Chapter 32 - Inlove

881 45 3
                                    

Keira's POV

Dahan-dahan kong nilabas ang ulo ko mula sa halaman na pinagtataguan ko.

"Aigoo!"

Napatingin ako sa may paanan ko nang may bigla akong may maramdamang kung ano.

"Anak ng tinapa kang pusa ka. Ginulat mo ako," bulong ko.

Baliw na ba ako kung kinausap ko itong pusang ito? Nanggugulat naman kasi. Pero cute siya. Kulay puti siya na may stripes na black and white sa buntot.

Ay! Iyong inoobserbahan ko nga pala! Sumilip ulit ako sa mula sa halaman at nakita siyang nakaupo sa may bench.

"What are you doing?"

"Ay anak ng tipaklong!"

Muntikan naman akong matumba sa gulat nang biglang may magsalita sa likod ko. Juice colored naman itong engkantong ito! Nanggugulat eh! Kaano-ano ba niya iyong pusa kanina?!

"A-ano. Nagaano lang. Ano. Naglalaro kasi kami ng tagu-taguan. Oo. Tama. Hehe," sabi ko at awkward na tumawa.

Napatingin naman ako sa may gawi ni Kristine at shems! Malapit dito sa pinagtataguan ko ang tinitignan niya kaya bigla ko namang hinila pababa si Kade para magtago kaya napaupo siya sa tabi ko. Napakunot naman ang noo niya.

Fudge! Bakit ko ba siya sinama sa pagtatago? Kei! Anong ginagawa mo?

Gulong-gulo naman ang mukha niya at nakakunot na naman ang makinis niya noo.

"A-ano. Baka kasi mapansin ako kapag nakita ka. Tama. Tapos ano kung sino kasi unang mahuli, manlilibre eh. Hehe," sabi ko at napakamot ng batok.

"Tss."

Tumayo na siya at pinagpag ang pants niya. Inirapan naman niya ako at umalis na.

Makairap ha?! Kapal! Akala mo naman gwapo! Kahit gwapo naman talaga.

Sinilip ko si Kristine sa huling pagkakataon at nakaupo pa rin siya sa bench. Wala naman ako masyadong napansin na kakaiba sa kanya.

Patapos na ang lunch break kaya tumayo na ako. Naglakad na rin ako papunta sa classroom ko.

Ano ba talagang mayroon sa'yo, Kristine? Bakit may iba kaming nararamdaman tungkol sa'yo?

~~~~~~~

"Yow!"

"Ay mama!"

Anak ng tinapa naman talaga. Muntikan pa akong mahulog dito sa hagdan. Sino ba ito?

"Margarette?"

Anong trip nito?

Naging komportable na rin ako sa kanya. In fact, masaya siyang kasama. Hindi naman siya iyong babaeng masungit na akala namin. Actually, oo, sa ibang tao lang. Pero sa kaclose niya, hindi. Palabiro nga siya eh. May pagkamaarte nga lang.

Nagiging kaclose na rin niya sina CK, Aki, at Frances. Noong una nga, nagdadalawang-isip pa sila dahil nga sa nagawa ni Marga sa akin dati. Pero naging magkakaibigan na rin naman sila.

"Halika sa canteen. May ikekwento ako sa'yo. Libre kita," sabi niya sabay wink.

Pagdating namin sa canteen ay mahaba ang pila dahil nga lunch break na. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa may unahan ng pila.

"Marga. Huy. Masama sumingit," sabi ko sa kanya nang pabulong.

"Bakit ba?" Malakas niyang sabi. Siniko ko naman siya at pinanlakihan ng mata.

"Tama na. Iyong mata mo pang tarsier na. Tsaka isa pa, magaganda dapat ang nauuna. Hindi mga palaka," sabi niya at tinignan ang nasa likod namin at inirapan sabay flip hair.

Napatingin naman ako sa likod namin at nakita ang dati niyang alipores na sobrang talim ng tingin sa amin kaya napaiwas naman ako ng tingin. Sila iyong tumiwalag kay Marga dahil nga hindi na siya ang queenbee. Fake friends tho.

Napatingin ako sa may entrance nang sumenyas doon sa Marga. Sina CK, Frances, at Aki ay nandoon. Sinenyasan sila ni Marga na makipila na rin sa amin or should I say makisingit? Natuwa naman silang tatlo. Napangiti nalang ako at napailing. Pasaway talaga. Nakakatuwa lang tignan na close na rin sila.

Umorder na kami. Sandwich at pineapple juice ang inorder nina Marga at CK. Adobo naman at strawberry shake ang sa akin. Kina Aki at Frances naman ay pinakbet at mango juice.

"Sigurado ba kayong iyan lang kakainin niyo?" Tanong ni Aki kina Marga. Nakaupo na kami sa table at kakain na.

"Yep. We're on a diet," sabi ni CK in a maarte tone na halata mong loko lang naman at nag-apir sila ni Marga habang natawa.

Napatawa naman kami ni Frances sa kanilang tatlo. Bigla kasing parang naging ewan iyong mukha ni Aki habang nakatingin sa kanilang dalawa. Sumubo siya ng malaki na nagpangiwi naman kina Marga at CK at nagpatawa naman sa amin ni Frances.

"Huy. Nga pala, may napapansin na ba kayo kay Kristine?" Tanong ni CK.

Alam na nila ang plano namin ni Marga. In fact, inoobserbahan na rin nila si Kristine. The more, the merrier ika nga nila.

"So far, wala pa naman," sagot ni Aki.

"Same," sabi ko.

"Basta isa lang sigurado ko. Lalabas din ang totoong kulay niya. Lalabas din ang kulo nyan. Swear," sabi ni Marga at nagsmirk. Ito na naman siya. Ang nakakatakot na side niya.

Nasaan nga pala kaya si Kade? Iyong vitamins niya nga pala. Binilisan ko na ang pagkain at nagpaalam na rin sa kanila. Alam na naman nila iyon. Alam na nga rin pala ni Marga ang totoo na maid ako ni Kade. Wala naman siyang naging reaksyon. Hindi na rin naman daw niyo gusto si Kade. May iba na daw. Sus.

Napatingin ako sa nagtitinda ng ice cream. Napangiti naman ako sa naisip ko. Bumili ako ng dalawang strawberry ice cream. Isa kay Kade, isa sa akin. Favorite namin ito eh.

Masaya akong naglalakad habang hinahanap siya. Siguradong matutuwa siya sa dala kong strawberry ice cream. Napangiti naman ako sa naisip kong iyon.

Bigla akong natigilan nang makita siya sa isa sa mga bench sa mini park ng school. May kasama siya. Sino pa ba? Si Kristine. Nakangiti sila sa isa't-isa. Ngayon ko lang nakita ang ganyang ngiti ni Kade.

Pero ang sinabi ni Kade ang nagpatigil ng ikot ng mundo ko.

"Hindi ko sukat akalaing ikaw ang childhood bestfriend ko. I missed you, Tintin," sabi ni Kade at niyakap si Kristine.

Siya? Siya ang nawawalang childhood bestfriend ni Kade? Siya ang matagal nang hinahanap ni Kade? Siya ang first love ni Kade?

With that idea, para bang gumuho ang mundo ko. Alam kong darating din ang araw na ito. Ang araw na makikita din ni Kade ang childhood bestfriend niya. Pero hindi ko akalaing ganun ka bilis iyon. Na ngayong araw mangyayari ito.

Nakatalikod sa akin si Kade at nakaharap sa akin si Kristine. Nagulat ako nang biglang nagsmirk sa akin si Kristine.

Tama nga ang hinala namin ni Marga at CK. Nasa loob ang kulo niyo. Na hindi siya perpektong anghel tulad ng iniisip ng iba. May tinatago din siya sa loob niya.

Tumalikod ako nang maramdaman kong tutulo na ang mga luha ko. Napatingin ako sa hawak kong dalawang strawberry ice cream. Akala ko pa naman magiging masaya ang araw na ito. Akala ko lang pala.

Sa nararamdaman ko ngayon, isa ang nasisigurado ko. Nagseselos ako na isang patunay na...

I am inlove with the Cold Guy.

~~~~~~~~~

A/N: Sorry kung sobrang tagal ko bago nakaupdate. Naging busy lang talaga. Exam, quizbees, play at marami pang iba. Pero babawi ako. Promise! Lalo na bakasyon na. Yehet! *0*. Sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta, thank you! Sana hindi kayo magsawang sumuporta at magbasa nitong story ko. Blue, Keira, Kade and the rest of the characters love you. Kamsahamnida~







Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon