Chapter 28 - Soldier

823 55 4
                                    

Keira's POV

"Is anybody there?"

Nagkatinginan kami ni CK ng may nanglalaking mga mata.

Uh-oh

Nagpalinga-linga sila sa paligid at napadako ng tingin si Kade sa puno sa likod nila. In short, dito sa pwesto namin.

"Ikaw naman kasi Kei eh! Ang daya-daya mo! Bakit ang bilis mo tumakbo?!" Sabi ni CK.

Napatingin naman ako. Nagets ko agad.

"Mabagal ka lang talaga! Bleh!" Sabi ko at dumila sa kanya.

"Ah, mabagal pala ha?!" Sabi ni CK at tumakbo nang mabilis kaya tumakbo na rin ako paalis.

At sa kasamaang palad, nadapa ako! Nadapa ako sa harap nilang dalawa.

"Tss. Clumsy," rinig kong sabi ng engkanto na nakaupo sa bench.

Hindi ko siya pinansin o tinapunan manlang ng tingin. Sa halip ay tumayo ako kaagad at tumakbo ulit.

Nakakahiya! Lupa! Kainin mo na ako! Siomai, siopao, suman naman eh. Ang clumsy mo talaga!

Inis kong nagulo ang buhok ko kahit alam kong gulo-gulo na iyon. Kahit kailan naman hindi umayos buhok ko eh. Laging buhaghag. Psh.

"Oh? Anyare sa'yo? Infairness, ang galing natin doon! Mabuti nalang nakagawa tayo ng palusot!" Tuwang sabi ni CK.

Pero katulad ng kidlat, mabilis na nag-iba ang mood niya at ang mukha niya. From a smiling face, it turned into a frown.

"Pero nakakainis talaga ang babaeng iyon! Naku! Pigilan mo ako kundi masusugod ko iyon eh! Nasira ang beauty kakahanap sa necklace na iyon tapos nasa kanya lang pala?! Hindi niya manlang sinabi kaagad?! Hindi niya ba manlang naisip na baka hanap ng hanap na tayo doon?! Sana manlang tinext niya 'di ba?! Gusto pa yata harapan para makapagpalakas! Argh!" Sabi ni CK with matching padyak pa.

Napatawa naman ako sa kanya. Ang cute. Pero naiinis pa rin ako kay Kristine.

"Wala ka ba manlang masasabi? Hindi ka ba nainis?" Tanong sa akin ni CK habang nakakunot pa rin ang noo.

"Syempre nainis. Imagine, halos madaling araw na tayo nakatulog dahil sa paghahanap tapos may assignments pa. Pero wala na akong masabi kasi nasabi mo na lahat eh," sabi ko.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming room dahil tapos na ang lunch break.

Pagkapasok ko ng classroom namin ay maya-maya ay pumasok na rin si Kade na halata mo sa mukha na good mood na. Napansin ko rin ang necklace na nakatago sa loob ng uniform niya. Psh.

Teka, bakit ba ako naiinis? Magkasama lang naman sila ah? Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Aish!

Mabilis na lumipas ang oras at maya-maya ay uwian na. Nagpaalam ako kay Frances na uuwi na.

Ang totoo niyan ay maghahanap muna ako ng matatatambayan. Maaga naman kaming dinismiss kasi may meeting ang teachers eh.

Nasa may gate na ako at palabas na nang may makita akong isang lalaki at isang babae na masaya. Nakakawit pa ang braso niya sa lalaki. Si Kristine at Kade.

Nah. Nevermind. Uuwi na pala ako.

Nakita kong sumakay si Kristine sa sasakyan ni Kade. Sumakay na rin ako ng jeep. Bahala sila dyan. Kasunod lang ng sinasakyan kong jeep ang Toyota '86 ni Kade kaya kitang-kita nila ako. Nasa may pintuan lang din kasi ako ng jeep.

Napatingin naman ako sa katabi ko sa jeep. Bale nasa kaliwa ko siya. May piercings, naka-all black. At mukhang, adik? Hindi naman sa nagiging judgmental ako pero, mukha talaga siya adik. Ang lalim ng eyebags bes. Ang itim ng paligid ng mata. Pwede na siyang endorser ng shabu.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon