Keira's POV
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad dito sa barracks namin. Ramdam ko ngang kaunti nalang ay mababatukan na ako ni Rica.
"Hoy babaita ka. Dyosa ka na sana kaya lang mukha kang baliw dyan sa ginagawa mo. Umupo ka nga. Nakakaloka ka," naiinis na sabi ni Rica.
Hindi ko siya pinansin. Nagpabalik-balik pa rin ako sa paglalakad.
Mananalo kaya ako? Ramdam ko hindi eh. Nadulas kaya ako kanina. Tingin ko wala pang kwenta ang naging sagot ko kanina. Inatake na naman ako ng kaclumsyhan ko. Gigil.
Tapos ang gagaling pa noong ibang contestants. Tsk. Bayaan ko na nga. Una palang naman alam kong hindi na talaga ako mananalo eh.
"Aray!"
Ayun nga, hindi na nakapagpigil si Rica. Nabatukan na ako. Ang lakas. Nakakalimutan niya na bang lalaki pa rin siya kaya malamang malakas iyon?!
"Babatukan pa ulit kita o uupo ka na dito? Kumukulot ang straight and beautiful ko hair ko sa'yo eh. Kaloka ka," sabi ni Rica sabay flip ng buhok niya.
Napatawa nalang ako at umupo na sa isa sa mga upuan sa barracks. Kami lang ang nandito ni Rica dahil iyong iba kong teammates ay nasa labas at sinusulit ang natitirang oras ng intrams.
Kasalukuyan naming iniintay ang awarding. Alas-otso na rin ng gabi. Tatawagin nalang daw kami kapag magsisimula na ang awarding. Ipinunas ko ang kamay ko sa suot ko dahil sa kaba kahit hindi naman ako pasmado. Nakasanayan na eh.
"Kakanta nalang ako para mawala ang kaba mo bessy," out of the blue na sabi ni Rica.
"Nevermind Rica. Nawala na pala ang kaba ko," biro ko at humaglpak ng tawa. Ang sama ng tingin niya sa akin!
"Che! Ewan ko sa'yo!" Maarteng sabi niya at nagcrossarms.
"Sige na nga. Ano bang kakantahin mo?" Sabi ko habang natatawa. Kalokohan na naman 'to, panigurado.
Ngumiti naman siya ng malapad at kunwari pang tumikhim.
"Ehem. Ehem. NANG MAINLAB AKO SA'YO AKALA KO PAG-IBIG MO AY TUNAY."
"TAMA NA RICA. MAGHUNOS-DILI KA," hindi ko na siya pinatapos dahil nahihiya na ako sa mga nagtitinginang tao sa may corridor.
Anong ginawa niya? Binuksan niya ang pinto ng barracks at sumilip sa labas sabay kanta. Hindi manlang ba siya nahihiya? Ako ang nahihiya para sa kan'ya eh. Tsk.
"Oh 'di ba? Nawala kaba mong babaita ka? Ang dyosa ko na nga, ang galing ko pa kumanta," sabi niya sabay flip hair.
Napatawa nalang ako ng kaunti at napailing.
"Oo. Ang galing. Sa lahat ng panget na boses na narinig ko, sa'yo iyong pinakamaganda."
Napatingin kami sa pintuan nang may pumasok at nagsalita. Si Trey pala. Hindi nakawala sa tingin ko ang pagkagat sa labi ni Rica sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga niya habang nakatingin kay Trey. Sira talaga.
"Pinapapunta na doon dahil magsastart na daw ang awarding. Tara na," dagdag niya sabay lahad ng braso niya.
Kukuhanin ko na sana iyon nang mauna si Rica sa akin. Ishiship ko na ba 'tong loveteam na 'to?
Ay, oo nga pala, pareho nga pala silang lalaki. Iyong isa nga lang, lalaki din ang hanap. Kaloka. Natawa ako ng bahagya nang makita ang pagngiwi ni Trey habang nakatingin sa braso nilang magkaangkla.
"Tara na," sabi ko habang nauunang lumabas ng barracks. Nakita ko ang matalim na tingin sa akin ni Trey nang makita niyang natatawa ako. Bakit ba? Eh sa ang cute nilang dalawa eh.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Novela JuvenilHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...