Keira's POV
Ano nang gagawin ko? May pasok na bukas. Makapag-absent nalang siguro para makapaghanap ako ng bagong trabaho.
Hindi ko naman sukat-akalaing ganoon kalala ang kayang gawin ni Kristine para lang masolo niya si Kade. To the point na may sisirain siyang buhay para sa sarili niya. Napakaselfish. Dahil sa kanya nawalan ako ng trabaho. Paano kapag wala na akong mahanap? Minor pa rin akong maituturing dahil seventeen years old palang ako.
Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin sa mga bituin. Malalagpasan ko din ito. Alam kong may magandang kapalit lahat ng nangyayari sa akin.
Tiwala lang.Naglalakad na ako palabas ng subdivision nina Kade nang may bumusina sa kalsada. Ford Everest.
"Bakit ka na naman naglalakad ng gabi?"
Napangiti ako nang makita si Trey sa loob ng sasakyan. Kapag talaga may problema ako at kapag kailangan ko ng kasama at makakausap, nandyan siya.
"Sakay na. Natutulala ka na naman sa kagwapuhan ko," sabi niya ng buong yabang. Napatawa nalang ako at sumakay na.
"So bakit ka nga naglalakad ng madilim na. Sabi naman sa'yo delikado eh. Mabuti nalang at nakita kita," pangaral niya sa akin habang nagdadrive.
Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Trey, bakit lahat ng saya, may kaakibat na sakit?"
Tahimik lang kami nang itanong ko iyon. Ano naman kaya ang nasa isip niya? Naweiweirduhan na siguro siya sa akin.
"Hindi ka makakaramdam ng saya kung hindi ka muna nasaktan. Tandaan mo, kaya ka nakakaencounter ng mga bagay na nakakasakit sa'yo para mas maappreciate mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo. Minsan kasi, sa sobrang saya natin sa isang bagay, hindi na natin naaappreciate iyong iba pang nakakapagpasaya sa atin.
"Kaya kung ano man iyang pinagdadaanan mo, kung gaano kabigat at nakakasakit iyan, ganoon din ang kaakibat na saya ang mararamdaman mo kapag nalagpasan mo na iyan. Lilipas din iyan. Laban lang. I know you are strong and brave enough to handle all of these. Basta nandito lang kami para sa'yo."
Tahimik lang ako habang sinasabi niya iyon. Napangiti ako bigla. Kahit kailan talaga ay hindi pa siya sumablay sa pagcomfort at pagpapangiti sa akin.
Nakarating na rin kami sa apartment namin makalipas ang ilang minuto.
"Thank you ah. Kapag kailangan ko talaga ng makakausap, bigla kang sumusulpot eh 'no?" Sabi ko habang nasa loob pa rin ng kotse niya.
"Wala iyon. Ganito talaga kapag gwapo," sabi niya sabay pogi pose.
"Hangin," sabi ko at piningot siya.
"A-aray," sabi niya habang hawak kamay ko para alisin iyon. Tawa lang ako ng tawa sa mukha niya. Ang epic eh.
"Sige na. Thank you ulit ah. Ingat sa daan," sabi ko at nginitian siya.
"Sige. Malalagpasan mo din iyan. Laban!" Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Bumaba na ako ng sasakyan. Inintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako pumasok. Naabutan ko si Kris na nanonood ng Powerpuff Girls.
"Oy! Nanonood ka nyan?" Tanong ko habang natatawa.
"Bakit ba? Ang cute kaya ni Bubbles. Tsaka wala akong mapanood eh," depensa niya sa sarili niya.
"Sabagay. Kamukha mo naman si Mojo Jojo eh," sabi ko at humagalpak ng tawa sabay pasok sa kwarto. Gaganti iyon panigurado eh.
~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Fiksi RemajaHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...