Keira's POV
"Akin nga kasi 'yan!"
"Pahingi lang naman eh!"
"Bawal!"
"Bilis na! Ang damot mo naman Ja-de!"
"It's Jade not Ja-de! Call me Aki or Akira! Huwag Ja-de!"
"Nagkakahawaan na kasi yata sila Aki. Itong mokong nga na ito tawag sa akin France."
"Aba't! Paano ako nasali dyan?! Nanahimik ako dito ah!"
Sino 'yung apat na nagtatalo? 'Yung dalawa ko lang naman na bestfriend at 'yung dalawang lalaki na sa pagkakarinig ko ay Meiko at Drake ang pangalan. Drake pala ang. pangalan ng lalaking tawag kay Frances ay France.
Sabi na talaga eh. Maling-mali ang desisyon namin na dito nalang makiupo. Kaya lang wala na rin namang ibang vacant seat. Kakilala rin naman daw kasi nina Frances at Aki 'tong tatlong lalaking ito.
Oo, tatlo sila. Sino 'yung isa? Walang iba kundi si engkanto este si Kade. Ang sobrang masayahin at palangiti na si Kade.
Napansin kong kanina pa nakatingin si Kade sa dalawang scoop ng strawberry ice cream ko na nasa cup. Katapat ko kasi siya.
"Uhmm.. gusto mo?" Alok ko kay Kade.
Napatigil 'yung apat sa pagbabangayan at napatingin sa aming dalawa.
"Nako Kei. Gustong-gusto niya nga 'yan. Favorite niya 'yan eh," Sabi ni Drake.
"Bro, gusto mo talagang paglamayan ng maaga eh 'no? 'Wag mo ako dadamay dyan ah. Mahal ko pa buhay ko," sabi ni Meiko sabay yaka sa sarili niya.
"Huh? Bakit naman?" Sabi ni Drake na naguguluhan.
Nginuso naman ni Meiko si Kade kaya napatingin kami sa kanya na sobrang talim ng tingin kay Drake.
"Tss."
"Ah eh, sayo na 'yung isang scoop. Thank you gift na rin sa ginawa mo kahapon. Dalawa naman 'yan eh," sabi ko sabay kuha ng isang scoop gamit kutsara niya at nilagay ko 'yon sa plato niya.
"No. Huwag na. Sayo na," sabi niya sabay kuha ulit noong isang scoop at ibabalik sana ulit iyon sa cup pero inilayo ko 'yon.
"Woah. Ikaw ba talaga iyan Kade? Dati kulang nalang makipagpatayan ka sa'min kapag hinihingian ka namin," sabi ni Meiko.
"Teka lang, ilang words 'yon?" Sabi ni Drake habang nagbibilang sa daliri niya.
Binigyan naman sila ni Kade ng kanyang signature death glare kaya bumalik ulit sila sa kani-kanilang pagkain.
"Sayo na yan," sabi ko.
Nakita ko namang binalik niya na iyong ice cream sa plato niya. 'Buti naman. Kulit eh.
Kinain ko na rin 'yung akin. Ang sharap talaga nito. Sumubo ako at iniwan ang kutsara sa bibig ko.
Naramdaman ko namang nakatingin na naman silang apat sa amin ni Kade kaya napatingin ako kay Kade.
Agad ko namang inalis ang kutsara sa bibig ko nang makitang nakaiwan din ang kutsara sa bibig niya.
"Iniiwan mo rin 'yung kutsara sa bibig mo?" Sabi ko.
Tumango lang siya habang kumakain pa rin ng ice cream.
"Ako rin! Feeling ko kasi mas masarap kapag ganun," sabi ko habang kulang nalang ay magningning ang mata ko at subo ng ice cream.
"Same," sagot niya.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nagsisikuhan sina Frances at Aki habang nakangiti sa amin ni Kade kaya napakunot noo ko.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Teen FictionHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...