Keira's POV
"So class, may regional science quizbee na magaganap next week sa ibang school. I will be picking 2 representatives and they will compete together. Ibig sabihin ay magkapartner sila," sabi ni ma'am Reyes, ang adviser namin.
Inikot niya ang paningin niya sa buong classroom at napako ang tingin sa amin banda ni Kade.
Uh-oh. Not this time ma'am.
"I think I already picked a perfect partner for this competition," sabi ni ma'am habang nakatingin sa amin.
"Ms. Lopez and Mr. Scott," sabi ni ma'am habang nakangiti sa amin.
Sari-saring reaction ang narinig ko. May mga natuwa dahil panigurado daw na mananalo kami pero yung natitirang 99.9% ay masasama na naman ang tingin sa akin.
"What?! But why?! She's just a transferee!" Sabi ni Margarette habang nakatayo.
"Lower down your voice or else I'll send your parents here! And besides, perfect niya ang entrance examination," sabi ni ma'am.
Napatahimik naman si Margarette at umupo nalang ng naka-cross arms.
Napatingin ako kay Kade at as always, wala akong makitang reaction sa mukha niya. Nakatingin lang siya sa bintana.
Wala namang problema sa akin na lumaban sa quizbee kaya lang ang kapartner ko pa ay si engkanto? Naiilang nga ako sa kanya eh.
Ang lalim naman kasi nung mga sinabi niya kagabi. Hindi ko mahukay. Hindi ko malaman kung saan niya pinaghuhugot yun. Weird.
Bayaan mo na nga Keira. Extra curricular din yan.
~~~~~~~~
Lunch time na. Woot woot. My very very very very very very favorite subject. Lahat naman yata.
"KEIIIII!" Kilala niyo na kung sino yan.
"Alam mo ba ano kasi ano tapos ano," sabi ni Aki tapos tumili.
"Anyare sayo?" Sabi ni Frances. Nandito na kami sa cafeteria. Nakaupo na kami sa table pero hindi pa rin kami makakain dahil kay Aki.
"Intinding-intindi namin Aki grabe. Ano bang nangyari sayo? Nanalo ka sa lotto? Nakapulot ka ng tsekeng nagkakahalaga ng isang milyon? Nakita mo si crush? Nagkatinginan kayo ni crush? Nagkausap kayo? Ano?" Sabi ko at nagsimula nang kumain.
"Sira ka talaga. Pinadala na ni dad yung dati ko pang hinihiling sa kanya sa dress," sabi niya. Akala ko naman kung ano na. Napailing nalang kami ni Frances.
Pagkatapos naming kumain ay nagkahiwahiwalay na rin kami kasi may mga gagawin pa kami. Hahanapin ko pa si Kade para ibigay itong vitamins niya. Ang cute nga eh.
Muntikan na akong mawalang ng out of balance. Teka, ano daw? Mawalan na out of balance pa? Ay ewan. Nababaliw na yata ako.
Kinuha ko iyong necklace na dahilan ng muntikan ko nang pagkadulas. Half-heart siya. Ibig sabihin may kapares pa ito. Nakalagay dito ay 'Best' .Kanino naman ito? Sayang. Ang ganda pa naman.
Napatingin ako sa harap ko. Mukhang alam ko na kung kanino ito.
"Looking for this sir?" Sabi ko at pinakita sa kanya yung necklace. Napatigil siya sa pagkapa sa leeg niya at sa paghahanap nang makita ang hawak ko.
Muntikan ko nang mahulog iyong necklace nang bigla akong yakapin ni Kade. Siomai. Anong nangyayari?
"Thank you very much," sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.
Napaubo naman siya nang peke nang marealized niya iyong ginawa niya. Buti naman. Hoo. Baka mapagkamalan na akong kamatis sa sobrang pula ko. First time kaya na may yumakap sa akin na lalaki na hindi ko kaano-ano.
"I'm sorry," sabi niya at kinuha iyong necklace at pinunasan iyon. Mukhang sobrang halaga noon sa kanya. Ang tanong, nakanino iyong isa pa?
"I gotta go," sabi niya at umalis na.
Teka, parang may nakakalimutan yata ako? Aigoo. Iyong vitamins niya!
"KADE!"
Sinigaw ko iyong pangalan niya kaya lang masyado na siyang malayo. Mapupunit na yata lalamunan ko sa kakasigaw. Siomai na yan. Ang lalaki kasi ng hakbang. Engkanto talaga. Hindi bale na nga. Habulin si engkanto para sa ekonomiya!
Humarang ako sa dadaanan niya na parang nakikipagpatintero. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Kade- hoo- teka lang, hihinga - la- ng a-ako," sabi ko at napahawak sa bewang sa sobrang pagod.
Inabot ko sa kanya iyong vitamins niya at mukha namang naintindihan niya na iyon.
Inabutan niya ako ng bottled water. Agad ko naman iyon kinuha at ininuman. Nang matapos na akong uminom inilapag ko iyon sa tabi ko sa may bench. Pwede na yata ako sa Olympics. Mula sa building napunta akong open field? Grabe.
Inabot ko sa kanya iyong vitamins niya at mukha namang naintindihan niya iyon. Ininom niya na iyon.
Nagbell na kaya dali-dali kaming pumunta sa classroom. Takbuhan na naman. Anak ng tokwa naman talaga.
~~~~~~~~
Uwian na~! Palabas na ako ng school nang may biglang tumigil sa harap ko na black na mamahaling kotse.
"Hop in," sabi ni engkanto. Oo, siya ulit. Hindi ko nga alam kung anong trip nito eh. Ang sama na naman tuloy ng tingin sa akin nung mga fangirls niya.
Sumakay na ako agad kasi baka biglang nalang akong sugudin ng KD fansclub.
"Where are we going?" Sabi ko in a Dora tone.
Hindi siya umimik at sa halip ay nagdrive nalang siya ng tahimik. Sanay na naman ako.
Tumigil kami sa isang park. Sa isang napakapamilyar na park at memorable na park.
Lumabas na kami sa kotse. Nakatalikod siya sa akin habang nakatingin sa mga batang naglalaro.
"Marami ka nang natutuklasan tungkol sa akin. I don't know but I have this feeling that I should tell my story to you."
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Novela JuvenilHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...