CHAPTER 32

1K 15 0
                                    

Victoria

Bago ako umalis kanina sa bahay nila Dawn ay nagkasalubong kaming dalawa ni Zeus pero imbes babatiin ko siya ay yumuko na lang ako sakaniya at sabay umiwas nang tingin at naglakad pabalik sa kotse ko,tinatawag niya ako pero hindi ko lang siya pinansin at pinaandar ko lang yung kotse ko at umalis.

Ngayon pabalik na ako sa bahay at pagkarating nang pagkarating ko pa lang sa labas nang bahay ay nakita ko na kaagad ang kotse ni Dynnielle,halos dito na nakatira si Dynnielle sa bahay dahil halos hindi na siya umaalis dahil sa pagbabantay niya sakin at hindi ko lang alam kung bakit niya ito ginagawa sakin.

"Hello Dynnielle"sabi ko sakaniya nung nakapasok na ako sa loob nang bahay.

"At saan ka naman nanggaling huh?"sabi niya sabay naglakad siya papalapit sakin"O!!anong nangyari sayo bakit namamaga ang mga mata mo may problema ba?"sabi niya sabay hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.

"Im okay"at tinanggal ko ang kamay niya sa pagkahawak sa mukha ko sabay yumuko at naglakad papunta sa kwarto nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paharap sakaniya.

"Viv,what's the problem?i know that look at alam kong may hindi ka sinasabi sakin,,magkaibigan na tayo simula pa nung bata pa tayo tapos hindi mo ko pagkakatiwalaan?what's the problem?"sabi niya na parang nag-alala.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiiyak na lang ako at si Dynnielle naman ay hinila niya ako papalapit sakaniya at hinayaan niya akong umiiyak sa mga bisig niya.

"Its okay"sabi niya sabay hinimas-himas niya ang ulo ko.

"Im so sorry,dahil meron akong hindi sinasabi sayo"i said it while sobbing"pero sorry"tapos hinawakan niya ulit ang mga pisngi ko at tinignan niya ako sa mga mata ko"dahil hindi ko talaga masasabi sayo"at tinanggal ko yung mga kamay niya at tuluyan na akong tumakbo papunta sa kwarto ko habang umiiyak.

"Vivienne!!"sabi niya at rinig ko naman na sumunod siya sakin kaya mas binilisan ko at takbo ko hanggang sa nakarating na ako sa kwarto ko at agad isinara ang pintuan"Vivienne!!"sabay hinampas niya yung pinto.

At dahil sa gulat ko ay agad akong napalingon ulit sa pintuan at napahawak sa aking dibdib"im sorry"pabulong kong sabi.

Dynnielle

Hindi ko na alam kung ano na ang nagyayari sa kaibigan ko,simula nung nakabalik na ako dito sa pilipinas ay hindi ko na nakita ang dati kong kaibigan na masayahin,ngayon ay nakikita ko ay ibang tao na.

Napasandal na lang ako sa pintuan at napadalosdos pababa sabay hinawakan ko ang noo ko at hinimas-himas,dahil litong-lito na ako sa mga nangyayari ngayon,una si Dawn hindi na masyado sumasama sa akin at sa bahay naman palagi na lang nag-aaway kung hindi naman nag-aaway busy sa trabaho ngayon si Vivienne na lang yung taing mahal ko na nasa tabi ko at mawawala pa,,ano na kaya ang matitira sakin dito sa mundo??wala na ba talagang tao na may pakialam sakin at nagmamahal sakin?ano ba ang nagawa ko at bakit kailangan ko pang mararamdaman ito.

"Vivienne!!hindi ako aalis dito!!hangga't hindi mo ko kakausapin dito lang ako at maghihintay para sayo!!"sabi ko sakaniya habang nakaupo lang ako sa sahig.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring nangyayari medyo inaantok na rin ako at nanlalabo na ang paningin ko at pinagpapawisan pa ako,hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

.............

"AHHH!!"at dahil sa sigaw na yun ay agad akong nagising at napatingin sa paligid dahil sa gulat.

"Huh?anong nangyari!!"gulat kong sabi.

"Dyn,hindi ka talaga umalis pala jan!!ginulat mo ko!!"sabi niya sabay tumayo ako nung pagkatayo ko naman ay agad akong hinampas sa braso ko nang mahina.

I first rubbed my eye at inayos ang sarili bago ako nagsalita"sabi ko naman sayo diba,hindi ako aalis hangga't hindi mo ko kinakausap"sabi ko sakaniya sabay hinawakan ko ang kamay nang aking bestfriend at agad naman niya itong binawe.

Nung ginawa niya yun ay automatic namang nakaramdam ako nang kirot sa aking puso,at napayuko na lang ako dahil sa hiya.

"Hindi mo na naman kailangang gawin yan eh,ito!lahat nang ginagawa mo sakin hindi mo na yan kailangan gawin"sabi niya na parang nagmamakaawa na tigilan ko siya at mas lalong sumakit ang puso ko."bakit mo nga ba toh ginagawa sakin??"nagtataka niyang tanong.

Nung una ay bigla akong kinabahan nung narinig ko yung tanong niya at bigla akong hindi makatingin sakaniya nang deretso at medyo naiilang na ako sakaniya.

"Ano?Dynnielle bakit mo toh ginagawa sakin lahat?"sabay lumapit siya sakin.

"Madali lang naman yung sagot jan sa tanong mo eh,,kaya ko lang naman na ginagawa ko toh sayo lahat dahil mahal kita!!Oo yun yung sagot,mahal kita at titiisin ko ang lahat para sayo."buong tapang kong sinabi sakaniya,matagal ko na tong gawin at ngayon nagawa ko na rin.

"Ano?"sabi niya na parang litong-lito"pero kaibigan kita,,Oo mahal din kita pero as a friend lang,na-a-appreciate ko naman lahat nang ginawa mo sakin at maraming salamat,pero sorry"sabi niya na parang naawa"pero kaibigan lang talaga tayo"

Pagkasabi niya nun ay parang guguho na ang mundo ko parang may kumirot,kumuryente at tinatapak-tapakan yung puso ko sa sakit at ngayon hindi ko na mapigilan ang luha ko at nararamdaman ko nang tutulo kaya agad ko nang sinabi niya ito.

"Okay lang,,naiintindihan naman din kita eh"sabi ko sabay tumalikod ako at sabay bumababa.

"Dynnielle!!patawarin mo ko!"sabi niya at nararamdaman ko naman na sinusundan niya ako.

"Hindi okay lang!!"sabi ko sabay pinunasan ko ang mgaluha ko.

Kahit masakit man toh sakin pero dapat kong tanggapin ito dahil ito ang desisyon niya para sa aming dalawa na maging magkaibigan lamang,at naiintindihan ko.

Putang-inang puso naman kasi toh eh!!basta-basta lang tumitibok sa isang tao kahit alam  namang mali,,,dahil magKAIBIGAN kami!!

Habang tumatakbo ako papalabas ay sinusuntok-suntok ko yung dibdib ko dahil parang gusto ko nang lamunin ako nang lupa.

"Dynnielle!"at sumakay na ako sa kotse ko at agad umalis.

The Four Mistress And I (The Aesthetics of Dawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon