Chapter 51 - Revelations

775 44 11
                                    

Keira's POV

"Keira!"

Pagkapasok ko palang ng gate, sigaw na agad ni Aki ang bumungad sa akin. Napangiti ako sa kanila. Kasama niya sina Frances at CK na nakatingin lang sa akin habang nakangiti ng tipid.

Binuksan ko na ang mga braso ko nang akala ko yayakapin nila ako. Pero dahil likas na amazona si Aki, binatukan niya ako ng pagkalakas-lakas.

"Aray!"

"Saan ka ba nanggaling babae ka? Hindi mo sinasagot noon mga tawag at text ko! Umabsent ka pa kahapon! Tapos nabalitaan ko nalang nagkasakit ka pala! Ano bang nangyari sa'yo ha?"

Napatingin ako sa paligid at napatungo nalang nang makita kong nakatingin sa amin ang ibang estudyante. Lakas talaga ng boses ni Aki. Agaw-eksena eh.

"Eh. Sorry na. Nawalan ako ng load eh," palusot ko habang nagkakamot ng batok. And for the second time around, nakatikim ako ng batok mula sa kanya.

"Huy. Aki tama na iyan. Kakagaling nga lang sa sakit ni Kei eh," sabi ni Frances. Mabuti nalang at naisip niya akong ipagtanggol. Sakit mambatok eh.

Napatingin ako kay CK na nakatingin lang sa akin. Nginitian ko nalang siya dahil alam kong nag-aalala siya sa akin.

"Tara na. Baka malate pa tayo," sabi ko nalang para tumigil na sila.

Pumunta na rin kami sa kanya-kanya naming room. Kami ni Frances ang magkasama since hiwalay ng section sina CK at Aki.

Umupo na ako sa upuan ko nang makarating kami ni Frances sa classroom namin. Napatingin ako sa tabi ko. Wala pa siya. Napabuntong-hininga nalang ako nang maalala ko ang mga nangyari noong isang araw.

Ano na kayang nangyari sa kanya? Alam na kaya niya ang totoo? Nakokonsensya kaya siya? Kakausapin niya pa rin kaya ako?

Madaming tanong ang naglaro sa isipan ko pero natigil lahat ng iyon nang pumasok siya bigla. Natahimik ang buong classroom at sinusundan lamang siya ng tingin. Hindi manlang niya ako tinatapunan ng tingin. Pero napatigil ang paghinga ko nang magtama ang mga mata namin nang dumaan siya sa harap ko. Walang emosyon. Hindi ko siya mabasa.

Pagkaupo niya ay sinubsob niya ang kanyang ulo sa desk. As always. Ano pa nga bang bago? Napabuntong-hininga nalang ako. Siguro hindi niya pa alam ang totoo at wala rin siyang balak alamin.

Ibabaling ko nalang ang atensyon ko sa ibang mas importante pang bagay kaysa isipin ko nang isipin ang mga nangyayari sa aking hindi maganda.

"Okay ka lang? Kanina ka pa bumubuntong-hininga dyan?"

Napatingin ako kay Frances na nasa tabi ko nang magsalita siya. Nginitian ko nalang siya at tumango.

"Nag-away ba kayo?" Tanong niya sabay turo kay Kade. Nahalata niya agad iyon?

Napatingin kami sa pinto nang bigla itong bumukas. Nandyan na pala si ma'am Santos. Saved by the bell. Phew.

Mabilis na lumipas ang oras. Nagbell na rin. Break na. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko siya na nakasubsob pa rin ang ulo sa desk. Tinignan ko nalang si Frances at nginitian siya. Lumabas na rin kami ng classroom.

Pagdating namin sa canteen, nakita na rin namin sina CK, Aki at Marga na nasa isang table kasama sina Drake, Trey at Meiko.

"Okay ka na Kei? Balita ko na nagkasakit ka ah," tanong ni Meiko sa akin.

"Oo. Okay na ako," sabi ko at nginitian sila.

"Nagkasakit ka?" Napatingin kaming lahat kay Trey nang magsalita siya.

"Pre hindi ko alam kung bingi ka o sadyang slow ka lang eh. Kakasabi lang 'di ba? Kumain ka na dyan. Gutom lang 'yan," sabi ni Drake na nagpatawa sa akin ng mahina. Sabog talaga eh.

"Nagtatanong lang eh. Frances oh," pagsusumbong naman ni Trey kay Frances habang nakapout. Ang cute. Napatingin ako kay Frances na namumula. Ship!

"Oh naiinggit si Aki. Meiko!" Pang-aasar ni Marga kay Meiko. Ang tahimik tapos nakatingin lang kasi kay Aki.

"Tigil-tigilan mo ako Marga ah!" Sigaw ni Aki na nagpatingin sa ibang estudyante sa amin.

"Oh," napangiti ako ng todo nang makitang iabot ni Meiko ang isang pulang rosas kay Aki. Napatigil naman si Aki at namula bigla ang mukha.

"Inggit ka naman. Sus," sabi ni Trey kay Marga kaya nabigyan siya ng signature irap.

Ang cute. Parang nakikita ko na ang future ng tropa ah. Napatingin ako kay CK na nakatingin pala sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

"Oo naman," sabi ko at tumayo na. Iniwan na namin ang tropa doon.

Sinusundan ko lang si CK kung saan siya magpupunta. Ang tahimik niya. Hindi ako sanay. Mahaba pa naman ang oras kaya okay lang.

Biglang tumalon ang puso ko nang makita si Kade na makakasalubong namin. Siguro ay papunta na siyang cafeteria. Nagsalubong ang mga mata namin pero iniwas niya din agad na para bang hindi niya ako kilala.

Balang araw, malalaman mo din ang katotohanan.

Umupo na kami sa may bench nang makarating sa parang mini park sa school. Marami-rami ring estudyante dito dahil nga break time.

"Ano ba talagang nangyari? Kasi Kei hindi talaga ako naniniwala na kaya mo iyong gawin," sabi ni CK sa akin.

Napangiti naman ako.

"Thank you ha," sabi ko at nginitian siya ng malaki at niyakap.

"Para saan naman? Wala nga akong nagawa noong isang araw eh," sabi niya na para bang na-didisappoint. Niyakap niya rin ako pabalik.

"Kasi naniniwala kang hindi ko kayang gawin iyon. Ilang buwan na rin ako nagtatrabaho sa inyo. Napalapit na rin ako sa inyo. Hinding-hindi ko magagawa iyon,"sabi ko at bumitaw na sa pagkakayakap.

"Alam ko naman iyon. Pero Kei, may masama na talaga akong kutob kay Kristine. Iyong ngiti niya pagkaalis mo, para siyang nanalo sa lotto. Sarap ngang alisin ng labi eh. Tapos noong nagluluto ka sa may kusina tapos nasa labas sina nanay at kambal, nakita ko siya na para bang inuusisa at inaalam iyong mga kwarto. Tingin siya ng tingin sa mga kwarto," sabi niya.

Napangiti nalang ako ng mapait. Napakataba talaga ng utak ni Kristine.

"CK. Alam kong mapapagkatiwalaan kita. May sasabihin ako sa'yo pero kung pwede huwag mong sasabihin sa iba. Kahit ang kambal mo hindi alam ito," sabi ko. Napakunot naman ang noo niya at tumango.

Alam kong dapat kong ikwento ito sa kanya. Mapagkakatiwalaan naman siya. At higit sa lahat, hindi ko kayang harapin lahat ng ito mag-isa.

Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyayari sa amin ni Kristine. Simula sa pageant, sa mga masasama niyang tingin at pag-irap hanggang sa pag-abduct niya sa akin.

"P***, ganyan na ba siya ka-obsessed sa kambal ko na pati buhay at kasiyahan mo sisirain niya? Alam mo masusugod ko na talaga iyang babaeng iyan!" Sabi niya na para bang gigil na gigil.

"Huwag CK. Mas mabuti niyang iniisip niyang wala pang ibang nakakaalam para mas madali tayong makaisip ng plano. Huhulihin natin siya," sabi ko.

"Okay. Since sinabi mo na rin sa akin lahat ng iyan, may sasabihin din ako sa iyo," sabi niya na para bang seryosong-seryoso.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"I don't think na si Kristine talaga ang childhood bestfriend namin ni kambal."

Napatigil naman ako sa sinabi niyang iyon. Wait, what?

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon