Keira's POV
Andito na ako sa loob ng bahay nina Kade or should I say mansion? Tinutulungan ko na si nanay maglinis dito kasi tapos na ako sa garden.
Kaya lang, nahulog yung cellphone ko habang nagwawalis. Mumurahin na nga lang nahulog pa. Ayun, sira. Tinry ko na ang lahat para sa kanya pero wala pa rin. Iniwan pa rin niya ako. Sa tagal ng pinagsamahan namin ganun-ganun nalang. Hay.
Nakakaloka linisin itong mansion nina engkanto. Ang laki. Jusme. Buti nalang patapos na kami. Konting walis nalang at oks na.
Walis here, walis there. Tadah! Tapos na kami. Yehet!
"Oh ija tapos na tayo. Magpahinga ka muna bago ka umuwi," sabi ni nanay sa akin.
"Sige po nay," sabi ko habang papunta ng kusina para kumuha ng tubig. Haggard na yata ako. Kinuha ko na rin si nanay.
"Keira."
Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong tumawag sa akin. Hindi ba uso sa kanya ang nickname?
"Bakit po engka- este sir?" Sabi ko. Oo, yung engkanto kong amo yung tumawag sa akin.
"Give me your phone," sabi niya.
Bakit naman kaya? Hindi kaya naiinggit siya sa phone ko? Napakaimposible naman noon. Kung naiinggit siya kaya niya namang bumili ng sangkatutak na phone katulad nung sa akin. Baka naman dahil sa keychain kong Hello Kitty? Imposible. Tsaka sira na nga phone ko diba?
"Bakit po sir?"
"I'll get your number para madali kang macontact in case na may kailanganin ako," sabi niya habang nakalagay ang kamay sa bulsa ng pantalon. May pupuntahan yata.
"Kaya lang sir, ano, sira na phone ko. Nahulog ko," sabi ko habang nagkakamot ng batok. Ang clumsy ko kasi eh.
Biglang may bumbilyang umilaw sa ulo ko nang may maalala ako.
"Ah! Pero po sir may isa pa kaming cellphone. Kaya lang hati kami ng kapatid ko dun. Minsan dala-dala ng kapatid ko minsan nasa bahay lang po. Gusto niyo po lagay ko yung sim ko dun. Dual sim naman po yun," sabi ko.
"No. Wag na," sabi niya sabay talikod at naglakad na paalis. Akala ko kukunin niya number ko?
"Sir! Saulado ko po yung number ko. Akala ko po kukunin niyo?" Sabi ko sabay habol sa kanya habang dala-dala yung dalawang basong tubig para sa amin ni nanay.
Kumaway lang siya ng isang beses habang nakatalikod gamit ang isang kamay saka nilagay na ang mga kamay niya sa bulsa at lumabas na ng mansion.
"Nay, alam niyo po kung saan pupunta sa sir?" Sabi ko kay nanay na nakaupo sa sofa. Inabot ko na yung baso ng tubig kay nanay.
"Salamat Kei. Kanina nagpaalam siya sa akin na pupunta daw ng mall saglit kasama ang barkada niya," sabi ni nanay at ininom na ang tubig.
"Ah. Ok po," sabi ko at umupo rin sa sofa.
Nagkwentuhan lang kami ni nanay at napagkasunduan rin namin na kapag weekdays pupunta ako ng mansion ng 5 am para tumulong kay nanay. Nung una umayaw siya kasi daw masyadong maaga at baka kung mapaano pa ako pero sabi ko marami na ring tao sa amin kapag ganung oras kasi yung mga papasok ng trabaho tsaka yung mga estudyante na maaga ang pasok eh nasa labas na rin.
Hindi kasi ako magse-stay dito overnight. Naintindihan din naman ng mga amo ko kasi walang kasama si Kris sa bahay tapos hindi pa marunong magluto yung bibe na yokai na yun.
Nagluto na kami ni nanay ng hapunan.
"Kumain ka muna ija bago ka umuwi para nakakain ka na," sabi ni nanay habang nag-aayos ng lamesa. Tinutulungan ko si nanay.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Cold Guy [Under Editing]
Genç KurguHindi na bago sa atin ang magkagusto. Pero ang mahirap ay kung magkagusto ka sa isang tao na alam mong kahit kailan ay hindi magkakagusto sa'yo. Pero sabi nga nila, walang imposible. Maghihintay ka na lang ba kahit alam mong maliit ang tyansa? Ipagl...