Chapter 4 - Tatlong Bibe

1.3K 93 38
                                    

Keira's POV

"Kei! Gising na!"

"5 minutes."

"Aba! 5 minutes ka pa dyan nalalaman, Kei?! 7:00 na kaya!"

Bigla akong napaupo nang marinig ang sinabi ni Kris. Tumingin ako sa orasan at nakitang 5:30 pa lamang ng umaga.

"AKO BA PINAGLOLOLOKO MO KRIS?!"

Bigla naman siyang humagalpak ng tawa na para bang wala nang bukas. Pigilan niyo ako kundi masisipa ko siya kahit kapatid ko pa siya.

Binatukan ko siya nang full force with matching hampas ng unan.

"Aray naman, Kei!" Sabi niya habang hawak hawak ang batok niya. 'Buti nga sa kanya.

"Doon ka na nga sa labas! Maliligo na ako!" Sabi ko habang tinutulak siya palabas ng kwarto ko. Lumabas na rin naman siya agad. Takot niya nalang sa akin.

Ginawa ko na rin agad ang aking mga morning rituals at nagbihis. Nagsuklay ng konti kahit wala namang epekto, konting pulbos at lip balm.

Pumunta na rin ako ng kusina para magluto ng umagahan. Ano ang umagahan namin? As always, hotdog, itlog at sinangag.

Nang matapos na akong magluto, tinawag ko na rin si Kris sa banyo. Tagal maligo.

"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat, mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak~"

Napahagalpak ako ng tawa nang marinig si Kris na kumakanta sa banyo. Tatlong bibe pa talaga? Saan bang galing na oras 'to? Bumalik ba siya sa past? Ang tagal na nang nauso 'yon.

"Kei?" Rinig kong sabi niya. Narinig niya siguro iyong tawa ko.

"Hoy! Bibe este Kris! Kain na! Tagal mo dyan!" Sabi ko habang tumatawa.

"Psh. Ito na nga!" Sabi niya na parang napipilitan pa.

Pumunta na rin ako ng kusina at naghain. Maya-maya ay dumating na rin si Kris habang nagbubutones pa ng polo.

Kumain na rin kami at sabay na pumasok. Sa Academy of St. Francis din siya nag-aaral.

Naghiwalay na rin kami ng landas sa gate. Sa kabilang building siya kasi Grade 9 pa lang siya.

"Oy wag kang padalos-dalos Kei ha. Iniwanan mo naman siguro ang pagiging clumsy mo sa bahay? Baka mamaya hindi nalang bandage 'yan, baka maging benda na 'yan."

Ang sabihin niya nag-aalala lang siya sa akin. Ayaw niya pa diretsuhin.

"Sir yes sir!" Sabi ko sabay salute. Naghiwalay na rin kami ng way.

"KEI!" Rinig kong sigaw ng isang babae na parang nakalunok ng megaphone.

Gaya nga ng sabi ni Kade, sino lang ba ang kaibigan ko dito? Si Aki lang naman.

"Oh? Umagang-umaga sigaw ka nang sigaw dyan."

"Let's go! Sabay tayong papasok. Baka kung ano pa ang gawin nila sa'yo," Bulong niya sa akin sabay sabit ng braso niya sa braso ko.

Sabay na kaming pumasok. Ang sama ng tingin nila sa amin or should I say sa akin?

"Bayaan mo lang sila. Inggit lang sila sa'yo," Bulong ni Aki sa'kin.

Naglalakad kami nang biglang may umakbay kay Aki.

"Halo!"

"FRANCES!" Sigaw naman nitong babaeng hindi ko malaman kung paano ko naging bestfriend na nakalunok ng megaphone.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon