Chapter 34 - Intramurals

831 41 3
                                    

Keira's POV

"Kei, bili mo naman ako ng tubig sa cafeteria. Salamat."

Hindi pa ako nakakapagsalita para humindi ay umalis na siya. Aish. Napaka naman talaga. Katulad ng inaasahan ko, ito nga ang naging role ko ngayong intramurals. Water girl.

Porket ba hindi ako sporty ganito nalang? Grabe naman! Pwede naman akong taga-cheer ah. Napapadyak nalang ako sa inis.

"Keira! Sama."

Sumama pa itong isang ito. Napamental facepalm nalang ako kung posible man iyon.

"Huwag na Trey. Kaya ko na," sabi ko sa kanya.

Nagpout naman siya at inayos ang fake niyang salamin at inayos ang buhok niya. Si Tyrone Fuentabella, ang sikat na model, ang kasama ko ngayon. Hindi ko talaga sukat akalaing siya ito. Nagsalamin at dinapa lang ang buhok hindi ko na nakilala? Hindi na siya nakilala? Grabe.

So, ibig sabihin ba noon may pag-asa pa akong gumanda kapag inalis ko itong salamin ko at umayos itong buhok ko? Tch. As if naman. Kung ano-ano na naman itong naiisip ko.

"Tara na nga," sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya ng abot hanggang mata. Cute. Nasisiraan na talaga ako. Kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Magpapacheck-up na nga ako mamaya.

Isa pang dahilan kaya hindi siya nakilala ay dahil pinalitan niya ang pangalan niya. Kilala siya dito bilang Trey Lancaster. Nakipag-usap na ang manager niya sa mga faculty ng school para itago nga ang totoo niyang pagkakakilanlan. At ako lang ang nakakaalam noon. Dapat ba akong matuwa?

Ngayon ko lang din nalaman na model pala itong lalaking ito. Sabagay, hindi na ako magugulat dahil sa itsura niya palang, pasado na. Isama mo na rin ang katawan. Ehem.

"Look girls. Nagsama ang dalawang loser," rinig kong bulong ng isang bubuyog na naglalakad. Ang laki ng shades ah. Grabe. Tirik na tirik ang araw para sa kanya kahit may bubong.

"Uy. Huwag ka ngang ganyan kay cutie nerd," sagot naman ng kasama niyang clown sa kanya at humagikhik habang nakatingin kay Tyrone este Trey. Tiradurin ko sila dyan eh. Rhyming iyon ah!

Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili kong tawagin siyang Trey kundi baka madulas ako. Lagot na kapag nangyari iyon.

Nang malagpasan namin sila ay napasmirk nalang ako. Hindi ba talaga nila makilala itong katabi ko? Akala ko ba sikat ito?

"Grabe. Nakakaawa naman siya. Mukhang may sore eyes siya," bulong niya sa akin na nagpatawa sa akin.

"Ang sama mo rin naman talaga eh ano?" Sabi ko sa kanya habang natawa.

"Sus. Alam ko namang nilait mo din sila sa isip mo," sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Trey!" Banta ko sa kanya at hinampas siya. Ayaw ko pa namang ginugulo ang buhok ko kahit pa magulo na talaga.

"Nye nye nye," pang-aasar niya habang nakalabas ang dila. Mukha siyang takas sa mental. Napahaglpak naman ako ng tawa dahil sa itsura niya.

Pero napatigil naman ako ng tawa nang may makasalubong kaming dalawang tao. Napaiwas naman ako ng tingin at hinampas ulit si Trey na para bang hindi ko sila nakita. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin sila sa amin.

"Kei! Nakakadalawa ka na ha!" Sabi ni Trey at inakbayan ako at mas ginulo pa ang buhok ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang masama ang mukha ko at ang katabi ko naman ay ang laki ng ngiti habang nakaakbay sa akin.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon