi ko na narinig pa iyong ibang usapan nila dahil dumating na iyong kapartner ko," pagtutuloy ni Xander sa kwento niya.

Nagkatinginan kami ni Kade. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Hindi na rin ako nagulat na hindi siya basta-basta naniwala. Childhood bestfriend niya iyon eh, ano pa nga ba?

"Sige ha. Basta iyon ang mga narinig ko kanina. Kayo na bahala kung maniniwala kayo o hindi. Iniintay na ako doon eh," sabi ni Xander habang nakangiti at tuluyan nang umalis.

"I don't think Kristine can do that," sabi ni Kade kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Kade, hindi naman sa nangbibintang ako, but we don't know what she can do. Looks can be deceiving, Kade," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"I've known her since when we were still a child and I tell you Keira, she can't do that! She can't even kill an innocent mosquito," sabi niya na para bang naiirita pa.

"Pero Kade, lahat ng tao may natatagong side na hindi pa masyadong nakikita ng ibang tao. Maybe, she still have that side!" Naiinis ko na ring sabi.

"So are you telling me Keira that that kind and innocent face is just a mask? Keira, as far as I remember, I am the childhood friend here. So I believe that I know her more that anyone else do. She can't freaking do that!" Pasigaw na niyang sabi.

So mas pinaniniwalaan mo pa siya at mas pinapanigan kaysa sa akin? Oh, maid nga lang pala ako. Isang 'di hamak na maid. Ano nga bang laban ko?

"Fine! Kung iyan ang paniniwala mo eh. May witness na Kade. Pero iyan pa rin. Sabagay, ano nga bang laban ko? Maid lang naman ako," sabi ko at mapait na ngumiti sa kanya at umalis na.

Teka, bakit ba lumuluha itong mga mata ko? Napakababaw mo naman, Keira. Malamang si Kristine ang paniniwalaan niya. Kilala niya 'daw' si Kristine simula pagkabata eh. Wala na akong magagawa sa pagiging bulag niya sa katotohanan.

Nasaan na kaya ang tropa? Baka umuwi na. Gabi na rin eh. Magcocommute nalang ako. As if pasabayin pa ako ni Kade. Baka nga hinahanap niya pa si Kristine ngayon eh.

Lumabas na ako ng gate at nag-abang ng masasakyan nang magulat ako nang may biglang humawak sa bibig ko para hindi ako makasigaw. Pilit ako nagpupumiglas pero masyadong malakas ang nakahawak sa akin. Pinasok niya ako sa isang van at agad pinaharurot iyon.

"Saan niyo ba ako dadalhin?!" Sigaw ko nang alisin na ng lalaki ang pagkakahawak sa bibig ko. Tatlo silang lalaki. Ang isa ay nagdadrive, ang isa ay sa harap nakaupo, at ang isa naman ay katabi ko dito sa likod.

"Pare, chicks pala ito eh. Ayos 'to!" Sabi ng nasa harap na lalaki na mukhang nakahithit ng sampung sachet ng drugs.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni ma'am? Huwag daw nating gagalawin iyan. Manahimik ka na ngalang. Natatakot si ganda sa iyo eh," sabi ng driver at ngumiti sa akin sa salamin kaya naman nakita ang mga absent niyang ngipin.

"Paanong hindi ako matatakot eh bigla niyo nalang ako pinasok sa isang van na wala akong kilala ni isa?! Ha?! Kayo kaya sa kalagayan ko?!" Sigaw ko at binatukan ang katabi ko.

Pumunta ako sa may pintuan ng van para buksan ito at tatalon nalang ako pero sa kasamaang palad ay hindi ito mabuksan. Ano ito? May mahika? Kailangan ng magic word o spell?

"Bakit? Anong gusto mo? Magpaalam kami bago ka namin kidnappin? Ano sasabihin namin? 'Miss, huwag ka mabibigla ah. Kikidnappin ka namin.' Ganoon? Sayang ka miss, ganda ka lang pala," sabi ng driver habang natatawa. Tuluyan na ring tumawa ang dalawa niyang kasama.

"At isa pa, hindi mo mabubuksan iyan. Hindi naman kami tanga para hayaan ka lang na mabuksan iyan 'no," sabi ng katabi ko. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Pilit kong binubuksan ang pintuan ng van pero ayaw talaga.

"Nandito na pala tayo eh," sabi ng driver at pinark sa may gilid ang van.

Pagkakataon ko na ito para makatakas. Pagkabukas ng pinto, saka ako tatakbo nang mabilis. Fighting!

Bumaba na ang driver at iyong lalaki sa harap para buksan ang pintuan namin. Talagang aabangan nila ako para walang kawala? Paanong takbo gagawin ko? Eh ang higpit pa ng hawak ng unggoy sa tabi ko?

Wala na akong nagawa kung hindi magpadala sa kung saanman nila ako dadalhin. Mukha naman silang hindi mamamatay tao.

Pumasok kami sa isang abandonadong bahay at pinaupo sa silya sa gitna at tinalian. Wala talaga akong kawala dito. Kung bakit ba naman kasi itong mga unggoy na ito eh mukha ginagawa na yatang pagkain sa pang-araw-araw ang mga dumbbell.

Napapikit nalang ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa pagod at sa dami ng nangyari ngayong araw. Una, iyong pageant. Pangalawa, iyong tungkol sa sintas ko. Pangatlo, ang hindi paniniwala ni Kade. Tapos ito naman?

Pinagmasdan ko ang paligid. Maliit lang itong bahay. Mukhang matagal nang hindi natitirhan dahil sa mga alikabok na nagpapabahing sa amin at sa mga puting tela na bumabalot sa mga furniture dito. Maliit lang ito pero mukhang may kaya sa buhay ang may-ari.

Nakaupo lang silang tatlo sa magkakabilang panig ng bahay. Mukhang mga inaantok na rin sila tulad ko. Pilit ko pa ring sinusubukang kalagin ang pagkakatali sa akin pero masyado itong mahigpit.

Sino ba naman kasi ang magpapakidnap sa akin? Anong kailangan niya sa akin? Hindi naman kami mayaman ah?

Maya-maya ay may narinig kaming tunog ng makina ng sasakyan. Nandito na siya. Kapag talaga ako nakawala masasabunutan ko kung sino man siya.

Teka, ako ba ito? Kung siguro kung dati pa ito nangyari, iiyak nalang ako. Nagbago na nga rin siguro ako. Sa tingin ko ay mas lumakas ang aking loob at confidence. Nakasali pa nga ako sa pageant, 'di ba?

Napatingin kami sa may pintuan nang dahan-dahan itong bumukas. Parang pang-horror pa ang tunog nito dahil sa kalumaan. Iniluwa nito ang taong hindi ko na ikinagulat.

Pero ganito na ba talaga siya kadesperada? Ano na naman bang kailangan niya sa akin?

Wala siyang awa.





Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon