Chapter 39 - Anyare?

830 44 10
                                    

Keira's POV

"Mine!"

Pagkasigaw ko ay agad kong sinalo ang bola na agad rin namang sinet at inispike ng mga kateam ko. Nang makita kong hindi ito nasalo ng kalaban, napangiti kaagad ako at napatalon. Nagyakapan kami at naghiwalay na rin.

Kita ko ang masamang tingin ni ni Kristine sa akin. Grabe ah. Alangan namang hindi ko saluhin iyon 'di ba? Siya kasi iyong nagspike nang nasalo ko ito. At oo, kalaban namin sila. Phytons ang kalaban namin ngayong championship.

Dikit lang ang laban. 1st set ngayon. Lamang kami ng dalawa. Napangiti naman ako dahil tatlo na ngayon. Bale 15-12 na ang score. Hindi ulit nasalo ng kalaban ang spike namin.

Nagyakapan ulit kami at bumalik na sa puwesto namin. Napakagat naman ako sa labi ko nang kumulo ang tyan ko. Naman Antonio, mamaya ka na. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sa akin ang isa kong teammate kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti ng awkward.

Pero nagseryoso ulit kami nang magserve na ang isa naming kateam. Nasalo ito at sinet. Si Kristine ang nagspike. Nasalo ng isa kong kateam ang bola at sinet naman ito ng isa pa. Si Georgia ang nagspike pero nasalo ito ng kalaban. Sinet at inispike ulit ni Kristine. Pero this time, tingin ko mas malakas ito at mas asintado kaya hindi namin ito nasalo.

Napatingin ako sa likod ko nang may kaunting nagtilian. Dumating si Kade. Kaya pala. Mukhang nagpapakitang-gilas na si Kristine.

Ang kalaban ang nagserve. Nakita kong tumingin sa akin si Georgia. Alam ko na ang ibig sabihin noon. Nasalo ito ng isa kong teammate at sinet. Agad akong tumkbo at tumalon para ispike ito. Out ito pero may nangblock at tumama ang bola sa kamay nila kaya score namin.

Inapiran naman ako ng isa kong kateammate at nagyakapan na kami. Nagwink naman sa akin si Georgia habang nakangiti. Napangiti naman ako doon.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin sa gawi ni Kade. Diretso lang ang tingin niya sa magseserve na kateammate namin. Napangiti naman ako ng malungkot dahil doon. Umasa ka naman, Kei. Tch.

Tinuloy lang namin ang laban. Sa amin napunta ang 1st set pero sa kanila ang 2nd set. 3rd set na ngayon at lamang sila ng isa. 22-23.

Juice colored. Gutom na gutom na ako. Pero kaya pa. Fighting!

Nagserve sila na sinalo namin, sinet at inispike ni Georgia. Nasalo nila ito at sinet. Inispike ni Kristine. Nasalo ko ito pero sa lakas ng spike niya, muntikan na ako matumba. Gutom lang ito.

Sinet ng isa kong kateam ang bola na inispike naman ng isa pa. Fortunately, hindi nila ito nasalo. Ako na ang magseserve. Nagwala na naman si Antonio sa tyan ko. Naman eh.

Sinerve ko ito pero syete. Net. Nakita ko ang highblood na mukha ng coach namin. Nakita ko ring napasmirk ng kaunti si Kristine.

Nagtimeout si coach. Shems. Masama ito.

"Keira! What's happening to you?! Kanina pa kita napapansin. Muntikan ka pang matumba kanina pagkasalo mo! Focus!" Sabi ni coach.

Napatungo naman ako dahil doon. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin iyong mga tao sa amin.

"Coach."

Napataas naman ako ng tingin nang marinig ko ang isang napakalamig na boses.

"S-Scott," sabi naman ni coach Fruggy. Mukhang nagulat din siya.

"Let her eat first. She haven't eaten lunch," sabi niya in a cold way.

"A-ah. G-ganun ba? Sige. Kumain ka muna Lopez," sabi niya. Anong nangyari kay coach Fruggy?

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon