Chapter 14 - Bonding

982 70 2
                                    

Keira's POV

"Marami ka nang natutuklasan tungkol sa akin. I don't know but I have this feeling that I should tell my story to you."

Nakatingin ako sa nagtitinda ng ice cream habang sinasabi niya iyon. Nakikinig naman ako sa sinasabi niya. Kaya lang ang sarap talaga kumain ng ice cream ngayon.

"Libre mo muna ako ng ice cream!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Paano kung ayaw ko?" Sabi niya.

"Sige na. Please?" Sabi ko at nagpuppy eyes.

"Habulin mo muna ako!" Sabi niya at tumakbo na.

"HOY! ANG DAYA MO NAMAN EH!"

"Bleh!"

"ANG DAYA MO! ANG HABA HABA KASI NG LEGS MO! HIYANG-HIYA NAMAN AKO 'DI BA?!"

"BANSOOOOOOT!" Sabi niya at tumawa ng malakas.

"CHE!" Sabi ko na mas lalong nagpatawa sa kanya. May naisip na akong plano. Lagot ka sa akin Christopher Kade Scott! Oo, naghahabulan kami. At tumatawa siya ngayon. Himala ba? Alam ko. Magpapamisa na nga ako mamaya eh.

"ANO TAWAG SA ISDANG NAG-MAMARTIAL ARTS?!" Sigaw ko. Ang layo na kasi niya. Ang daya.

"KAPAG IYAN KORNY LAGOT KA SA AKIN! ANO?!"

"TILAP-YAAAAAHH!"

"KORNYYYY!" Sabi niya at tumawa ng malakas.

"CHE! ITO, ANO ANG APELYIDO NI SISA?!"

"ANO?!"

"MISTREET! SISA MISTREET!"

Tinignan niya lang ako na parang bored na bored siya habang natakbo.

"TAWA KA NAMAN! SAYANG EFFORT KO! JOKE IYON HOY!" Sabi ko.

"KORNY KA KASI!" Sabi niya at tumawa ng malakas at unti-unti na siyang bumabagal sa pagtakbo dahil sa pagtawa. Effective plano ko. Hoho.

"ITO LAST NA! ANO APELYIDO NI CEDIE?!"

"ANO NA NAMAN?!" Sigaw niya pero nakangiti siya.

"PLAYER! CEDIE PLAYER!"

"Huh?" Sabi niya at napatigil siya at nag-isip.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at hinawakan siya.

"Libre mo na ako bilis! Nahabol na kita!" Sabi ko at tumawa sa kanya. Tumigil kasi siya. Ang galing-galing ko kasi talaga. Hoho.

Napapoker-face naman siya pero halata mong nangingiti dahil sa kakulitan ko. Napailing nalang siya at pumunta na sa nagtitinda ng ice cream. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang dalawang strawberry ice cream.
Inabot na niya sa akin iyong isa. Umupo na kami sa damuhan.

"So, ano na? Ano iyong sinasabi mong story mo kuno?" Sabi ko.

Bigla na naman lumungkot ang mukha niya at naging cold na naman. Tinignan niya yung ice cream at pinaikot-ikot iyong cone.

"I have this childhood friend. She's cute, bubbly and a good listener. Lagi siyang nangungulit na pumunta daw kami ng park. Dito nga. Ang kulit-kulit niya tapos sobrang hilig niya sa red velvet cupcake pero payatot naman tsaka pandak," natawa siya ng mapait habang inaalala iyong childhood friend.

"Kaya pala habang nakatingin ka doon sa red velvet cupcake na binigay ko sayo parang ang lungkot mo?" Sabi ko at sumubo ng ice cream.

"Napansin mo pa iyon?" Sabi niya at napatingin sa akin.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon