Keira's POV
Malapit na kami sa clinic at rinig ko ang mga bulong ng mga estudyante sa paligid namin.
"Sila na ba?"
"Hindi ah. Grabe ka naman. Sila ni Kristine yata."
"Ay ganun? Buti nalang. Akala ko sila na ng nerd na iyan eh. Hindi sila bagay ni Kade. Dapat nga hindi naglalalapit si Kade sa kanya eh. Baka mahawa siya ng kaclumsyhan at itsura nyan."
"Baka marinig ka."
Napatingin ako sa dalawang babae na ginawang coloring book ang mukha nila sa kanan namin. Nakaupo sila sa isa sa mga bench.
Nagulat ako nang maglakad si Kade papunta sa kanila.
"Kade. Saan ka pupunta?"
Hindi siya kumibo. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nga nakasampa ako sa likod niya. Masama ang kutob ko dito ah.
"Hey," cold na tawag sa kanila ni Kade. Mukha namang kinikilig ang dalawang walking and talking coloring book at nagpacute pa.
"Yesh Kadey? What can we do for you?" tanong noong wagas makapanglait sa akin at nagbeautiful eyes pa.
Jusmiyo. Napuwing yata siya.
"I heard what your talking about awhile ago. I just want to tell you that doing those kind of things such as talking about her behind her back won't make your faces as beautiful as this girl at my back. Adding thick make-up at your faces won't even give a chance to make you beautiful," cold niyang sabi.
Halata ang gulat sa mga mukha ng mga babae.
"K-Kade. Sigurado ka bang pinagtatanggol mo iyang pangit na nerd na iyan? OMG lang Kade. Layuan mo na siya! Baka mahawa ka lang ng itsura niya for Pete's sake!" Sabi noong isang babae at parang nandidiring tumingin sa akin.
Alam kong magsasalita pa si Kade at baka kung ano pang magawa niya.
"Kade. Ako na. Ibaba mo ako," sabi ko at nanginginig na ang boses ko.
"Are you sure you can?" Tanong niya at tumango naman ako. Binaba niya ako pero inaalalayan niya ako sa likod ko.
"Wala kayong karapatan na sabihan ako ng ganyan. Akala niyo ba kinaganda niyo iyan? Ha? Nandito kayo sa eskwelahan para mag-aral at hindi para pag-usapan at sabihan ang ibang tao ng masasakit na salita! Kung kayo ba sabihan ko ng ganyan matutuwa kayo? Hindi 'di ba?! Kaya parang awa niyo na. Tigilan niyo na."
"How dare you?! I'm the daughte-"
"I don't care whose daughter are you," mahina pero madiin kong sabi.
Nagulat naman siya at akmang sasampalin ako. Handa na sana akong tanggapin ito nang may pumigil dito.
"Don't you dare."
Kahit ako ay kinilabutan sa paraan ng pagsasalita ni Kade. Mahina pero madiiin at puno ng pagbabanta.
Marahas niyang binaba ang kamay ng babae at nagulat ako nang buhatin na niya ako ng pa-bridal style.
Nakatingin lang ako sa kanya habang dala-dala niya ako. Sobrang cold ng mga mata niya. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Nang dumating na kami sa clinic ay binaba niya na ako sa kama. May ginagamot pa na iba ang nurse. Siguro nga hindi lang ako ang clumsy ngayong intrams.
"Are you okay?"
Napatingin ako sa kanya. Nakatayo lang siya sa harap ko at kita ko ang concern sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...