Chapter 55 - Still Into You

1.3K 59 59
                                    

Keira's POV

"Don't you dare."

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Ang malamig at nakakatakot niyang boses. Ang boses na matagal-tagal ko na ring hindi naririnig.

Ang boses ng taong lubos kong namimiss.

"K-kade." Wala sa sarili kong sabi.

Nandito siya. Nandito siya ulit at niligtas ako. Akala ko wala na siyang pake sa akin. Akala ko wala nalang ako sa kanya. May halaga pa pala ako sa kanya.

With that thought, I secretly smiled.

Hindi niya ako pinansin. Diretso lang ang tingin niya sa babae habang hawak niya ang wrist nito.

"K-Kade," gulat na sabi ng babae.

"You know me?" Tanong ni Kade.

"O-ofcourse. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa'yo sa school? You're like the oh-so-yummy and oh-so-gwapo na Christopher Kade Scott ng school. You're every girl's dream guy. Oh my gosh!" Sabi niya at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ni Kade at nagtitili.

"Oh my gosh. He held my wrist. He held my wrist!" Sabi ng babae sa kasama niya. Napataas naman ng kilay iyong kasama niya.

"I will not wash this. Omg. Can I take a picture with you?" Natatarantang tanong ng babae.

"No," madiin na tanong ni Kade.

"Don't you dare mess with her again. Messing with her is like messing with me. Understand?" Dagdag pa niya.

"You-" Napatigil iyong babae sa sasabihin niya sana sa akin nang mapatingin siya kay Kade na nakataas ang kilay sa kanya.

"Argh!" Inis na sabi ng babae at umalis. Sumunod naman sa kanya iyong kasama niya.

"You okay?" Tanong niya sa akin nang tumingin siya sa akin. Straight face. Hindi siya cold, pero hindi ko rin siya mabasa. Tumango lang ako.

"Kei? What happened? Are you okay? I'm sorry if I'm late," tanong ng kakadating palang na si sir Geo.

"Giovanni?" Napatingin naman si sir Geo kay Kade nang tawagin siya nito.

"Magkakilala kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Woah. Kade! Long time no see bro," masayang sabi ni sir Geo kay Kade. Nagbro fist naman sila at nagyakapan.

Nice talking. Nice talking.

"Oo, magkakilala kami. Close nga kami eh. Aha ha ha," nagbibiro kong sabi sa sarili ko habang nasa harap ko iyong kamay ko na ginawa kong parang puppet. Bale parang sinagot ko sarili ko. Ayaw nila ako pansinin eh.

Napatawa naman si sir Geo. Tumingin lang sa akin si Kade. As always. Pero aaminin ko, namiss ko din iyang mga ganyang tingin niya.

"Yep. Magkakilala kami. Magkaibigan kasi parents namin and we were on the same school when we were in elementary," sagot ni sir Geo sa akin.

"Can we talk privately?" Tanong ni Kade kay sir Geo. Tumango naman si sir Geo. Pumasok na sila sa office ni sir. Bumalik na rin ako sa counter para tumulong.

"Uy sino 'yung papi na 'yun ha? Haba talaga ng buhok mo bebe. Sarap gupitin. Hmp," salubong sa akin ni ate Dana.

"Mas gwapo siya pero mas friendly ako. Tss," bulong ni kuya Simon na narinig namin ni ate kaya napatawa kami. Nagseselos si kuya. Ang cute.

Inlove With The Cold Guy [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon