Hale
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko,ngayon na alam na ni Dawn na buntis ako,baka pagbawalan na ni Dawn si Zeus na puntahan ako rito,ayoko naman na lumaki tong anak ko na walang ama..
"Dahil lang dito sa isang pagkakamali nagkakagulo na ang buhay ko nang sobra-sobra may madadamay pa akong bago"nade-depressed na ako sobra,kaya napahawak na lang ako sa ulo ko at napabuntong hininga"sorry baby huh at nadamay ka pa sa gulong ito."sabi ko habang hinimas-himas ko ang tiyan ko.
Tumayo na lang ako sa pagkaupo ko sa gilid nang higaan ko at nagpasyang manuod na lang nang movie sa baba para kahit papano ay makalimot ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sana ang tao ay parang cellphone na lang,,na kapag hindi na kaya nang memory mo ay magde-delete ka na lang para magkaroon nang space ulit at para makapagsimula nang bago.
Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na papunta sa living room nung bigla kong nakita si Zeus na kakapasok lang sa bahay.
"Zeus?"nagtataka kong tanong.
"Hale!"sabi niya umiiyak.
"Zeus!!anong nangyari!!"bigla naman akong kinabahan kaya agad na akong tumakbo pababa.
"Hale dahan-dahan lang,,wag ka masyadong tumakbo masaya yan para sa bata"concern niyang sabi sabay naglakad siya papalapit sakin at sabay inalalayan ako pababa nang hagdan.
"Maliit pa naman ang tiyan ko at isa pa kaya ko namang bumaba mag-isa hindi mo na kailangang alalayan mo ko nang ganito"natatawa kong sabi sakaniya.
"Mas mabuti yung nakakasigurado na,sakaya sa kung anong mangyari pa"hanggang sa nakarating na kami sa living room ay inalalayan parin niya ako hanggang sa makaupo na kaming dalawa sa sofa na magkatabi.
"Ano ba kasi ang nangyari?"nagtataka kong tanong sakaniya with a concern tone of voice.
"Yun,nag-away parin kami!!galit na galit parin siya sakin,pero hindi ko talaga lubos na maisip kung ano ang ibig niyang sabihin kanina sakin,about sa mga alam niya na hindi ko alam??yun yung gusto ko lang malaman,pero nung pagkarating ko sa bahay ay sampal na kaagad ang bumungad sakin"sabi niya sabay napayuko siya.
"Okay lang yan,nandito lang ako"sabi ko sakaniya sabay hinimas ko ang likod niya.
"Sorry huh,dahil lang sa isang pagkakamali na nagawa ko ay nagbago na ang lahat-lahat"sabi niya sakin sabay hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi.hindi mo kailangang magsorry dahil ginusto nating dalawa yun,sana kung hindi na lang tayo nagkita baka walang nangyaring ganito sa buhay natin"hindi ko na kaya at nalukuha na ako sobra.
Huli kong nakita na umiiyak si Zeus ay nung pilit siyang ilayo sakin nang mga magulang niya,kitang-kita ko ang lungkot at galit na nararamdaman niya nung araw na hinihila siya papasok sa kotse para ipaglayo kaming dalawa,hindi ko lang lubos maisip kung bakit ayaw nang mga magulang niya sakin,kaya ako nagsikap ngayon para ipakita sakanila na mali ang ang iniisip nila sakin.
"Wag kang mag-alala Hale,kahit anong mangyari,hinding-hindi kita iiwan,papanindigan ko ang nagawa ko sayo"
Ngumiti lag ako nang pilit sakaniya kahit sa loob-looban ay gusto ko nang umiiyak nang umiiyak.
"Salamat"sabay niyakap ko siya.
Dawn
"What shall i do mom?hahayaan ko na lang na magsama silang dalawa dahil buntis yung ex niya?o ipaglalaban ko parin ang asawa ko para kami parin ang magsasama?"sabi ko habang nakahiga ako sa higaan ni mommy.
"Alam mo anak,minsan masakit ding ipaglaban ang taong hindi ka naman ipinaglaban. Mahirap ding lumaban kung wala namang pakialam sayo ang taong iyong ipinaglalaban. At mas lalong masakit at mahirap kung ang taong ipinaglaban mo ay masaya na sa'yong kalaban."sabi ni mommy habang hinimas-himas niya ang buhok ko at nakahiga din siya sa tabi ko.
"Kaya ano nga ang gagawin ko?ayaw ko namang mawalan nang ama ang isang bata,makokonsenya lang ako,,masakit nga para sakin dahil wala akong anak,ano pa kaya ang bata na walang ama at isa pa ayoko namang ding magparaya,nalilito na talaga ako sa gagawin ko"sabay nilingon ko siya.
"if i Know,you dont want that Mistress to live in this mansion diba??at for sure ayaw na ayaw mong magsama kayong dalawa sa iisang-bubong,but for me that is the best way para mabantayan mo silang dalawa,you just need to put some barriers and security..dahil kung hahayaan mo lang na dadalaw-dalawin lang ni Zeus yang kabit niya ay mas lalo lang lala ang sitwasyon at baka tuluyan nang mawala sayo si Zeus."
Napabuntong hininga na lang ako,Oo tama lahat ng sinabi ni mommy,eh pero kapag gagawin ko naman yun,yung pagpapatira dito nang kabit niya ay baka mas lalo lang magkagulo,a mistress and a wife living in the same roof is war.
Mababaliw na yata ako dito sa planong toh!!bakit ba naman kasi kailangan ko pa tong maranasan lahat nang toh,ngayon pinuproblema ko ang isang buntis na kabit,tapos may isa pang hindi parin nakakamove on at gusto pang maghigante,yung kaibigan ko naman tinaydor ako tapos yung pokpok pa na gustong magtrabaho sa companiya nang asawa ko!!
Ahhhh!!bakit ba kasi nagpakasal ako sa usang napakagwapong lalaki,nagkakagulo na tuloy ang buhay naming lahat.bakit pa kasi inimbento ang isang kabit!!eh isa naman yang napakalaking kasalanan,grabe na talaga ang mga tao ngayon,hindi na takot sa panginoon makuha lang ang gusto kahit alam nilang masama.
"Mom?thank you for everything,dahil kahit away namin to mag-asawa ay hindi mo ko pinababayaan"sabi ko kay mama sabay tumagilid ako sa paghiga.
"For you darling,i will do everything as long as i can"sabi niya at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Good night mom"sabi ko sabay pumikit na ako.
"Good night darling"sabay umayos na din siya sa paghiga para matulog at pinatay na din niya yung mga lamp na nasa side table.
BINABASA MO ANG
The Four Mistress And I (The Aesthetics of Dawn)
Genel KurguThere are four common types of a MISTRESS.. First,a desperate Prostitute that is willing to do anything to get what she wants. Second,a revengeful Gold digger that believes on the saying that"The best REVENGE is a massive sucess". ThenThird,Bestfrie...