Keira' POV
Nag-doorbell na ako at agad rin naman akong pinapasok ng guard nang makilala niya ako.
"Ija, mabuti naman at hindi nagbago ang isip mo," sabi ni nanay na halata mong tuwang-tuwa.
"Syempre naman po nay. Hindi naman po ako katulad ng iba na nangangako tapos mapapako lang rin naman po pala. Yung mga paasa po," sabi ko.
"Nako, ikaw talagang bata ka," sabi ni nanay habang natatawa-tawa.
"Halika na at pumasok ka na. Naghanda ako ng umagahan," dagdag niya.
"Hala nay. Wag na po. Busog naman po ako eh. Sa inyo na po iyan," sabi ko nang makapasok na kami.
"Sige ka magtatampo ako sayo kapag hindi mo kinain iyong hinanda ko. Masarap pa naman iyon," sabi ni nanay.
Pumunta na kami sa dining room. No choice na ako. Medyo galit na rin si Antonio eh. Siya nga pala iyong dragon ko sa tyan.
"Sige na nga po nay. Pero si Kade po? Nasaan?" Sabi ko. Nakakahiya namang mauna pa kaming kumain kaysa sa kanya na amo namin 'di ba?
"Nagsimba lang siya kasama nung mga kaibigan niya. Sabi naman niya kung magutom na daw tayo, mauna na tayong kumain," sabi ni nanay.
Paupo na sana kami nang biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang lalaking naka-kulay white na t-shirt, black na pants at limited edition na sneakers na matagal ko nang inaasam magkaroon.
"Oh Kade, kain ka na. Lilinisin ko muna saglit kotse mo," sabi ni nanay at papunta na sa pintuan.
"Tulungan ko na kayo nay," sabi ko at hahabulin na sana siya.
"Ops. Ako na. Kumain ka na dyan. Kaya ko na ito," sabi ni nanay with matching hand gestures na pinapatigil ako. Yung parang nakikipag-apir.
"Pero-"
"Walang pero-pero. Kumain ka na dyan," sabi ni nanay sabay mabilis na lumabas ng bahay.
Si nanay talaga oh. Nakakahiya namang sumabay kay Kade na AMO ko. Amo ko siya tapos sasabay akong kumain? Kapal naman ng mukha ko kung gagawin iyon 'di ba?
Umupo na si Kade sa upuan. Syempre Kei, sa upuan. Alangan namang sa table 'di ba? Nababaliw na yata ako. Barahin ko ba naman ang sarili ko?
Pinagmamasdan ko lang siya kumuha ng pagkain. Kumuha ako ng tubig para sa kanya at sumandal nalang sa counter.
"What are you looking at?" Sabi niya habang hinihiwa iyong bacon.
"Ah wala. Labas lang ako," sabi ko. Ang awkward eh.
Palabas na sana ako nang bigla siya magsalita.
"Eat."
"Huh?" Sabi ko. Slow na kung slow. Ang ikli naman kasi nito magsalita. Nakakaloka.
"I said eat," sabi niya nang matigilan siya sa pagkain. Tumingin siya sa akin ng diretso.
Napaiwas ako ng tingin. Ang awkward talaga.
"Ah eh. Ano. Busog pa naman ako," sabi ko. Isang malaking KASINUNGALINGAN iyong sinabi ko. Gutom na ako eh.
"I know that you gave your breakfast to the kids at the park," sabi niya at tinuloy ang pagkain.
"Ikaw nga iyon?" Sabi ko. Tumango lang siya.
Sabi na talaga eh. Pamilyar iyong kotse na iyon. Iyon yung kotse na pinanghatid niya sa akin nung nabully ako.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Roman pour AdolescentsHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...