Keira's POV
Nagising ako nang naramdaman kong, teka, lumulutang ako? At naandar pa? Teka, anong nangyayari? Nakasakay na ba ako sa magic carpet ni Aladdin? May powers na ba ako?
Napadilat ako bigla.
"Waaaah," napasigaw ako bigla ng mukha ng isang engkanto ang bumungad pagdilat ng magaganda kong mga mata.
"Hey! Huwag ka ngang malikot! Ihuhulog kita! Sige ka!"
Ngayon ko lang narealize na binubuhat pala ako ng engkanto ng parang bridal style. Akala ko pa naman may powers na ako.
"Edi ihulog m- oh shoot!"
Anak ng tinapa! Hinulog nga ako! Buti nalang may natitira pa siya konsensya at kabaitan kaya sa kama niya ako hinulog.
Kaya lang sa kanya mismo nahulog na din ako. Pero hindi niya ako sinalo kasi sa iba siya nahulog.
Anak ng! Ano ba itong mga pinag-iisip ko? Nasisiraan na yata ako.
"Hinulog mo nga ako! Bwisit ka!" Sabi ko at hinampas siya.
"Wow ha! Atleast nga sa kama kita hinulog eh! And most of all, I just saved you awhile ago! Tapos tatawagin mo akong bwisit?! Bwisit!" Sabi niya at ginulo ang ang buhok niya.
"Subukan mong sumigaw kundi mas lalo kang lagot sakin," sabi niya habang malapit ang mukha niya sa akin.
Napatigil naman ako sa paghampas nang maalala na naman ang mga nangyari kanina. Mga kapanahunang muntikan na namang mangyari ang mga nangyari dati. Mga oras na muntikan na namang bumalik ang lahat.
"H-hey. I-I'm sorry."
Napatingin naman ako sa kanya nang magsalita siya. Naramdaman ko ang thumb niya sa pisngi ko. Lumuluha na pala ako.
"Ah. Okay lang," sabi ko at kusa nang pinunasan ang mga luha ko.
"Are you sure you're okay?" Sabi niya. Tumango ako.
Lumabas siya ng kwarto at pagbalik niya ay may dala siyang baso ng tubig.
"Here," sabi niya at inabot sa akin iyong baso ng tubig.
"Hindi ako nauuhaw," sabi ko. Napapokerface naman siya.
"Kapag talaga nakita ko ulit siya, makikipagpalit siya ng mukha sa unggoy," sabi niya at siya na ang uminom noong tubig sa baso. Mukha ngang siya ang talagang may kailangan noon.
Ang haba noon ah. Tapos tagalog pa. Improving ang engkanto niyo. Nagtatagalog na.
"Ang ganda ko kasi," sabi ko and I managed to fake a smile. Hindi pa
rin kasi maalis sa isip ko iyong nangyari kanina."KADE!"
Anak ng engkanto ka naman talaga Kade! Aish! Pinunasan ko ang mukha ko. Bugahan ba naman ako ng tubig sa mukha?!
"Bakit mo naman ako binugahan?!"
"You must feel blessed. You ju-"
"I just had some of your saliva ganon?! Ang kapal mo rin naman talaga eh ano?!" Sigaw ko at hinampas ulit siya. Tumawa naman siya.
"Hoy! Kung ibebenta mo nga iyong laway ko maraming mag-aagawan na fangirls ko! You can earn money from those!" Sabi niya at tumawa na naman. At dahil iyon sa akin. Ha! Oha? Napatawa ko ulit siya!
"Ah ganon?! Yabang!" Sabi ko at mas nilakasan ang hampas sa kanya.
"Aray! Hey! Sto-ouch! Kei- ouch!" Sabi niya habang sinasalag iyong mga hampas ko.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...