Keira's POV
"Where are we going?"
Tsk. Nagiging si Dora tuloy ako dahil dito kay Kade eh. Paano ba naman, bigla akong hinila kanina pagkatapos niyang sumang-ayon sa pakiusap ni coach Fruggy.
Nagulat nga ako eh. Hindi kaya may sakit si engkanto? Ano kayang nakain nito?
Pumasok na kami sa kotse. Inistart niya kaagad ang kotse at pinaandar ito palabas ng school.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit ko ulit.
"Can't you keep silent?" irita niyang tanong.
Napapout nalang ako at tumingin sa bintana. Sungit. Wala pala siyang sakit. Siya pala talaga ito.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Wala ba siyang planong buksan manlang iyong stereo? Psh.
Napakunot ang noo ko nang lumiko kami papunta sa parking lot ng isang mall. Ano namang gagawin namin dito?
Napalaki ang mga mata ko sa naisip.
Kei! Napakaimposible ng iniisip mo. Erase erase. Ikaw at siya?! Magdedate?! Puputi muna ang uwak at magdidiet muna si Aki bago mangyari iyon!
"May plano ka pa bang lumabas dyan?!"
Nabalik naman ako sa realidad nang sumigaw si engkanto mula sa labas ng kotse with matching katok pa sa bintana ng kotse. Highblood na si master.
Lumabas na ako ng kotse. Baka magwala na eh. Hindi pa rin talaga ako sanay nang walang salamin. Nakakahilo.
Pumasok na kami sa loob ng mall. Siya na head-turner. Gwapo kasi eh. Pinagtitinginan tuloy siya. Tsk.
Ang dugyot ko pa naman. Naka-jersey pa ako. Mabuti siya nakapagpalit pa ng t-shirt. Mas lalo tuloy nakadagdag sa appeal niya. T-shirt tapos short na jersey tapos rubber shoes.
"Kuya Kade pwedeng papicture?" Biglang sulpot ng isang babae kasama ang isa pang babae. Tumango naman si Kade.
"Ate papicturan naman kami," sabi noong isang babae at binigay sa akin ang phone niya.
Aba't talagang. Ginawa pa akong photographer? Grabe ha.
Wala na akong nagawa kundi picturan sila. Ngumiti naman sila habang si Kade ay nakapokerface lang na nakatingin sa camera. Napatawa naman ako.
Humiwalay na sila at kinuha ang phone. Aba't. Hindi manlang nagpasalamat.
"Taga-ASF din po kami. Grade 9," sabi noong isa pang babae.
Tumango lang si Kade at umalis na rin kaya sinundan ko agad siya.
"Ano bang gagawin natin dito?"
Nagulat ako nang tumigil siya sa isang salon. Anong gagawin namin dito? Magpapagupit ba siya?
"Huy. Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
Hindi naman niya ako pinansin. Psh. Sungit talaga!
"G-good afternoon po, Sir Kade," bati ng isa sa mga staff na para bang nagulat. Tumango lang si Kade.
Nginitian ko naman iyong staff nang mapatingin sa akin. Nginitian niya rin ako.
Malaki ang salon. Black and white ang theme. Elegante siya. Marami-rami rin ang mga customers.
"Do your best on her," sabi niya sa staff.
Napatingin naman ako sa kanya with matching nanlalaking mata. What the?!
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...