CHAPTER 53

1K 16 1
                                    

Dawn

"Huh!?!?Mga hayop kayo!!mga walang hiya" sabay lumapit ako sakanila at pinagsasampal-sampal"nakakadiri!!dito pa talaga kayo sa pamamahay ko nag-ganiyan!!"

"Dawn let me explain"sabi ni Zeus sakin sabay lumapit siya sakin na mukhang nagmamakaawa.

"Explain what Zeus?!nakita ko na at wala ka na dapat iexplain dahil for sure ang napaka cliche na line nanaman ang sasabihin mo"hindi ko sinasadya"Fuck you Zeus!!Fuxk both of you!!"sabay sinampal ko siya sa mukha nang napakalakas sabay tumalikod ako at naglakad papalabas nang kwarto ni Hale.

"Dawn!!"tawag sakin ni Hale.

"Hale hayaan mo muna siya"sabi naman ni Zeus kay Hale para pigilan"baka masaktan ka lang at  makakasama yun sa bata"sabi niya na concern na concern.

"Hindi Zeus,hindi!!"sabay narinig ko yung mga foot step niya na sumusunod sakin.

"Hale!"tawag ni Zeus.

"Hindi!!jan ka lang bigyan mo kami nang pagkakataon na mag-usap.

Nung nakalabas na kami nang kwarto ay agad niyang sinara ang pinto sabay tinawag ako.

"Dawn!!"at sabay hinawakan niya ang wrist ko at pinigilan ako.

"Ano ba!!"sabay hinarap ko siya at tinanggal ko ang kamay niya sa pagkahawak sa wrist ko"ano ba Hale!!mas matindi ka pa sa snatcher kung mang-agaw parang linta kung sumipsip at parang ahas kung pumulopot at bagyo kung sumira nang pamilya!!walang hiya kang malanding haliparot home wrecker!!kabit!!"sabay sinampal ko siya nang malakas.

"Sige Dawn,saktan mo lang,i deserve that,saktan mo lang ako hangga't sa gusto mo,okay lang"sabay hinimas niya ang kaniyang pisngi.

"Grabe talaga kayo noh!!ang KAKAPAL na talaga nang mga mukha niyo!!hindi na kayo nahiya,sa sariling pamamahay ko pa!siguro ang saya-saya mo noh nung nalaman mong maaga umuwi si Zeus at wala AKO!!"sabay tinuro ko ag sarili ko"dahil masosolo mo na ang asawa ko"sabay lumapit ako sakaniya na nakataas ang isang kilay.

Gigil na gigil na talaga akong saktan siya kung hindi lang talaga dahil buntis siya baka kanina ko pa siya tinulak sa hagdan.

"Kung alam mo lang,kung gano ko sinubukang layuan si Zeus...ang hirap ,pero kahit anong gawin ko ang hirap eh,dahil nandito ako nakatira at siya ang ama nang bata na nasa sinapupunan ko ngayon,kaya kahit ano mang layo ang gagawin ko ay magkikita at magkikita talaga kami dahil nakatira lang kami sa isang bubong."sabay pinunasan niya ang luha niya.

"Pero hindi kailangan gumawa nang kababalaghan dito sa pamamahay ko!!Oo naghalikan lang kayo pero sa tingin mo?saan yun mapupunta?"

"Oo!aaminin kong nagkamali ako pero sorry na nagmamahal lang naman yung tao eh."then she sob and wipe her tears on the chick.

"Alam kong nagmamahalan lang kayong dalawa,kaya nga minsan wag niyo masyadong sundin ang puso niyo,dahil hindi lahat nang desisyon nang puso ay tama at hindi lahat nang oras ang pagmamahal ay tama,lalo na kapag ang tao na minamahal mo ay nakatali na sa ibang tao,minsan hindi masamang sundin ang utak!kaya nga binigyan kayo nang utak nang Diyos para matuto kayong mag-isip at malaman niyo kung anong tama at mali,puro lang kasi puso ang pinapairal mo!!"then i pointed her chest"you are just to blinded in love hindi mo na napapansin na may nasasaktan na palang iba!sana naman kapag may time gamitin mo yang kukote mo"then i pointed her head"para namang hindi masayang!dahil nabubulok na!"pagkatapos ay hinead to foot ko siya at pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at umalis na ako sa harap niya.

"Sorry"narinig kong bulong niya.

At timing naman na bumukas na yung pinto at lumabas si Zeus.

"Hale!"nag-alala niyang sabi"are you okay?may ginawa ba siya sayo?anong nangyari?"sunid-sunod niyang tanong.

"Okay lang ako"

Hale

Pagkatapos naming mag-usap ni Dawn ay naisipan kong mas mabuti kong lumayo na lang ako sakanila na hindi ko na kailangang tumira dito,ako na lang mismo ang lalayo sa gulo ayoko nang makasira nang pamilya,dahan-dahan na akong pinapatay nang konsensya ko.

Naisip kong tama si Dawn na hindi sa lahat nang bagay ay puso ang paiiralin dahil may nasasaktang iba.

Alas dose na nang gabi at tulog na ang lahat kaya naisipan kong ito na yung tamang oras para umalis na lang dito sa pamamahay niya para matapos na tong gulo na toh,una nagdadalawang isip ako sa plano ko dahil madadamay ang anak ko pero ito yung tama but in my second thought ito'y mali.

Huminga na lang ako nang malalim habang tinitignan ko ang bahay,salamat at nakatulog yug mga gwardiya kaya hindi ako masyado nahirapan sa pagtakas...

"Sorry Dawn,sorry Zeus sana mapatawad niyo."sana ay mabasa nila ay sulat na ginawa ko para sakanila.

Uuwi na lang muna ako sa bahay para may matirhan ako may pera pa naman akong natira.

Wala na kasi akong trabaho dahil pinahinto ako ni Dawn at Zeus kaya ngayon titipirin ko na lang tong pera ko na natira at bukas na bukas ay maghahanap na ako nang trabaho para saming dalawa ni Baby.

Naghintay ako nang jeep nang ilang minuto bago ako nakasakay,nung nakarating na ako sa bahay ay agad ko nang binuksan ang gate,dala-dala ko lanaman din yung mga susi sa bahay.

Pagkapasok ko ay inon ko na yung mga ilaw,pagkatingin ko sa paligid ay hindi ko na napihilan at automatic na nagtuluan yung mga luha ko,na-isip kong ako na lang pala ang titira dito sa malaking bahay na toh,sana naman ay makakaya ko lang.

Umakyat na ako sa kwarto ko at inilagay na lang muna ang gamit ko sa gilid nang higaan ko at bukas ko na lang sila aayusin dahil antok na antok na ako sobra,humiga na ako sa higaan ko huminga nang malalim bago ako nagsimulang pumikit"sana tama tong desisyon kong toh"

..................

Nagising na lang ako nung nakaramdam ako na may humahaplos sa buhok ko,dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"Good morning"parang pamiliar na boses yun ah.

Nung nakadilat na ako ay naging klaro na dina ng lahat at ang nakita ko ay isang lalaking nag-alalang nakatingin sakin.

"Zeus?"

The Four Mistress And I (The Aesthetics of Dawn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon